Chapter 27

15 2 0
                                    

CHAPTER 27

Lost


ELOISE POV

Mabilis na lumipas ang oras at lunch time na. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyonan nilang bumili ng softdrinks, tumanggi ako dahil bukod sa sobrang bondat na ng tiyan ko ay panay softdrinks na din kase ang ininom ko these past few weeks. Oh wag ka English yun!

Tsaka may kasabihan ako na "No to U.T.I but yes to U and I yieee "

Nang matapos na sila ay bumalik na din kami sila sa room. Ako naman ay dumaan muna sa faculty room para kuhanin kay Sir Carlo yung papel na pinasa ko. pa kase yun sa bignotebook kaya kailangan ko na agad kunin sa kanya. For sure naman nacheckan niya na yon noh!

"Sir, yung papel po?" agad na tanong ko ng mapunta na ko sa tapat ng table ni Sir.

"Anong papel?" tanong naman ni Sir.

"Sir yung papel po na pinasa ko po..."

"Alin? wala ng papel sakin,
naipamigay ko na lahat."

Oo tama siya. naipamigay niya na nga yung mga papel. pero yung samin hindi niya pa nabibigay!

"Sir pinasa ko po yon sa inyo, sabi niyo po kase time na kaya kukunin niyo nalang po muna. Dala niyo po yon Sir bago kayo umalis ng room. mahabang paliwanag ko sa kanya pero siya naman ay tila litong lito parin."

"Eloise, wala talagang papel sakin." sabi niya habang tinitingnan isa-isa yung mga papel na nasa table niya.

"Naipamigay ko na lahat ng papel eh..."

---------------------katahimikan




"May mag-aabot naman noon Eloise eh, ha?" sabi niya matapos mamutawi ang katahimikan sa'min. Dahil sa inis ko ay di ko na nagawang magtagal pa do'n kaya naman nagpaalam na agad ako.

Pagkalabas ko ng faculty ay do'n ko pa lang nailabas ang galit ko.

Ano yon?

Ganon na lang yon?

Akala niya ba natutuwa ako?

Winala niya yung papel ko tapos di man lang siya nag-abalang hanapin?
Potaaaaanggg----------------!

Buti sana kung isang papel lang yung nawala eh,matatanggap ko pa. Eh ang kaso besh tatlong papel yung winala niyaaa! Take note, baliktaran pa yon at ako lahat nagsulat noon!
Gago ba siya? Hindi porke gusto ko siya eh pepwede na yon! Hanapin niya yon!

"Hoy anong problema mo?" tanong ni Camille nang makitang nakabusangot ako.

"Si Sir winala yung papel namin." malungkot at mahinahong sagot ko. Relax lang self, relaaaaxxX...

"Ha?..." ulit na tanong ni Kyla.

"Hatdog."

"Ano nga??"

"Bingi ba ilong mo?"

"Winala kako ni Sir yung papel namin." Inis na sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Oh? Pano yan?" nag-aalalang tanong niya.

"Bahala siya hanapin niya yon!" inis paring sabi ko.

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon