Chapter 30

18 2 0
                                    

Chapter 30
Masamang Balita

Song: Bulong by December Avenue

ELOSIE POV

Lunes ngayon at wait wag ka...... maaga akong nagising kaya naman hindi ako late ngayon. Napakabilis na lumipas ng araw at tila hangin lang na dumaan ang araw ng linggo.

Kamakailan lang ay nagbirthday ang kaibigan kong si Patricia. Kinausap niya ako na samahan siyang bumili ng pagkain para kay ma'am dahil nagpapalibre raw ito.

"Ano sa tingin mong pwede kong bilhin? Fries or Burger?" tanong niya na tila ba pinag-iisipan pang mabuti kung alin sa dalawa ang magugustuhan ni ma'am.

"Fries nalang mas masarap yon. komento ko naman. Favorite ko kase yon eh, kaya yun ang pinili ko. Malay mo makahingi ako diba?"

"Eh baka naman hindi mabusog si ma'am doon?" pag-aalinlangan niyang sagot. Kita mo 'to, magtatanong tas di naman ako susundin ay nako Patricia.
"Mamayang lunch break ko na nga lang pagiisipan." pagtatapos niya sa usapan namin.

Mabilis na lumipas ang oras at nagbell na para sa lunch break. Pagkakain namin ay agad na kaming dumiretso sa pagbibilhin ni Patricia. Footlong na ang napili niyang bilhin para kay ma'am at agad naman namin itong dinala sa faculty room.

"Uy samahan mo nga ko" mag CR kalabit sakin ni Camille sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Mauna nalang muna kayo sa faculty, magsi-cr pa raw 'to eh." pagpapaalam ko sa mga kasama namin.

Wala masyadong tao sa c.r ngayon kaya naman mabilis na naka-ihi si Camille at pagkatapos ay agad narin kaming bumalik sa faculty. Nadatnan namin doon ang mga kasama namin na kakalabas palang ng faculty.

"Nabigay niyo na?" pagtatanong ko kay Patricia pero tumango lang siya bilang sagot sakin.

Sayang!

Hindi ko tuloy nasilayan ang irog ko hays...

Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay bakit malungkot si Patricia? Ano bang nangyari?

"Anong nangyari sayo ba't malungkot ka?" pabulong kong tanong ngunit sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako. Ano bang nangyayari?

Habang patuloy na naglalakad papunta sa room ay tinatanong ko pa rin si Patricia pero hindi parin siya sumasagot.

"Hoy anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Camille matapos makalapit samin at sumabay sa paglalakad.

"Ewan ko dito kay Patricia, ayaw sabihin eh." tila batang pagsusumbong ko kay Camille.

"Ano ba kaseng problema? Nakakainis naman 'to eh!"

Nang papasok na sana kami ng room ay bigla kaming hinila ni Patricia papunta sa gilid sa corridor.

"Bakit? Ano bang nangyayari sayo?" takang tanong ni Camille.

"Eh kase..." panimula ni Patricia.

"Ano? Pabitin ka naman eh! Sabihin mo na kase!" inis na sabi ni Camille.

"Eh masasaktan si Eloise eh."
nakatinging sabi niya sakin na siya namang ipinagtaka ko.

"Bat naman ako masasaktan?" nakangiting tanong ko. Natatawa ko kase napakaseryoso ng usapan namin ngayon.

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon