Chapter 7

24 1 0
                                    

Chapter 7

Awkward

ELOISE POV

Pagkatapos kami pakinggan ng Assisstant Prinicipal at Ma'am Rose ay bumaba na din sila. Nag stay lang kami sa practice room dahil may kailangan pa kaming ipractice na piyesa dahil two weeks nalang ay laban na.

Maya maya lang ay pinatawag sa main campus yung mga ka-team namin. SSG Officers kasi yung mga yon kaya kailangan nilang pumunta doon para sa meeting.

Dahil konti na lang kaming natira dito ay pinagpasyahan ni Sir na bukas nalang ituloy ang practice, kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming room.

Lumipas ang oras at naglecture lang ako sa mga major subjects ko. Kailangan ko din talagang maghabol ng lectures. Hays!

Nag-online muna ko saglit dahil baka may nagreact na sa mga shared posts ko.

Maya maya ay may nagpop-up na message sa phone ko. Message yun ni Sir sa GC namin sa Station Ten.
Station Ten (English) "Eloise at EJ, akyat kayo sa second floor. Ipapractice ko kayo for OBB, yung more energy sana."

"Okay po Sir." reply ko naman.

Bago ako umakyat sa practice room ay dinaanan ko muna si EJ, dahil di siya online kanina.

Pag-akyat namin sa practice room ay nang doon na si Sir. Nadatnan namin siyang nakaupo sa stool at nakaharap na sa amin.

Ang pogi niya ngayon.

Nang makaupo kami ay binigay niya na ang script na gagamitin namin.
Inutusan muna ni Sir si EJ na kunin yung dalawang mike sa Faculty Room para may magamit kami dito.
Kaya ngayon, dalawa lang kami ni Sir dito.

Wews awkward.

"Eloise, nag-eenjoy kaba dito sa Radio Broadcasting?" panimulang tanong ni Sir habang inaayos ang mga papel na nasa harap niya ngayon.

Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at nakangiting tinignan ako na tila ba inaantay ang sagot ko.

Ang cute niya ngumiti umaygad!

Pero hindi ako kinikilig!

"Opo sir, ayos lang naman po." sagot ko para mawala na ang awkward moment namin. Hays bat ka ba kasi tumititig Sir eh! Nekekeenes ke nemen eh.

"Eh Eloise,----" di na natuloy ni Sir ang sasabihin niya nang dumating na si EJ.

Ano kaya yung sasabihin ni Sir?

Hmmm..

Bat kase ang bilis bumalik ni EJ eh. Kainis!

Binasa na namin ni EJ ang OBB at pagkatapos noon ay sinabi ni Sir na kami na nga ni EJ ang partner for OBB dahil okay naman daw ang boses namin. Pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya kanya naming room.

Pagkabalik ko sa room ay nagcellphone lang ako dahil wala namang teacher. Oh diba, di na ko nag aral, puro cellphone nalang HAHAHAH!

Nang matanaw ko si Sir Carlo sa may bintana ay lumi.

"Eloise?" tawag niya ng saktong magtama ang mata namin. Sumenyas pa siya sakin na lumapit daw ako kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Bakit po Sir?" curious na tanong ko ng magkatapat kami.

"Wala lang, balik kana doon..." tatawa-tawa namang sagot niya sabay talikod at naglakad palayo.

Susmaryosep!

Ano trip niya?

Ngumiti nalang ako kay Sir kahit para siyang ewan na pinagtitripan ako. Hays --- Ewan ko ba sa teacher na yon.

Malakas din ata topak eh HAHHAHA!

Pagtapos ng practicebumalik na rin ako ng klase kasi mabait akoooo!

Charoooot!

Malate na pala ako sa next class ko. See you next time!

Charoooot!

Kala mo hindi ka babalik?


To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon