Chapter 24

17 2 0
                                    

Chapter 24

Local Literature

ELOSIE POV

Saktong alas siyete na ng magising ako, kaya naman hindi na ko nag-almusal pa at tuluyang dumiretso na agad sa banyo para maligo. Usually ay less than 30 minutes ako kung maligo. Hindi ko din alam kung bakit ganon katagal ang inaabot ng pagligo ko kaya naman sa ngayon ay kailangan kong bilisan dahil late na talaga kooo!

Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso na ko sa kwarto para magbihis. Nang tingnan ko ang oras sa phone ko ay 7:08 palang. Hala? HAHAHA 8 minutes lang akong naligo? Omaygad first time in my life charot! Di lang talaga ko makapaniwala na kaya ko palang maligo ng less than 10 minutes goosshh...

Nang makapag-ayos na ako ng aking sarili ay umalis na din ako ng bahay. Late na ako at kailangan ko na talagang bilisan. Habang naglalakad ay may nakita akong lalaking naglalakad sa harapan. Hindi siya ganon kalapit sakin pero sapat na ang distansya namin para makilala ko kung sino siya. Hehe likod mo palang kilala ko naaa my sweetie pie.

Automatic namang bumilis ang paglalakad ko ng mapansing ang bilis maglakad ni Sir. Sweetie...wait for me!

Binilisan ko talaga ang paglalakad ko para maabutan at makasabay ko si Sir, but unfortunately ay hindi ko na siya naabutan pa. Hays tadhana naman, bakit hindi mo kami pinagsabay? Total ay nauna na namang maglakad si Sir ay hindi ko na binilisan pa ang lakad ko.

Maya maya ay nakarating na ko sa room. Pagkaupo ko ay nilapitan naman ako agad ni Bella.

"Be tapos na kayo sa literatures?" tanong ni Bella na ngayon ay umupo sa tabi ko.

"OO, kayo ba?" sagot ko naman.

"Di pa nga eh. Nanjan ba si Sir Carlo?"
biglang tanong niya nagpangiti naman sakin. Ewan ko ba! Basta mabanggit lang ang pangalan ni Sir, napapangiti agad ako. Hays kinikilig na naman ang puso ko hihi. Simple naman akong tumalikod para di niya makita ang pagngiti ko. Baka mahalata ako noh mahirap na hihi...
"Oo nanjan siya.. nakatalikod namang" sagot ko.

"Ay pota-----------" pagmura ko matapos akong batukan ni Camille.

"Ano ba?" mura ka ng mura jan! galit na sabi niya.

"Siraulo kaba? Ikaw kaya batukan ko jan!" galit ding sabi ko.

Napapansin ko ding napapadalas na ang pagmura ko. Kailangan ko na sigurong bawasan ang pagmumura ko, sa kakamura ko kase na to for sure di na sa langit ang punta ko, sayo na yieeee

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang ay time na ni Sir Carlo. Pinagrupo niya kami at pinagawa ng local literatures. Habang nakabilog kami dito ay sinabihan ko ang mga kagroup ko na maglabas ng notebook para kunwari may ginagawa kami.

"Eloise, wala ba tayong gagawin?" tanong ng isang member ko.

"Dai tapos na kahapon pa." sagot ko naman.

"Lahat?" sunod na tanong niya.

"Yes" proud namang sagot ko.

"Wow! swerte talaga natin sa leader natin guys." masayang sabi niya.
Tss.... Plastik mo be!

Tahimik lang kami ngayong nakaupo dito habang susulyap-sulyap sa kung saan. ay katapat ko ang member kong babae na kasalukuyang nakatitig sakin. Nang mapunta sa direksyon niya ang paningin ko ay bigla siyang nagsalita.

"Eloise ang cute mo." Seryoso niyang sabi dahilan para mailang naman ako. Nang sabihin niya kase yon ay napatingin sakin ang iba pa naming kagrupo.

Lah siya!

"Anong hinitnit mo ngayon be?" Lakas ng tama mo ah! HAHAHA! pag-iiba ko naman ng usapan. Ang awkward lang kase bes! Hiya ako ih char haha!

"Uy tignan mo si Sir. Ang pogi niya ngayon noh?" biglang singit naman ng isa ko pang kagrupo. Abaaa! wag ka ng magtangkang magustuhan pa ang Sweetie ko. Ako lang ang nakatadhana jan wag ka umepal!

"OO" tipid na sagot ko. Matinding pagpigil ng kilig ang ginagawa ko ngayon. Ayokong mahalata nila ko.

"Ang ganda pa ng mata niya kase singkit tapos matangos pa yung ilong, yung labi ang nipis pa." Mygooooddd makita ko lang si Sir pwede na kong mamatay. Tapos kung tumingin pa si Sir para niyang sinisisid yung buong kaluluwa ko, lalo na pag eye to eye contact juskoo mahabang paliwanag niya na nagpainit ng ulo ko! Ay gusto mo na bang mamatay girl? Don't worry tinawagan ko na si Kamatayan, on the way na.

"Alam mo kase si Sir, may katangian siya na talagang maaakit ka sa kanya. Simple lang siya pero ang lakas ng dating." Ang charming niya nakangiting paliwanag niya naging dahilan naman para mapatingin ako sa gawi ni Sir. Kasalukuyan siyang nagchecheck ngayon ng papel.

Sir ako lang ang pwedeng magkagusto sayo, kahit magsumbong ka pa sa mama mo.

"Are you done with the local literature?" biglang tanong ni Sir kaya naman napaiwas agad ako ng tingin. Muntik na kong mahuli na nakatingin sa kanya jusmiyooo!

"Di pa po Sir" sagot naman ng ibang grupo.

"Wag kayo masyadong maingay, baka ma-minus five na naman tayo netooo." saway ko sa kanila. Last week kase ay na-minusan kami dahil sa kaingayan nila. Pero hindi naman tinotoo ni Sir yon dahil mataas pa nga ang nakuha naming grade sa kanya non. Nagtataka nga yung kaibigan kong si Bella dahil lagi daw mataas ang grade ng group ko pagdating kay Sir. Hihi ano kaba besh,syempre bebe ko yon ih. Kanina nga lang ay pinamigay na yung mga papel na pinasa namin nung nakaraan. Nagulat ako dahil wala man lang kaming mali. Yung ibang grupo ay may mali at may kailangan pang baguhin. Syempre natuwa naman ako dahil tama ang ginawa ko. Hehe nakakaproud lang.

"Kung di pa kayo tapos,ilagay niyo nalang sa table ko sa faculty okay? Nando'n lang naman ako." sabi ni Sir bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ni Sir ay kinolekta na namin yung mga papel at pumunta na agad sa faculty. Pagdating namin don ay kasalukuyang nag-aayos si Sir ng kanyang laptop.

"Sir" tawag ng kasama ko kay Sir sabay abot ng papel.

"Tapos na?" tanong ni Sir sa kasama ko matapos abotin yung papel at besh hindi man lang si Sir tumitingin sakin! Bakit? Di niya ba ko nakikita? Patay naba ko?---ay wait no need to ask, patay na patay na pala ko sa kanyaaa yieeee.

"Hoy tara na" sabi ni Ella habang tinutusok ang tagiliran ko. Doon ko lang narealize na nakatayo pa pala ko dito habang nakatingin kay Sir. Goosshhh! Ang tanga ko! Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Ella at nandito kami sa faculty.  Bat kase hindi agad ako lumakad kanina eh! Alam mo yung parang may pumipigil sa paa ko at tila hinihintay kong magsalita si Sir at tumingin sakin kaya hindi agad ko nakalakad.

Jusmiyooo!

Bumalik na kami ng room at doon ko lang naalala na cleaners nga pala kooo!

"Hoy mga cleaners kumilos naman jan!" rinig kong sigaw ng kaklase matapos kong makapasok ng room kaya naman dali dali ay inayos ko ang mga upuan para di halatang kakarating ko lang. Hehe ligtas lang ang may alam.

Konti nalang din ang kalat kaya naman inayosayos ko nalang ang mga upuan. Nang matapos ng maglinis ay nilock na namin ang pinto ng room at umalis na din.Habang naglalakad ay nakita ko si Sir na naglalakad din kasama yung mga co-teacher niya. Malayo siya sakin pero natatanaw ko parin siya. Nakatalikod siya sa amin, ang kaliwang kamay niya ay may bitbit na pancit. Actually pati yung mga kasama niyang teacher ay may dala din. Sa likod nila Sir ay may mga estudyante na tila nakikipagbiruan sa kanila. Lumilingon kase si Sir sa kanila at ngumingiti.

Nye-nye-nye...lapit kayo ng lapit sa bebe ko! Porke ba wala ako sa tabi niya ha? Eto namang si Sir ngiti din ng ngiti sa kanila...Ngiti ka pa Sir, tanggalin ko ngipin mo jan ih!

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon