Chapter 14

20 2 0
                                    

CHAPTER 14

Assuming

ELOSIE POV

Nang matapos ang klase ay syempre excited ako dahil parehong alas kwatro ang uwi namin ngayon ni Sir and there's a posibility na makasabay ko ulit siya yieeee mygod. At dahil wala pa namang jeep ay nagcellphone muna ko habang inaantay din ang bebe ko hihi

Maya maya ay natatanaw ko na si Sir. Pero nawasak naman ang ang puso ko ng makita ko siyang may kasamang iba.

Ano ba naman yan Sir! Hindi pa nga nagiging tayo may kabit kana agad! Sino ba yang haliparot, kirida, kabit, mistress, number 2 at malanding kasama mo ha?

Nang papalapit na sila sa direksyon ko ay tuluyan ko ng nakita kung sino ang kasama ni Sir. Teacher din pala yon at medyo may edad na kaya naman tinigilan ko na ang pag-e-emote dito. Tumitingin ako sa gawi ni Sir at nalungkot ako ng hindi niya man lang ako tiningnan. Hays porke ba may kasama kang iba, hindi mo na ako papansinin? Di mo naba ako love?
Hanggang sa makasakay kami ng jeep ay hindi talaga ako pinansin ni Sir. Ano ba yan sweetie pie ko, di naman tayo LQ ah! Nakakainis ka di mo man lang ako pinapansin! Hmmp! Tampo na ako. Pero baka naman kase kaya hindi ako pinapansin ni Sir ay dahil baka mahalata kami ng kasama niya. Oo tama ganon nga yon! Hihi ang brainy ko talaga hihi.

Hanggang makababa ako ng jeep ay hindi talaga ako pinansin ni Sir. Hays malungkot tuloy ako ngayon. Pag sa Monday di mo pa ako pinansin break na tayo kala mo jan!

Konsensya: Luh assuming talaga

Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng masakit na kagat ni Soppie ,ang aso namin. Ang sweet mo talaga Soppie ang sarap mo batukan hihi muah.

Sabado bukas kaya naman naisipan kong magpuyat ngayon. Well kahit naman hindi hindi weekend nagpupuyat talaga ko kaya yung eyebags ko ang lusog lusog eh! At hindi ko ikakahiya to dahil sabi nga nila di mo dapat ikahiya yan dahil pinagpuyatan mo yan!

Inopen ko ang Facebook Account ko at inistalk ko si Sir. Gusto ko lang istalk ang account ng sweetie pie buko pie egg pie ko.

Nang makita ko na ang account niya ay syempre sa photos agad ang punta ko. Nakita ko doon ang mga old photos ni Sir kung saan jejemon 101 talaga siya. Pero ayos lang naman love padin kita yieee muah.

Sunod ko namang tiningnan ang timeline at mga pinagpopost ni Sir. Nakita ko doon na may shinare siyang tungkol sa mga Year of The Sheep. Gosh meant to be talaga kami ni Sir. Biruin mo, pareho pala kaming Year of the Sheep! yieee keleg pepe toooo! Kaya naman nacurios ako kung ilang taon na si Sir at para malaman ko kung ilang taon na siya ay tinuos ko lahat ng year na nakasulat doon at sa huli ay nalaman kong twenty seven na pala si Sir.

At parang naalala ko naman ang nabasa kong kwento sa Wattpad na The Ten Year Gap dahil ten years din ang agwat namin ni Sir. Pero meron nga tayong kasabihan na Age doesn't Matter as long as you love each other Oh boom panot ka!

At ng matapos na ko sa kakastalk kay Sir ay nagbasa nalang ako sa Wattpad. Nang medyo masakit na ang mata ko ay di pa din ako tumigil. Isang chapter pa tapos tama na.Yaaaannn! ganyan tayo eh, sasabihing isang chapter nalang pero maya maya tapos mo na yung buong istorya. Kaya tayo nasasaktan eh, kase kahit alam mong may mahal na siyang iba, mas pinipili mo paring mahalin siya. Hanudaw?
Pero ganyan talaga ang pag-ibig. Wala yang pinipili. Wala yan sa edad, kulay ng balat,antas ng buhay o kung ano pa man. Lahat tayo ay may karapatang magmahal. Bata man o matanda, may ngipin man o wala.

Pero pano mo masasabing in love ka? Siguro pag lagi mo na siyang hinahanap. Yung tipong di kompleto ang araw mo ng hindi siya nakikita. Yung tipong nagtatatalon ang puk--- puso mo pag nakikita mo siya. Yung tipong isang banggit niya lang pangalan mo kilig na kilig kana.
Hays ganto ba talaga feeling ng in love? Nakakabaliw? Parang sa sobrang kilig ko pwede na kong dalhin sa mental. First time ko lang kase magkagusto sa isang taong mas matanda sa akin ng sampung taon and worst teacher ko pa. Hays Sir, ginayuma mo ata ako eh.

Dati naman parang wala lang siya sakin eh, yung tipong parang wala lang sakin yung mga kilos niya. Dati kahit daan daanan ko lang siya ayos lang. Dati kahit ngumiti siya parang wala lang. Pero bat ngayon parang anlakas ng epekto niya sakin? Sa totoo lang, ni minsan di sumagi sa isip ko na magkakagusto ako sa katulad niya. As in hindi talaga.

Pero talaga ngang mapaglaro ang tadhana, kasi ngayon hindi lang paghanga ang nararamdaman ko kanya, kundi pagmamahal na.
Pero kase nakakatakot ding umibig dahil hindi lang ito puro saya, sapagkat may kaakibat din itong sakit.
Pero kung willing ka talagang magmahal, siguraduhin mo munang willing ka ding masaktan. Hindi ko naman sinasabing magpakatanga kayo pero just make sure na worth it yung taong pag-aalayan mo ng pag-ibig mo.

Bat ba ang drama ko ngayon? Eto ba ang epekto ng hindi pagpansin sakin ni Sir? Hay nako, Sir kase eh!

To be continued.......

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon