Chapter 26

14 2 0
                                    

CHAPTER 26

Sabay na Late

Song: Pangrap ko ay Ibigin ka by Regine Velasquez

ELOSIE POV

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay dala-dala ang aking laptop, pero dahil sa dami kong dala at bigat ng bag ko ay hindi ko magawang maglakad ng mabilis. Ngayon ay 7:25am na at kailangan ko ng bilisan dahil pagna-late na naman ako ay bibili na naman ako ng floorwax!
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon at talaga namang napakatahimik ng paligid dahil wala ng ibang taong naglalakad dito bukod sakin! Jusmiyooo wala na bang ibang late jan?

Luminga linga muna ko sa paligid nagbabakasakaling may makita akong kaklase ko kaso sa kasamaang palad ay walaaaaaaaaaaaa.

Ngunit....

Agad na lumawak ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung sino ang taong kakababa palang ng jeep.

Ang aking irog....

Sa ngayon ay sobrang layo namin sa isa't isa. Si Sir kasi ay kakababa palang ng jeep at mahaba-haba pa ang lalakarin niya, samantalang ako naman ay malapit na sa gate ng school namin, pero natatanaw ko parin si Sir at sigurado akong natatanaw niya rin ako kahit malayo ang distansya namin sa isa't isa kaya agad naman akong napaisip.....

Bibilisan ko ba ang lakad ko o babagalan ko lang?

Kasi, kung babagalan ko ang lakad ko, makakasabay ko Sir at magkakaroon kami ng moment para makapag-usap pero kung bibilisan ko naman ang lakad ko, ay mabilis akong makakarating sa room ko at maiiwasan ko ang pagkalate.

So in short, ano ang pipiliin ko?

Haharot muna ba ako o hindi?

Hays...sa hindi malamang dahilan ay bigla kong nilingon si Sir Carlo, at ang bilis ng lakad niyaaa... Medyo malapit-lapit na si Sir sakin kaya naman medyo binagalan ko ang lakad ko. Hehe nakapili na 'ko. Haharot muna ako tutal late na naman din ako so, sulitin ko na diba?

Tuloy lang ako sa mabagal na paglalakad. Maya maya ay nakita ko ang kaklase ko na kakababa lang ng tricycle. Sana ol nakatricycle.
Nagsabay na kaming maglakad ng kaklase ko tutal pareho din naman kaming late.

"Eloise bukas yung bag mo." sabi niya na naging dahilan ng pagkagulat ko!
Huwaaaaaat?

Bukas ang bag ko?


Potaaaaa------


"Seryoso?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Oo, ang laki-laki pa nga ng pagkakabukas eh, mga ganto...... pagpapaliwanag niya sakin habang pinapakita pa ang sukat kung gaano ba kalaki ang pagkakabukas ng bag ko."

Jusmiyoooo! Kanina pa pala bukas ang bag ko!

Edi nakita ni Sir yoooonn!

Nakakahiyaaaa!

Binagalan ko pa naman ang lakad ko para mas magkalapit kami ni Sir tapos magiging epic lang pala....

Ayuku naaaa....

Pagkadating namin sa room ay hindi yata ako napansin ng secretary namin dahil hindi niya ko tinawag. Usually kase ay bigla nalang sisigaw yon ng Eloise late ka!! pero ngayon besh hindi niya ko tinawag HAHAHA at hindi niya din ako nilista. Goosshhh is this what you call miracle? Hehe ligtas na ko sa mga late.

Naupo na agad ako para hindi mahalatang kakarating ko lang. Maya maya ay dumating na ang teacher at nagsimula na din siyang magdiscuss. Math ang subject namin ngayon kaya naman lutang na naman ang utak ko---ay wait may utak ba 'ko? Aba syempre meron noh! Alangan i-down ko sarili ko diba?

Nang matapos ang Math subject namin ay binuksan ko muna ang laptop ko at nagsimulang magtype para sa thesis namin. Nagchat naman ang next teacher namin na hindi siya makakapasok dahil sa dami raw ng inaasikaso niya ngayon, kaya naman tinuloy ko na lang ang pagtatype ko.
Mabilis na lumipas ang oras at si Sir Christian na. Nang makarating siya sa room ay pinapasa niya agad ang mga paper works na pinagawa niya sa amin. niyang tinawag ang mga group leaders, at ng ako na ang tinawag ay tumayo na agad ako at binigay sa kanya ang papel namin.

"Eloise para kang magchecheerdance ah." komento ni Sir sa suot kong leggings dahil parang pangcheerdance naman talaga yung design ng leggings ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at agad ding bumalik sa upuan ko. Tiningnan ko ang ginawang pagchecheck ni Sir sa papel namin.

"Eloise sinong nagsulat nito?" biglang tanong ni Sir na naging dahilan para tingnan ko siya at magkatitigan na naman kami.

"Ako po sir." agad na sagot ko.

"Ang liit ng sulat eh." sagot ni Sir habang nakatanaw sa papel namin. Papansin ka Sir? Hindi naman maliit ang sulat ko ah?

"Maliit din po kasi sir yung nagsulat eh." agad namang singit ng kaklase ko dahilan para tatawatawang lingunin ako ni Sir.

Nakakatawa yon?

Nang matapos si Sir sa pagchecheck ng papel ko ay tinawag niya na ako para kunin ang papel namin. Nang makalapit ako sa kanya ay nakangiti niyang inabot sakin ang papel.

"Eloise para ka talagang magchecheerdance." sabi na naman ni Sir kaya agad akong napalingon sa kanya at ngumiti nalang. Papansin ka talaga Sir noh? Paulit-ulit lang? Naka-unli ka siguro nung pinagbubuntis ka ng nanay mo.

Meron pa kaming papel na ipapacheck sa kanya at lahat ng grupo ay nacheckan niya na bukod sa grupo ko.

"Eloise, akin na yung papel niyo.It's already time kaya sa faculty ko nalang checheckan yan okay?" pagkasabi noon ni Sir ay tumayo na ako at inabot na sa kanya yung papel.

Pagkaalis ni Sir ay tinuloy ko na ang pagtatype ko sa laptop. Kailangan ko na kasing tapusin ito dahil ipiprint pa. Para kase ito sa Thesis namin sa Filipino at minamadali ko na talaga.

Hays ang hirap maging leader juskooo... Parang gusto ko nalang tuloy kumuha ng lubid at magkabit ng duyan, tapos swing swing lang ganon.

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon