Chapter 31

22 3 0
                                    

Chapter 31
Huling Liham

Song: Minahal Kita by Julianne

ELOISE POV

Dear Sir Carlo,

Lumipas ang maraming araw at ganoon parin naman ang routine ko, pumapasok parin ako syempre pero kapag nakikita ko si sir sa campus ay tila winawasak parin ang puso ko.

Bakit kasi ganoon?

Napakadaya talaga ng mundo?

May mga bagay na kailangan mo munang paghirapan bago mo makuha.

Pero may mga bagay din na kahit anong sikap at paghihirap mo, hinding hindi mo makukuha.

Bakit?

Kasi hindi siya nakatadhang mapasayo? ganoon ba?

Na kahit anong gawin mo, sa iba parin siya mapupunta dahil iyon ang nakatadhana sa kanya?

Baka nga pinagtagpo lang kami pero hindi kami itinadhana.

Baka nga nag-ilusyon lang ako.

Dahil sa totoo, ako lang naman ang kinikilig.

Na ako lang ang may gusto sa kanya, dahil siya, may gusto na palang iba.

Baka nga nag-assume lang ako.

Na baka wala lang naman pala talaga yon, pero iba ang interpretation ko.

Na baka estudyante lang pala talaga yung tingin niya sakin.

Hays!

Akala ko kasi may something eh.

Akala ko may spark.

Yung ngiti niya.

Yung pang-aasar niya.

Yung pagtawag niya sa pangalan ko.

Yung pag-go-goodluck niya.

Yung mga simpleng bagay na ginagawa niya pero kinikilig ako.

Akala ko kase may meaning eh.

Wala pala.

Hays.

Kaya tayo nasasaktan eh, kasi binibigyan natin ng meaning yung mga bagay na dapat wala lang.

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon