Chapter 21

20 1 0
                                    

CHAPTER 21

Sir and My Brother

ELOSIE POV

6:00am ng magising ako. Potek late na naman ako netoo! Dali-dali akong bumangon at dumiretso na agad ng cr sa school nalang ako kakain. Nang matapos akong maligo ay nagmadali na kong magbihis. Pinagmadali ko na ang kapatid ko dahil pag nainis na naman ako ay baka iwan ko ulit siya. Bahala siya sa buhay niya! Pero dahil mabait naman ako ngayon, ay inaantay ko siya.

Lumabas na kami ng bahay at nag-antay ng jeep. Mukang nakiki-ayon ang panahon samin ngayon dahil maya maya lang ay may dumating ng jeep. Una kong pinasakay ang kapatid ko at sumunod na ko. Pagsakay ko.....

Omaygaaaaddd!

Tinadhana ba talaga kamii?

HAHAHAAHAHA!

Kasabay ko na naman siyaaaaaa!

The my love! My love of my life!

Pag-angat ko ng paningin ay nakangiti na siya sakin. Hi mahal, miss me?---ay wait parang sa Anabelle yon ah!
May space pa sa tabi ni Sir kaya naman doon na kami naupo ng kapatid ko.

"Eloise, kapatid mo?" tanong ni Sir ng makaupo kami.

"Opo sir." agad namang sagot ko.
Eto na naman yung labi ko at ngumingiti na naman ng kusa.
Gooossshhh baka mapagkamalan akong luka luka ditooo!

"Aray--" pabulong kong sabi ng bigla akong kurutin ng kapatid ko. Pagharap ko sa kanya ay nakangiti siya na tila ba nang-aasar.

"Yieee..." pabulong na sabi niya na siya namang ikinalawak lalo ng ngiti ko. Hooy enebe keseee...

Di ko lang siya pinansin dahil baka mahalata kami ng ibang pasahero dito. Kinuha ko na ang wallet ko at nagbilang ng pamasahe namin. Binigay ko agad ang pera sa kapatid ko para siya na ang mag-abot.

"Paano ko 'to ibabayad?" naguguluhang tanong sakin ng kapatid ko.

Si Sir ang katabi niya kaya naman nahihiya siyang magpa-abot ng bayad.
Ano ba? Huwag kang mahiya, bebeluvs ko naman yan.

"labot mo lang." sabi ko na agad naman niyang ginawa. pa niya ang pagsabi ng bayad po. Dali namang inabot ni Sir ang bayad namin. Panay naman ang ngiti nitong kapatid ko dito at talagang kinarir niya ang pang-aasar sakin. Di ko lang siya pinansin dahil baka nakakalimutan niyang katabi niya lang si Sir at baka marinig kami dito.

"Tabi lang po." maya maya sabi ni Sir kaya naman umayos na ako at naunang bumaba ng jeep, sumunod naman agad si Sir.

Sabay na sabay kaming naglalakad ngayon ni Sir ng bigla siyang magsalita.

"Eloise, kapatid mo pala yon?" tanong ulit ni Sir.

"Opo Sir." agad namang sagot ko.

"Eh bat parang mas matangkad siya sayo?" nakangiting sabi ni Sir.

"Nagkabaliktad na po Sir." nakangiting sagot ko.

"Nagkabaliktad na nga ata talaga HAHAHAHA!" mahinang tawa ni Sir na siya namang naging dahilan para lingunin ko siya.

Gooshhhh did he just laugh?

Omygad HAHAHAHA!

Napatawa ko si Sir!

Saya mo naman sweetie, ako ba happy pill mo? Yieeee eneebeee

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng bigla na namang magsalita si Sir.
"Eloise, sasalang kaba ulit sa susunod na laban ng radiobroad?"

Kasalukuyan akong nauuna ngayon maglakad kaya naman saglit akong huminto para magkasabay kami ni Sir at para na din makapag-usap kami ng maayos.

"Depende po Sir." nakangiting sagot ko. Depende sir pag ikaw parin ang mag-ga-guide samin.

Sabay parin kaming naglalakad ngayon ni Sir ng bigla akong tawagin ng kaklase ko. Sinenyasan niya akong hintayin siya kaya huminto ako saglit. naman kasi neto eh!bYan tuloy nauna ng maglakad si Sir. Gusto ko sanang sabihin na babe wait for me!! kaso baka mamaya may ibang estudyanteng makarinig kaya wag nalang hihi.

Maya maya lang nakarating na kami ng room. Kumunot ang noo ko ng makitang may bag na nakalagay sa upuan ko kaya naman inalis ko ito at inilipat sa katabing upuan. Maya maya ay lumapit sakin ang kaklase ko.
"Oh bat naiba na naman yung upuan ko?" pagiinarte niyang sabi na siya namang kinais ko.

"Eh bat kase dito nakalagay yang bag mo?" inis namang sagot ko. Aba umagang-umaga nagtataray siya? Oh come on!

Attitude din ako girl kaya manahimik ka jan.

Nang dumating na ang teacher namin ay pinagreview muna kami ng 20 minutes. Maya maya lang ay nagstart na ang quiz namin at ng matapos ay nagcheck agad. Pagkabalik sakin ng papel ko ay tiningnan ko agad ang score. Orayt 44 over 45.

Pagkatapos magquiz ay wala na kaming ginawa at dahil may 20 minutes pa ay yumuko muna ko saglit sa desk para matulog. Di ko na kase mapigilan yung antok ko eh, parang yung feelings ko sa kanya yieee witwiw!

Dumaan ang ilang minuto at maya maya lang ay pumasok si Ma'am Cath sa room.

"Friday group, bat di kayo nagtapon ng basura ha?" seryosong sigaw ni ma'am.

Tahimik lang kaming lahat dito, lalo na kaming mga friday cleaners dahil talagang galit si ma'am. Patay na, bat kase di nga namin tinapon yung basura!

"Dahil jan wala kayong gagamiting basurahan! Ilagay niyo yang mga kalat niyo sa bag niyo!" malakas na sigaw ni ma'am.

Grabe ka naman ma'am pero ayos lang. Meron naman kasing basurahan sa cr ng boys kaya doon nalang kami magtatapon. Hehe ang brainy ko talagaaaa!

Lumipas ang oras at maya maya lang ay lunch break na. Pumunta na kami agad sa karendirya na lagi naming pinagkakainan. Marami din kasing kumakain doon at halos punuan lagi. Mahirap na noh baka maubusan kami ng ulam. Tomguts pa naman ako baka sila kainin ko jan!ay wait--wag na pala di nga pala sila yummy, yucky lang charenggg!

To be continued.......

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon