Chapter 22

16 0 0
                                    

CHAPTER 22

Crush?

ELOISE POV

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa room. Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang ay ala una na. Usually ay late dumating ang teacher namin kaya naman nagsoundtrip muna ko.

Nang magawi sa bintana ang paningin ko ay nakita ko si Sir Carlo.

Nakatingin din siya sa akin at heto na naman siya, sumisenyas na naman na lumapit ako sa kanya!

Tumayo na ko agad para lapitan si Sir. Ang mga mata naman ng mga kaklase ko ay nakatuon sa amin ngayon.
"Eloise..." mahinang tawag sakin ni Sir. hays alam ko na to.

Mahal umayos ka, nakatingin yung mga etchusera!

Nang magkatapat na kami ay huminto siya at tumitig sakin saglit, nahihiya na ako dahil bukod sa nakatingin samin ngayon ang mga kaklase ko ay feeling ko matutunaw ako sa tingin ni Sir kaya ako na ang nagsimulang magsalita.

"Bakit po Sir?" panimulang ganong ko. Inaantay kong sumagot si Sir pero tumitig lang siya sakin at ngumiti. Ano ba Sir? Baliw ka na ba? Alam kong ako ang happy pill mo pero wag ka naman ganyan. nakatingin sila ih enebeee

Dahil ang awkward ng moment namin ngayon ay nagsalita ulit ako.

"Alam ko na po to Sir eh." naiilang na sabi ko. Bat ba kase nakatingin tong mga to eh! Di tuloy kami makapagusap ng maayos ng irog ko.

"Alin?" nagmamaang-maangan at nakangiting tugon ni Sir.

"Eto po. Tatawagin niyo ko tapos wala lang." pabulong at nahihiyang sabi ko. Tatawagin mo ko tapos wala lang? Maling yon! Kiss mo nalang ako para mawala inis ko daliiii! hihi

"Etong si Eloise napaka-judgemental. Mag-uutos lang sana ko eh." kunwaring nagtatampong sabi ni Sir dahilan para matawa yung mga kaklase kong patuloy na nakikinig sa usapan namin.

"Ano po ba yun Sir?" nahihiyang tanong ko. Feeling ko namumula na ko dito dahil nararamdaman kong nag-iinit yung pisnge ko! Magkatapat pa naman kami ni Sir ngayon. Goosshhh sana di niya mahalata!

Nakakahiyaaa!

"Wala lang bumalik kana don." sabi niya habang simpleng tumatawa. Kita mo na? Sabi sa inyo eh! Namumuro na talaga yang si Sweetie ko eh! Pag yan inulit niya pa ikikiss ko siya sa bayag! ay wait mali---I mean ikikiss ko siya sabay hug Kayo talaga mali mali basa niyooo!

Pagtalikod ni Sir ay tuluyan na siyang naglakad palayo. Nakakunot-noo akong bumalik sa upuan ko para mapigilan ang pagngiti ng mga labi ko. Mahirap na baka mahalata ako noh!

"Ano daw yon?" agad na tanong ng katabi ko. Etchusera talaga to!

Umiling lang ako. Ayokong magsalita dahil pag binuka ko tong bibig ko ay automatic na namang ngingiti to! Bes ang hirap pigilan ng kilig jusmiyooo!
"Lagi kang tinitrip ni Sir noh? Siguro crush ka ni Sir." nakangiti at nang-aasar na sabi ng katabi ko. Hoy enebe secret lang yon ih hihi.

"Kaya pala lagi kang ginaganon ni Sir eh yiee."

"Yieee..."

"Sana oil.."

Sshhh enebe weg nge keyeng genyen...
Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya nanahimik na kami dito sa likod. Pinapanood lang kami ni Sir Pao ng movie ngayon. Nagcompress kami para makapanood ng maayos.Sa kanan ko ay katabi ko si Camille sumunod naman sa kanya ay si Patricia. Sa kaliwa ko naman ay si Sarah na panay ang titig sakin. Anong problema neto?

Habang nanonood ay biglang tumitig sakin si Sarah.

"Bakit?" inis na tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay umiwas lang ng tingin. Lakas ng tama neto!

"Titig..."

ri ni ri

"/was"

"Titig..."

"/was..."

"Titig..."

"/was..."

Poooottaaaa---!

Ano bang hinithit nito at ganto kalakas ang tama niya?

"Ano ba?"naiinis na talagang tanong ko..

"Wala.." nakangiti niya pang sabi...

"Sshh paano niyo maiintindihan yung kwento kung mag-iingay kayo? Manahimik na muna." suway ni Sir ng makitang panay ang daldal namin ni Sarah dito.

Nagfocus na ko sa panonood at di ko na pinansin pa Sarah. Maya maya ay nahagip ng mata ko ang lihim niyang pagkuha ng litrato sakin.

"Hoy ano ba yan!" sigaw ko habang hinahampas siya sa braso. Napaka-epal naman netoo!

"Hoy namimikshur ka pa!" galit namang sabi ni Patricia.

"Lah assuming ka, si Eloise crush ko hindi ikaw." tatawa-tawang sabi ni Sarah na nagpahalakhak naman kay Camille. Ang gaga nakikinig pala...

Hinayaan ko nalang si Sarah at di ko na pinilit na burahin yung picture. Di din naman kase ako epic doon kaya ayos lang. Maya maya ay nagpaalam ang mga kaklase ko kay Sir na kung pwede ay pumunta sila ng canteen para bumili ng snacks.

"Eloise tara sa canteen, bili tayo pagkain." mahinang sabi ni Sarah sakin. Kumunot naman ang noo ko sa bigla niyang pag-aaya.

"Bumili ka don!" pagtataray ko naman sa kanya.

"Tara bili tayo, ano ba gusto mo?"

"Wala, bumili ka don kung gusto mo!"

"Ano nga gusto mo?"makulit na tanong niya.

Poteekkkk namaaaan!!!!

Ang kulit!

"Manahimik na!" Suway ulit ni Sir. Lumapit pa siya samin kaya naman nanahimik na kami ni Sarah dito.

Napanood ko na ang palabas na to kaya naman di ko na masyadong pinagtuunan ng pansin bagkus ay yumuko nalang. Nakakatamad ding makipaglandian sa lalaking to, buti sana kung si Sir Carlo eh HAHAHAHA!

Less than 2 hours ang inabot ng panonood namin ng movie. Alas tres ang uwi namin ngayon kaya naman yung mga cleaners ay nagsimula ng maglinis.

"Hoy itapon na natin yung basura!" malakas na sigaw ni Noel sabay labas ng room.

Maya maya ay bumalik si Noel.

"Wala nga pala tayong basurahan potek HAHAHAHA!" natatawang sabi niya.

Medyo engot ka sa part na yan Noel HAHAHAHAHA!

Kung kailan walang basurahan tsaka kayo nagkukusang magtapon ng basura. Parang sa pag-ibig lang yan eh,kung kelan wala na tsaka mo pa lang marerealize na mahal mo pala talaga.

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon