Chapter 18

15 1 0
                                    

CHAPTER 18

Absent

ELOSIE POV

Kinabukasan ay usap-usapang wala daw si Sir Carlo. Eh syempre nandito na siya sa puk--puso ko eh yieee enebee... Tuwang-tuwa naman ang lahat dahil sa mamomove ang schedule ng mga pinapapasa niya. Pero nasan nga ba kase si Sir?

Dahil curios ako kung nasan ang bebe ko ay instalk ko siya, pero wala akong nakitang bagong post kaya naman yung pamangkin niya nalang ang in-stalk ko at nakita ko doon na nasa Cebu pala sila.

Ah okay. Ingat ka jan Sweetie ko ah muah labyu.

Boring ang araw na ito dahil bukod sa hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng aking irog, ay nakakatamad ding makinig sa discussion ng teacher. Dahil bored na bored ako ay pasimple akong nagcellphone. Sa dulo ako nakaupo kaya naman hindi masyadong halata ang ginagawa ko.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko at naiinis na ako dahil sobrang bagal ng oras!

Hindi rin nakikinig ang mga kaklase ko dito at panay lang ang daldal at naririnig kong pinaguusapan nila si Sir Carlo. Ano bang problema niyo sa bebe ko at kanina niyo pa siya pinaguusapan ha? Pitikin ko mga tingle niyo jan eh!

"Pang 3 days na daw ni Sir ngayon eh, baka bukas nandito na yon."

"Ata wag muna kamo siya bumalik."
Grabe 'tong mga 'to sumbong ko kayo sa bebe ko eh!

Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako. Nakakawalang gana talaga ngayon araw nato.

Pagdating ko sa antayan namin ni Sir ay wala siya. Syempre nasa Cebu nga eh diba? Hays Sir wer na ba u, dito na me!

Maya maya lang ay may dumating ng jeep. Meron akong kasabay na magjowa ngayon. Hays sana oil. Familiar sakin yung babae dahil madalas ko siyang makasabay sa jeep. Pero yung lalaki,hindi ko matandaan. May kasama din dati tong si ate girl pero hindi ito yung lalaki.

Goooossshhh!!! Two timer si ate girrrrll! Ano ba yan ate girl, dapat loyal ka. Loyal sa isa, hindi loyal sa dalawa!

Wala naman masyadong ganap ngayon kaya umuwi na ko agad. Hindi ko na sila pinansin pa dahil naiinggit lang ako. Sweetie ko nasan ka na ba kaseee? Lika nga dito hug mo din ako hihi

Kinabukasan ay excited akong pumasok dahil baka nga bumalik na si Sir. Yieee makikita ko na ang bebe koo!

"Hoy bilisan mo naman!!Bahala ka mauuna na ko!" malakas na sigaw ko sa kapatid ko bago tuluyang umalis. Napakabagal niya kase bahala siya jan!

Paglabas ko ay swerte namang may dumating agad na jeep. At pagsakay kooooo.

Omaygaadddd!

Seryoso tooo?

Pagsakay ko ay bumungad sakin ang mukha ni Sir!

Pinipigilan kong kiligin pero bes yung kilig ko ayaw papigil! Sino ba naman kasing hindi kikiligin pag nakasabay mo yung taong gusto mo at katabi mo pa!

Goooossshhh!!!!

Is this what you call destiny?

Okay move on muna tayo, di pa nga pala ko nagbabayad.

Kinuha ko na ang wallet ko at nagbilang na ng pamasahe.
Paano ako magbabayad nitooo?

Tatatlo lang kaming pasahero nitong jeep at lahat kami ay nasa dulo. Ako ang nasa pinakadulo habang si Sir naman at katabi ko. Gusto ko sanang kalabitin si Sir at sabihing mahal pakiabot nga ng bayad ko kaso baka magulat siya kaya wag nalang hihi.
Sa tapat ko naman ay may estudyanteng kapwa ko nasa dulo rin kaya pano talaga ko magbabayad?

Mag-123 nalang kaya ako?

Good idea! Sige talon, una ulo!
Kaso narealize ko na baka mahalata nila ko at syempre nakakahiya naman sa Sweetie ko pag nalaman niyang nagi23 ako noh

Kaya in the end, nakisuyo ako kay ate girl na iabot yung bayad ko. Mabait naman si ate girl kaya nagthank you na din ako. Hays problem solved.

"Tabi nalang po." pagkapara ni Sir ay bumaba na ako at sumunod na siya.
Direretso lang ako sa paglalakad ng biglang...

"Eloise nag-e ML ka pala?" nakangiting tanong ni Sir.

"Opo." nakangiti ring sagot ko.

"Ikaw din po ba Sir?" agad na tanong ko. Ayokong maputol itong usapan namin eh hihi

"Hindi." iiling-iling naman na sagot ni Sir.

Habang naglalakad ay tiningnan ko ang oras sa phone ko. Goosshhh 5 minutes nalang!

Binilisan ko ang lakad ko dahil late na talaga ko at nakita kong binilisan din ni Sir ang lakad niyaaaa...

Habang naglalakad ay di ko namalayang nasa likod ko na pala si Sir.

"Eloise late na tayoo." sabi niya habang nakatingin sakin.

"Oo nga po Sir eh!" nakangiti namang sagot ko sa kanya.

Kahit nangangawit na ang panga ko kakangiti dito ay patuloy parin ako sa pagngiti. Diko mapigilan bes!

Sana huminto muna yung mundo noh? kahit saglit lang. Gusto ko lang kase ienjoy tong moment na ito.

Magkasabay parin kaming naglalakad ni Sir. Habang palapit na kami sa gate ay maraming estudyante ang kasalukuyang nakatingin samin ng may pagtataka. Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magjowang sabay maglakad ha?

Nang tuluyan na kaming makapasok sa gate ay di parin nawawala ang pagtataka sa kanilang mga muka.Ang kanilang mga mata ay nakasunod parin sa amin ni Sir. Hays bahala kayo jan! Mainggit kayo chareng HAHAHA!!

Maya maya ay naghiwalay na kami ng direksyon ni Sir. Dumiretso na siya sa faculty room at ako naman ay dumiretso na sa classroom ko. Pero yung mga estudyante dito ay di padin nagpapatinag. Di ko nalang sila pinansin pa at sa halip ay pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko.

To be continued......

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon