Chapter 25

14 1 0
                                    

CHAPTER 25

Twitter

Song: Gusto Kita by Angeline Quinto

ELOSIE POV

Pagkadating ko ng bahay ay nagbihis na agad ako. Naka-auto connect na ang phone ko sa wifi namin kaya nagpop-up agad sa phone ko yung mga notifications sa facebook, instagram and twitter---ay oo nga pala speaking of twitter. Ano na kaya update sa account ni Sir?

Dali dali ay binuksan ko ang twitter ko at pinindot agad ang account ni Sir.

Goosshhh.... ang dami agad followers ni Sir...imagine, in just a week naka 59 followers na agad siya, samantalang ako 5 years na tapos 16 followers lang? Asan ang hustisya doon?
Ang dami niya agad tweets kaya naman inisa-isa kong tingnan ang mga 'yon. Sa totoo lang ay puro random tweets lang ang nandoon sa account ni Sir, pero ako naman kilig na kilig habang binabasa yung mga 'yon na animo'y ako ang tinutukoy niya.

Juskooo...nababaliw na ata ako...sa kanya...yieee!

Maya maya ay biglang may lumabas na bagong tweet galing kay Sir...

"There's something the way you look at me"

Hmmm...sino kaya tinutukoy ni Sir?
Maya maya ay may nakita na naman akong bagong tweet ni Sir.

"Nahuhuli kitang nakatingin at sumusulyap sa akin. Paano ko nalaman? dahil ganoon din ang aking gawain."

Goosshhh.....sapul ako besh! Omaygaaad...baka nahuhuli niya na akooo?

Omaygaaaad...ako kaya yung tinutukoy ni Sir?---- charot! Ang assuming ko HAHAHAHA!

Pero syempre kung may tweet siya, magpapatalo ba tayo? syempre hindi! Kaya naman dali dali ay nagtype ako.

"Love isn't about the label, it's about the feelings."

Boom panot ka! Sir, basahin mo yan ah! Gusto kong malaman mo na hindi mahalaga sakin kung wala tayong label, ang importante ay pareho nating gusto ang isa't isa.

-----Ay wait.....


Gusto nga ba natin ang isa't isa? O ako lang ang may gusto sayo?

Nalungkot naman ako bigla dahil sa naisip ko. Hays...sana pala hindi ko nalang inisip 'yon.

Maya maya ay may nakita akong notification sa phone ko. Matamlay ko yung pinindot dahil wala na ako sa mood.

Ngunit bigla nalang lumawak ang ngiti sa aking labi ng bigla ay bumungad sa akin ang pangalan ni Sir Carlo.........

Omaaayygaaaddd!

Pinusuan ni Sir yung tweet ko!

Gooossshhhh!....is this for real?----hala besh ang O.A ko parang pinusuan lang eh! Pero ang saya ko lang kase talaga ih! Haysss...nasa mood na ulit ako hihi
At dahil nga pinusuan ni Sir ang tweet ko,ginanahan na kong magtweet ulit hihi! Dito ako magpapapansin sayo Sir kala mo ah HAHAHA!

"Sana hindi ka pagod, lagi ka kasing tumatakbo sa isip ko eh"

Oh, wag kayo magreact.Alam kong bagong bago yan sa pandinig niyo. Alam ko ring corny pero wala kayong pake charooot! Gusto kong mabasa yan ni Sir kaya hayaan niyo na.
Hayss... Sir...crush talaga kita kahit ulit-ulitin ko pa ng wan handred tawsan milyon dalars.

Sa sobrang busy ko kakatweet dito ay hindi ko namalayang 9:45pm na. Wews ang aga-aga pa. Kaya kinuha ko muna ang laptop ko at nanood ng porn---charoot!! Bad yon,wag nating gawin yon ng madalas, dapat minsan lang.

"nood..."
"nood..."
"nood..."--movie pinanood ko ah,baka iba isipin niyoo!

Pagkatapos kong manood ay pinatay ko na ang laptop ko. Masakit na din kase ang mata ko kaya kailangan ko itong magpahinga. Dahil dadalhin ko pa ang laptop ko bukas sa school ay iniwan ko nalang itong nakacharge.

<Ma,iniwan kong nakacharge yung laptop ko,pakibunot nalang pag matutulog ka na ha?> pagtext ko kay mama bago ako humiga.

Nang saktong ipipikit ko na ang mata ko ay may bigla akong narinig na nag-e-echo na tunog. Paniguradong tunog yon galing sa CR dahil kulob don at talagang mag-e-echo, kaya naman bumangon ako at tiningnan ang kung sino ang nasa CR.

Habang papalapit ako ng papalapit ay tila ba mas lumalakas ang tunog na naririnig ko. Nang silipin ko ay nakabukas ang ilaw sa banyo at nakabukas din ang pinto nito.

Sino ba kase ang nandito?

Pagpasok ko sa banyo ay....

Potengene!

HAHAHAHAHAHA!

Si Mama.....

NAGKAKAPE SA BANYO!

HABANG NAGSA-SOUNDTRIP!

HAHAHAHA!

Kasalukuyan siyang nakaupo sa bowl habang hawak hawak yung tasa niya at take note, may upuan pa sa loob ng banyo at doon pinapatong ni mama ang tasa niya dahil may platito pang nakalagay doon.

Jusmiyooo HAHAHA!! Anong trip ni mama?

"Anong ginagawa mo jan ate? Umalis ka nga jan!" gulat na tanong sakin ni mama habang ako ay patuloy paring nakatayo dito sa may pinto.

"Ano ba yan ma, bat jan ka nagkakape?" HAHAHA!! tatawa-tawa namang tanong ko...

"Umalis ka jan...Matulog ka na doon." pagtataboy sakin ni mama habang sinasara ang pinto ng banyo. Magkalapit lang kase ang pinto at bowl ng banyo namin kaya naman madali lang na isira ang pinto nito.
Lakas ng tama ampotek HAHAHA!
Bumalik na ulit ako sa higaan at pinikit na ang mata ko.Hindi parin nawawala sa isipan ko ang posisyon ni mama kanina sa banyo HAHAHA

Ayoko na!matutulog na ko... Good night everyone.


To be continued....



Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon