Chapter 12

19 1 0
                                    

CHAPTER 12

Denial

Song: Hanap-Hanap by James Reid and Nadine Lestre

ELOSIE POV

Kinabukasan ay excited akong pumasok syempre gusto ko agad makita si Sir hihi

Pagkadating ko sa School ay tinanaw ko agad ang Faculty Room kung nandito na ba si Sir Carlo, pero wala pa siya. Late siguro yon.

Kung dati ay parang wala lang sakin na nakikita ko siya, nakakausap, nakaka-eyecontact. Ngayon parang ang bigdeal na sakin nung mga yon. Parang simpleng tingin lang ni Sir, ang lakas na ng impact sakin parang bawat segundo,gusto ko siyang makita.

Gosh in love na ba ko kay Sir?

Hala hindi. Hindi pwede!

At bakit naman hindi? Age doesn't matter kaya, duh!

Pero hindi niya naman ako i-ka-crushback eh.

Pero kinikilig ka sa kanya?

Oo pero....

Ay nakoo! Naguguluhan na ko sa mga iniisip ko. Pero kase hindi ko naman maitanggi na talagang kinikilig ako kay Sir.

Pero baka naman kase wala lang talaga eh diba?

Eh pano nga kung meron talaga kong feelings sa kanya?

Hays ewan! Bahala na!

Nang makarating na ko sa room ay nandon na si Camille. As usual, lagi naman kasing maaga 'to eh. Sana ol..

At syempre dahil malandi ako ay kinuwento ko sa kanila ang moment namin ni Sir Carlo sa jeep. Kilig na kilig ang dalawa at sana daw ay sila nalang ang nakasabay ni Sir. Well sorry dahil kami ni Sir ang meant to be na magkasabay sa jeep hehe...

Lumipas ang oras at maya maya ay si Sir Carlo na. Nagdiscuss siya ng tungkol sa Practical Research na gagawin namin. Nakapag-groupings na din kami at sinimulan na naming gumawa ng topic. Tatlong topic ang kailangan naming magawa. At kailangan ay yung topic na bago sa pandinig ng mga tao.

Nakailang topic na kami pero di pa rin ina-approve ni Sir. Masyado daw kasing common kaya mag isip pa daw kami ng iba na magiging interesting para daw ma-approve agad ng mga panelist.

Nang maka-isip na ko ng bagong topic ay nagpunta kami agad nina Clarissa at Kyla sa Faculty Room para ipacheck kay Sir kung pwede na ba. Pagpasok namin ng faculty room ay naabutan namin si Sir na nagpupulbo.

"Sir?" sabay bigay ko sa kanya ng dala kong papel.

Kinuha niya iyon at tiningnan saglit.

"Wait lang ayusin ko lang itong pulbo ko, nakakahiya naman kay Eloise eh." pagkasabi niya noon ay agad siyang ngumiti sakin...Yieee

Palihim lang akong ngumiti dahil sa sinabi ni Sir. Pero itong dalawa panay ang siko sakin. Pag talaga kami nahalata ni Sir pipitikin ko mga tingle nila!

Pagkabasa ni Sir don sa papel ay sinabi niyang approve daw yon.

"Sure ka po Sir?" di makapaniwalang tanong ko. Sa wakas ay may first topic na kami.

"Oo eh may magagawa pa ba ako eh si Eloise 'to..." nakangiting sabi ni Sir habang hindi inaalis ang paningin sa akin.

Yieeeee! Umaygaaaaadd!

Kahit kilig na kilig na ako ay pinigilan ko parin. Pagka-thankyou ko kay Sir ay umalis na kami ng Faculty at baka maihi na ko sa sobrang kilig ko dito.
Pagbalik namin sa room ay nasa labas yung mga upuan at nagfofloorwax sila. Naupo lang kami doon nina Patricia at Camille. Maya maya ay naisipan namin ni Camille na mag-ipit ng buhok kaya nagpaipit kami kay EJ, ang bessy namin na girlalu.

Maya maya ay nakita kong padaan dito si Sir kaya umayos ako ng upo.
"Eloise..." niyang banggit sa pangalan ko.

Ang bango niya besh .Hmmm yummy hihi, "Ang bango naman ni Sir." biglaang sabi ng kaklase kong bading at umaarte pang kunwari ay nilalanghap ang amoy ni Sir.

Nagulat naman si Sir at napatingin sa akin.

"Eloise oh..." pagtawag sa akin ni Sir habang itinuturo ang kaklase ko.
Hala besh.... Para siyang nagsusumbong sa girlfriend niya, at ako yon charot! Umaygaaad. keleg akooo yieee

Pagtapos noon ay umakyat na si Sir sa second floor. Panay naman ang asar sakin nina Patricia at Camille pero di ko na pinansin dahil baka mahalata kami ng mga kaklase ko at maissue pa.


To be continued....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon