Chapter 19

14 2 0
                                    

CHAPTER 19

Recitation

ELOSIE POV

Nang makarating na ako sa room ay sinalubong naman ako ng makahulugang ngiti ni Patricia. "Anong meron girl?"

"Hoy ikaw aaahhh..." nakangiting sabi niya habang tinutusok pa ang tagiliran ko.

"Bakit?" natatawa namang sagot ko dahil sa ginagawa niya.

May kiliti ako sa tagiliran enebeee. Gusto mo mamaya doon tayo sa CR yieee chareng lang, baka iba isipin niyo! Hmmp baktos kayo ah!

"Kayo ah sabay pa kayo ni Sir kanina yieee!" biglang sigaw niya na ikinagulat ko! Gaga ka talaga sige sigaw mo pa!

"Wag ka ngang magulo!" agad namang pigil ko sa kanya. Daldal talaga netooo!

Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin. Reporting ngayon kaya naman tahimik lang kaming nakikinig dito dahil pagkatapos nito ay paniguradong may quiz.

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang umalis na din si Ma'am. Pagkaalis ni ma'am ay siya namang pagpasok ni Sir Carlo.

"Good morning HUMSS 11-1." panimulang bati ni Sir.

"Good morning mahal, I miss you hihi" Sabi ko sa isip ko

"Goooodddmooorrrniiinngggg siiiirrr Carlooooo." sagot naman namin.

Iniayos na ni Sir ang kanyang laptop at iniharap ito sa amin. Discussion kami ngayon. At habang nagdidiscuss si Sir ay lilinga-linga siya sa mga kaklase ko na tila ba pumipili ng pangalang babanggitin. At maya maya nga lang.

"Eloise...what is the active verb in the sentence?" tawag niya sa pangalan ko habang nakatingin sakin.

"Bakit ako?" pabulong na sabi ko habang tumatayo at hindi inaalis ang paningin sa kanya. Agad naman siyang nangiti sa naging reaksyon ko. Hmmp ngiti ka pa batuhin kita jan eh!! Chareng lang hehe

"Stand up Eloise." pabulong at tila nang-aasar na sabi niya.Sa sobrang hina ng pagkakasabi niya ay tila kami lang ang nag-uusap dito. Ano ba mahal baka magtaka sila satin HAHAHA!

Ngumiti lang ako kay Sir dahil ang awkward ng moment ngayon. Kasalukuyan kasing nakatingin sa amin ang mga kaklase ko at talagang tutok na tutok sila sa ngitian namin ni Sir. Hey guys ene be? kami lang 'to charoot.

"Approves Sir." sagot ko matapos basahin ang sentence na pinakita ni niya.

"Very good."

Nagtanong-tanong pa si Sir sa iba pero walang nakakasagot. Ngayon ay marami ng nakatayo dahil di sila nakasagot.

"What is the present perfect tense of Justify?"

Sa likod ako nakaupo at kasalukuyan akong natatakpan ng mga kaklase kong nakatayo sa harapan. Naglalakad lakad si Sir at tila naghahanap ng matatawag. Nang magtama ang paningin namin ni Sir ay biglang.

"Eloise..." agad na tawag ni Sir sa pangalan ko.

Bakit ako na naman?

"Justifies po Sir." sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Okay very good." sagot ni Sir kaya naman nagbulungan ang mga kaklase ko at panay ang sabi na Eloise bat di mo sinabe sakin?

Aba pakialam ko sa inyo noh? Charoot HAHAHAHA!

Marami na talagang nakatayo ngayon at more on girls pa.

"We have to 2 ways of avoiding plagiarism. The paraphrasing and quoting. Paraphrasing alam niyo na yan because we already tackled that last sem. In this sentence, what is the quoted words?"

"Santos?" pagtawag niya sa apilyedo ng kaklase ko.

"Language, Culture,Instituitions and Ideologies Sir." sagot naman nito.

"Okay how did you know that it is the quoted words Santos?"

"No answer? Remain standing."

"Eloise how can we identify that it is the quoted words?"

Ako na naman!

"Because of the quotation mark Sir."

"Yes definitely. Thank you Eloise." Napakadali na ng tanong section, hay nako.

At dahil panay ako ang nakakasagot ay tingin ng tingin sakin ang mga kaklase ko at panay ang bulong ng ah yun pala yooonn.

Mukang kotang kota na ko today ah HAHAHAH sarap sa feeling na nasasagot ko yung mga tanong ni Sir hays I'm so proud of myself char HAHAHHA! Iba kase talaga pag expired---ay wait tama ba? Basta yun yung ganado ka sa lahat ng bagay kase nanjan yung inspirasyon mo. Basta ganon, wag niyo na masyadong isipin. Ang importante ay nakakahinga tayo.
Nang matapos na ang discussion slash recitation kay Sir ay umalis na din siya agad.

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang ay lunch break na. Sabay sabay kaming naglunch ng mga bessy ko. Maya maya lang ay natapos na kaming kumain. Dumiretso na agad kami sa room dahil magrereview pa kami.

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon