Chapter 17

19 1 0
                                    

Chapter 17

Report

ELOSIE POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising, pero dahil sa napakabagal kong kapatid ay nalate parin ako. Patay na naman ako netooo!

Malupit pa naman si Ma'am kase pag late ka, hindi ka pwedeng pumasok sa loob ng room,sa labas ka maghihintay hanggang sa matapos ang time niya. Magbabayad ka pa ng 11 pesos para sa floorwax at ikaw pa mismo ang magfofloorwax. Hays hindi ko na talaga hihintayin yung kapatid ko na yon! Pinapahamak niya lang ako eh!

Kasalukuyan akong nasa labas ngayon at naghihintay ng iba pang kaklase ko. Syempre para may kasama ko dito noh HAHAHA damay damay nato sis!
Maya maya ay dumating na yung iba kong kasamahang late rin. Hehe may kasama na ako.

Habang nandito kami sa labas ay pinaabutan kami ni Ma'am ng upuan para daw may upuan naman kami dito. Si ma'am talaga mahal na mahal kami. Yieee labyu ma'am papasukin mo na kami!

"Huwag kayong kumalat kalat jan!Dito kayo sa may bintana!" Seryosong sigaw ni Ma'am samin.

Relax ka lang Ma'am. Talaga 'to si Ma'am oh ganda ganda eh lagi nalang nagsusungit. Yieeee papasukin mo na kase kami maaaaamm...

Nagpalecture muna si Ma'am kaya naman lumapit kami sa may bintana para makapaglecture din.

Potek na mga ulo yan kilalaki!

Hindi ko makita ang nakasulat sa blackboard dahil panay ang harang nila kaya naman kinuha ko ang phone ko at iniabot kay Camille.

"Uy picturan mo nga." mahinang bulong ko kay Camille sabay abot ng phone ko.

"Potek ginawa mo pa nga akong photographer noh?" pagsusungit naman niya pero nginitian ko lang siya hehe.

Kinuha niya na ang phone ko at sinimulang picturan yung nasa board.
"Oh ayan na!"

Daming arte neto susunod din pala HAHAHAHA!!

"Salamat ah," bespren talaga kita muah matching flying kiss pa

"Bespren mo muka mo!" At sabay kaming tumawa.

Oh diba mga luka-luka.

Nang matapos na si Ma'am magdiscuss ay umalis na din siya agad. Buti naman at makakapasok na kami.

"Hoy bayad niyo sa Floorwax." Singil sa amin ng Treasurer.

Potek di pa nga ka minakakapasok, naniningil na!

"Papasok muna kami." Matapang na sagot ko. Boss ako ah?

"Hindi nga pwede, magbayad muna kayo."

Epal naman. Nagbayad na lang ako dahil una ay wala din naman kaming magagawa. Pangalawa ay malakas ang kapit nito kay Ma'am baka isumbong pa kami charooot!

Tuesday ngayon kaya dalawang oras samin si Sir Carlo. Yieee iisipin ko palang na makikita ko siya naghuhumiyaw na ang puk--- puso ko yieee enebe...

Maya maya lang ay na-goodmood ako dahil sa biglaang pagpasok ni Sir Carlo. Nanjan na pala ang sweetie ko yieee hihi

"Goodmorning HUMSS 11-1." Bati sa amin ni Sir.

Goodmorning sweetie pie ko hihi!
"Goodmorniiiiiinnngggg Sijiiirrrr Carlooooooooooo." Parang grade 1 naman na sagot namin.

"Now you are going to discuss about your Chapter 1."

Halaa! Yot Sir! Ataaaaaaa!

Pota---- bat naman biglaan!

"I will allow you to take a photo of your work and later on we will proceed to the discussion of your Chapter 1. Group leaders get your papers here."

Nagsilapitan na ang ibang leaders doon. At ako ang nahuling kumuha ng papel doon.

"Goodluck Eloise." simpleng sabi ni Sir habang nakayuko.

Nakalimutan ata ni Sir na nakalapel siya, kaya naman dinig na dinig talaga ang boses niya. Taka namang napatingin yung iba kong kaklase sa kanya lalong lalo na yung mga babae. Gosh baka mahalata kami!

charoot HAHAHAH

kala mo talaga may something eh! Ikaw Sir ah, lagi mo nalang akong ginugoodluck yiee. Buti nalang ay nakayuko si Sir kaya hindi na siya pinansin pa ng mga kaklase ko.
Bubunot si Sir ng grupong mauunang magdiscuss at bubunot din siya ng specific topic na ididiscuss. Kabado ang lahat at talagang inaabangan kung sinong grupo ang mauuna. Lord wag muna po ang group 3 pleaseee...

"Group 1." Pagkasabi ni Sir ay parang nakahinga naman ako ng maluwag. Hays thankyou lord.

Nang matapos na si Sir sa kakatanong ay bumunot ulit siya ng susunod na grupo.

"Im so sorry, group 3."

Huhuhu lord help us pleaseee....

"Group 3 please discuss the Scope and Delimitation of your Study."

Si Hannah ang nakaassign doon kaya naman tumayo na siya at nagpunta na sa harapan.

"Okay hana,para mabilis tayo who are the respondents of your study?"

"The Students of Ramon Magsaysay High School Sir."

Hays thank you lord nakasagot.
"In your study,there are people who are included and excluded, now who are the excluded in your study?"

"Sir--------" walang sagot si Hannah.

Patay na.

Nasa harapan ako ngayon malapit kay Hannah. Pasimple akong tumingin kay Sir at ng mapansin kong hindi siya nakatigin sa gawi ko ay palihim akong bumulong kay Hannah.

"Parents." pabulong na sabi ko.

"Ha?" Di niya ata ako marinig kaya naman nilakas ko ng konti.

"Parents."

"Ano Hannah? Si Eloise na lang kaya ang bigyan ko ng grade?" sabay lingon ni Sir sa side ko.

"Ano Hannah? Wala?"

Hindi pa din nakasagot si Hannah kaya naman pinaupo na siya ni Sir.

"Uy sorrrryyyy." kasi talaga ako kanina ehhh. Nalulungkot na sabi ni Hannah sakin.

"Hoy ano kaba, ayos lang yon noh. Hayaan mo na yon." sabi ko naman para matigil na ang pagdadrama niya.
Muling bumunot si Sir ng sunod na grupo na magpepresent.

"Next is Group 1 and please discuss the Introduction."

Tumayo na ang representative ng group 1 at kitang kita mo talaga sa kanila na sobra silang kabado.

"But before that please stand up everyone. Goodbye."

Ito talaga si Sir ang hilig mantrip, naalala ko tuloy yung first day of school.

Hays HAHAHAHA!

Lakas talaga ng tama neto HAHAHAH! Pero sakin kaya Sir malakas din tama mo? yieee!

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon