Chapter 23

16 2 0
                                    

CHAPTER 23

One on One with My Mother

ELOSIE POV

Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan kong nakalock ang pinto. Wala sina mama.At dahil wala naman si mama ngayon ay pinakawalan ko si Soppy sa loob ng bahay. Sulitin mo na Soppy dahil mamaya lang ay darating na si Mama. Nagagalit kasi yon pag pinapasok ang aso sa loob ng bahay.Tuwang-tuwa naman si Soppy na naglibot sa loob ng bahay.

Nagbihis muna ko dahil ang init ng uniform na suot ko. Ngayon ay nakabra at panty nalang ako ng bigla ay mahagip ng mata ko si Sam na nakatingin sa akin! baby that's bad ah! Naninilip ka!---- ay wait alam din kaya ng mga aso ang t*t* at p*p*? ay nevermind na nga lang.....

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko ng kwarto at nagtimpla ng kape. Kung ang iba ay adik sa drugs,ako naman adik sa kape, pero mas adik ako sayo yieee!

Pagkatapos ko magtimpla ay pumwesto na ko sa may lamesa. Hihigop na sana ko ng kape ng bigla ay may nakita akong maliit na keychain na hugis aso. Ang cuteee ---ay teka speaking of aso, nasa'n si Sam? Dali dali akong tumakbo sa kwarto... naiwan ko palang bukas yung pinto sa kwarto shiiiitt!

Pagbukas ko palang ng pinto sa kwarto ay sinalubong agad ako ng fresh na fresh na amoy ng tae ni Soppy. Sosyal talaga si Soppy dahil sa kutsyon niya pa napiling tumae. Hays palit bedsheet na naman.

Dahil sa inis ko ay tinali ko ulit si Soppy sa labas at sinaraduhan ng pinto. Hmmp ang bad bad mo Sam!
Balakajan!.

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang ay gabi na. Usually ay maaga kaming maghapunan kaya mga alas syete palang ay natutulog na sila, dahil ako? daig ko pa ang mga call center agent sa puyatan. It's already 11:10pm. Inaantay ko ang 11:11 dahil sabi nila pag nagwish ka daw ng exactly 11:11 ay magkakatotoo ang wish mo. Pagka-11:11 ay nagwish agad ako.

Lord sana po tumangkad na koooo...pleaseee.. Unang una yon syempre.

Lumipas ang oras at hindi parin ako inaantok. Nagbukas muna ko ng messenger para tingnan kung may bagong message ba ako. Pagkabukas ko ng messenger ay nakita kong online si mama!

Patay na! Huli ka balbon!

Dali-dali kong pinatay ang wifi ng phone ko, nagtalukbong ako ng kumot at umarteng tulog na tulog. Nakarinig ako ng mga yapak kaya naman mas ipinikit ko ang mata ko ng maayos. Nagulat ako ng bigla ay bumukas ang ilaw ng kwarto namin.

Charaaaann!

Lagot na koooo!

"Hoy ate, online ka 1 minute ago. Bumangon ka jan timpla mo ko kape." utos ni mama habang sinisipa pa ang paa ko.

"Ano ba yan natutulog ako eh!" pag-iinarte kong sabi habang kunwari ay nag-iinat.

"Tumigil ka online ka nga kanina, baka hampasin kita jan!"

Tatawa-tawa naman akong bumangon at nagtimpla na ng kape. Kay mama talaga ko nagmana ng pagkapuyatera eh.

Nagkape kaming pareho at nagchikahan. Kinuwento ko sa kanya yung mga nanligaw sakin dati at yung mga naging ex mu ko.

"Oh? Edi malandi ka pala?" tatawa-tawang sabi ni mama matapos kong ikuwento ko yung ginawa kong pagtakas noon sa kanya para makipagkita sa ex mu ko.

"Napaka-OA mo talaga mama. Tumakas lang malandi na? At tsaka sa kanya kaya galing yung choco mucho at toblerone na kinain mo nung nakaraang Valentines noh." agad namang sagot ko. Grabe talaga to kahit kelaaan eh siya naman umubos nung chocolate ko.

"Ah sa kanya ba galing yon? Eh yung T-shirt na Supreme tsaka yung shoulder bag? Sa kanya din ba galing yon?" curious na tanong ni mama.

"Hindi, sa iba galing yon."

"Buti nagugustuhan ka nila noh? Eh hindi ka naman maganda ah?"

"Anooo?"

"Abaaaaa!"

"Tingnan mo yung mata mo, laki laki kaya ng eyebags mo. Tapos yung ilong mo hindi naman ganon katangos. Tapos yung pisnge mo may tigyawat pa. Ano ba yan ate..."

Ay wow, anak mo ko oh baka nakakalimutan mo grabe tooo!
"Grabe ka ma, ikaw nga tignan mo yang ilong mo---"

"Hoy matangos ang ilong ko."

"Hindi kaya, nakabuka nga yung iyo eh. Sakin sakto lang." sabi ko habang nagside-view pa. Oh diba para lang kaming magkabarkada kung magusap. Napakabully kasi nito ih!
Nagdaldalan pa kami ni Mama dahil hindi pa ubos ang kape naming pareho. Hihigop na sana ako ng kape ng bigla ay nagsalita si mama.

"Ano ba pangalan nung dating shota mo ate?" nagulat naman ako sa naging tanong ni mama.

"Hindi ko shota yun. Ex mu ko yun. pagpapaliwanag ko naman."

"Ano yun? kunot-noo namang tanong niya. Hays di nga pala siya millenial HAHAHAHA."

"MU meaning pareho niyong gusto yung isa't isa pero hindi kayo magjowa. Kumbaga walang kayo."

"Noong panahon namin wala namang ganyang mu-mu na yan."

"Eh mama iba naman yung panahon noon sa panahon ngayon noh. Bago na syempre ang panahon ngayon."

"Sa bagay lahat naman nagbabago." nagulat naman ako sa naging sagot ni mama. Gumaganon pa nga siya HAHAHAHA!!

"Hoy matulog ka na pagkatapos niyang kape mo." saad ni mama pagkatapos lagukin yung kape niya."

"Yes madam"

"Puyat ka ng puyat jan. pahabol na sabi ni mama bago tuluyang pumasok sa kwarto niya."

Nagcellphone muna ko saglit at binuksan ang messenger ko. Tumingin muna ko ng mga stories ng mga friends ko sa epbi.

"Tingin.."

"Tingin.."

Puro panget naman ng stories nila ih next na nga!

Pagkapindot ko next ay bumungad sa akin ang story ng pamangkin ni Sir Carlo na si Katkat. Picture yun ng twitter account ni Sijirrr!

Goosshhh!

Dali-dali ay inopen ang twitter account ko at hinanap doon ang account ni Sir.

Goosshhhh!!!

Nang mahanap ko ang account niya ay finallow ko agad siya hihi sweetie ko omaygaaad. Mukang kagagawa palang ni Sir ng account niya dahil bukod sa konti palang ang followers ay wala pa siyang tweet. Maya-maya ay may dumating na notif sakin and guess what...finallow back ako ni Siirrrr!

Gooosshhhh!

Kinikilig akooooo!

Jusmiyooo...

HAHAHAHA!

Nawala na yung antok ko bes HAHAHA! Mukang magiging active na ko sa twitter ah HAHAHAHA!

Nang matapos na ko sa pag-inom ng kape ay humiga narin ako at nagsimulang matulog. Masyado na ding pagod tong mata ko, kailangan ko na siyang ipahinga. Hays ang saya ko lang todaaay hihi.

Good night Philippines, goodnight world and of course goodnight Lord.

To be continued.....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon