Bobo pero Hot na Killer si Nday
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Napahawak ako sa kamay na nakatakip sa
bibig ko at pilit na tinatanggal ang kamay
niya.
"Sssshh..wag kang maingay inday" ..bulong
niya sa akin..kilala ko ang boses niya si
nanay lang pala sus akala ko kung sino
na...napaka suspense naman ni nanay..akala
ko papatayin na naman ako.
"Bibitawan ko to wag kang maingay
ha"..sabi pa niya.na tatango tango ako...
"Nay naman akala ko kung sino na yon
kinabahan ako sayo". sabi ko ng matanggal
na niya ang kamay ko.
"Sssh..sabing wag maingay e ang tigas ng
ulo mo bata ka...teka ano ba ang ginagawa
mo dito?bakit ka nandito?" galit na sabi
niya pero mahina parin ang boses.
"Diba nagtext kayo sa akin?sabi mo
pupunta ako sa address na to? Siya tong
nagtext tapos ngayon ay magulat?...tsk!..
"Hindi ako nagtext baka si
rolando...nalaman kasi niya na ikaw ang
witness sa pagpatay nila don sa mag asawa
sa probinsya natin". ...nanlaki ang mata
ko..hala alam na niya?bigla akong
kinabahan.ibig sabihin papatayin niya ako?
"Nakuha niya ang number mo don sa mesa
na iniwan mo..nalaman na din niya na ikaw
ang pumatay sa mga kasamahan niya..naku
bata ka ano na naman ba ang napasok
mo?" ..nag aalalang tanong ni nanay.ngayon
ko lang siya nakitang ganito kung mag alala
sa akin..
"Nanay naman pati ba naman ikaw?hindi po
talaga ako ang pumatay nay.maniwala
ka...hindi po talaga ako.aksidente lang po
talaga yon". pagmamaktol na sabi ko...e
hindi naman talaga ako...isinusumpa ko hindi
talaga ako...
Nagdududa niya akong tiningnan.
"Nay naman wala sa lahi natin ang
mamamatay tao...mga magaganda at hot
lang" ...todo ngiti ko na sabi.
"Oo na hindi na ikaw pero paano mo to
takasan e wanted kana sa kanila..ang dami
mo na palang napatay"...- nanay
"Hindi nga po ako nay e..sigurado kaba nay
na hindi ikaw ang nagtext?hala papatayin
na niya ako?huhuhu" natatakot na sabi ko..si
nanay naman ay sobrang nag alala.
"Tara na tumakas kana habang wala pa
siya.dalian mo". hinila na niya ako palabas sa
pinto...
"At saan kayo pupuntang mag
ina?" ...napasigaw kami sa gulat ng pagbukas
ni nanay ng pinto ay ang mukha ng
kinakasama niya na nakangisi ang nakita
namin.
"Rolando hayaan mo na ang anak ko.hindi
naman siya magsusumbong e..diba
inday?" siniko ako ni nanay.
"Ah opo tama po kuya..hindi po ako
magsusumbong promise.wala naman po
kayong dapat ipag alala e"nataranta kong
sabi dahil papalapit na siya sa amin.kami
naman ni nanay ay paatras na din.
"Kahit na...mahirap na..iba parin ang naka
sigurado...wow hanep ang ganda talaga ng
anak mo...mas may alindog pa to kesa sayo
e"naglalaway na sabi niya habang malisyoso
na hinahagod ako ng manyak niyang
tingin....
'Rolando wag ang anak ko.sige umuwi kana
inday". utos ni nanay.
"Sige po nay..." dali dali na akong pumunta
sa pinto.
"Aray!" sigaw ko ng malakas na hilain niya
ang buhok ko...
"Saan ka pupunta ha?hindi ka aalis kung
aalis kaman ay isa ng malamig na
bangkay.bwahahaha". Tumawa pa ito ng
sobrang lakas...
"Huhuhu kuya bitiwan mo na po ako uuwi
na po ako" pilit kong tinatanggal ang kamay
niya sa buhok ko pero ang lakas lang ng
pagkakahablot niya...
Nakita ko si nanay kinuha ang flowervase sa
mesa.dahil busy si kuya sa akin ay hindi niya
nakita ang ginagawa ni nanay...iniangat niya
ito at malakas na inihampas sa ulo ni kuya.
"Urgh!!" daing niya habang hawak hawak ang
ulo.
"Inday takbo na dali!". agad na tumakbo ako
pababa sa hagdan.ganon din si nanay na
nakasunod sa akin...
"Wala na kayong mapupuntahang mag
ina"paglingon ko ay nakahabol na sa amin si
kuya grabe naman ang tigas ng ulo
niya.akala ko nga kanina ay himatayin o
mamamatay na siya pero nakabangon pa
din.
"Waaah nanay takbo bilisan mo!". mabilis na
tumakbo ako pababa dito sa hagdan...ay tae
naman ang taas kasi nitong hagdan mahirap
bumaba...ito na naman po ako.habol habol
naman ako ni kamatayan pero ngayon may
kasama na ako at yon ay ang nanay ko..
Malapit na ako sa may pinto sana lang
makatakas kami ni nanay..medyo hindi
matao kasi ang lugar na to...malayo din ang
mga bahay.
"Tigil..kapag hindi ka titigil pasasabugin ko
ang bungo nitong nanay mo!"... malakas na
sigaw niya ng bubuksan ko na sana ang
pinto.
Pagtingin ko ay hawak na ng kaliwang braso
ang leeg ni nanay basta yong kapag may
hostage..alam nyo na yon. tapos ang kanang
kamay ay may nakatutok na baril sa ulo ni
nanay..
"Wag mo siyang pansinin tumakas kana
inday!"... sigaw ni nanay sa akin.
"Huhuhu kuya bitiwan mo po ang nanay
ko." sa buong buhay ko dito ako mas
kinakabahan.noon kasi nakita ko ang ibang
tao na namatay tapos ako ang papatayin
pero ngayon iba na e..nanay ko na talaga
ang nasa delikadong sitwasyon.
"Inday ano ba...iligtas mo ang buhay
mo.okey lang...ack" ...halos hindi siya
makahinga ng sakalin siya sa leeg ni kuya
roger.
"Kuya parang awa mo na po...wag po ang
nanay ko...huhuhu". pagmamakaawa ko
sakanya..
"Kung gusto mo iligtas ang nanay mo...edi
lumapit ka dito hahaha" ala demonyo na
tawa niya..
"Opo..opo huhuhu". sabay hakbang ko
palapit sakanya.
"Inday please kahit ngayon lang makinig ka
kay nanay.parang awa mo na tumakas
kana...wag matigas ang ulo." ...nakita ko na
tumulo ang luha ni nanay..mas napaiyak
ako...buong buhay ko kasi hindi ko
naranasan ang ganito..yong makita mong
iniyakan ka ng nanay mo...
"Okey lang po yon nanay.kung mamamatay
man po ako basta kasama po kita!".. ano ba
yan ang drama ko na..
"Hahaha puta ang drama nyong mag
ina...ano to?maalaala mo kaya?kung
sabagay mamamatay nga naman kayong
dalawa dito ngayon". ..natatawang sabi niya
habang mas idiniin ang hawak na baril sa
sintido ni nanay.
"Huhuhu kuya...magpapadala po kami sa
mmk pero parang awa mo na po pakawalan
mo na nanay ko!" pagmamakaawa ko uli
sakanya..
"Ano ako gago?lapit pa...argh!!!". reklamo
niya habang hinahawakan ang sa gitna ng
hita..malakas na sinipa kasi siya ni nanay sa
itlog..
"Inday takbo na dali!" patakbo na lumapit sa
akin si nanay.tumalikod na din ako palapit sa
pinto..
Bang!!!!
Bang!!!!..
"Ahhhhh!!!". kinilabutan ako ng marinig ko
ang baril at ang tili ni nanay...
"Nanay!!!huhuhu.".. mabilis na tumakbo ako
pabalik sakanya...hawak hawak niya ang
dalawang hita niya...
"Inday tumakas kana please.iligtas mo ang
buhay mo para sa akin!" umiiyak na sabi niya
habang namimilipit sa sakit..
"Hindi po nay!!hindi ko po kayo
iiwan..huhuhu nanay..tara na po!". palapit na
kasi si kuya sa amin kaya tinutulungan ko si
nanay na makatayo pero hindi na niya kaya
dahil dalawang hita niya ang binaril..
"Hindi ko na kaya pa inday ikaw
nalang...parang awa mo na..kahit ganito
ako..hindi ko kayang makitang
namamamatay ang anak ko sa harap
ko!". mapait na ngumiti siya sa
akin...nagsiunahan pang pumatak ang mga
luha niya.
"Nanay hindi ko po kayo iiwan
huhuhu" ...naupo ako at niyakap siya.sa
buong buhay ko ngayon lang ako
pinrotektahan ng nanay ko...ngayon ko lang
naramdaman ang ganitong pagmamahal at
sa oras pa na talagang kailangan ko siya.
*click*
"Putang ina..!!!wala ng bala" reklamo ni kuya
at pumunta sa kusina...
"Nanay tara na tatakas na tayo
huhuhu". ...hinihila ko siya pero pinigilan
niya ako sa kamay.
"Wag na inday.ikaw nalang.isa pa kapag
makalabas tayo maaabutan niya din tayo
dahil sa akin...parang awa mo na.isa sa atin
ang kailangang mabuhay...bigyan mo ng
hustisya ang kamatayan ko". niyakap niya
ako...firstime na niyakap ako ng nanay ko
kaya niyakap ko din siya ng sobrang higpit.
"Nanay naman e..wag kang magsalita ng
ganyan mabubuhay pa po tayo...ano
kaba...e ang lakas lakas natin" ...pinahidan
ko na ang mga luha pati sipon ko...
Nakita ko si kuya may dalang mahabang
sundang.
"Inday parang awa mo na makinig ka kay
nanay ha..tumakas kana please..pasensya na
kung hindi ako naging isang mabuting ina
sayo.pasensya na kung tinalikuran
kita.pasensya na kung hindi ko naibigay
ang mga pangangailangan at pagmamahal
na hinahanap mo galing sa isang
ina..pasensya na"..hagulhol ni nanay sa pag
iyak...
"Tama na ang drama..." galit na sabi kuya at
kumuha ng bwelo at inihampas ang sundang
sa paa ni nanay na parang nagbibiyak ng
kahoy..
"Aaaah!!!!tumakas kana" daing niya habang
napahawak sa putol na paa...nanginginig ako
sa takot.
"Huhuhu nanay hindi ko po
kaya...waaaag...". sabi ko kay kuya ng
hampasin na naman sana niya si nanay ng
sundang pero tumigil siya at nakangising
nakatingin sa akin..nasa paanan kasi siya ni
nanay ako naman ay nasa head part.
"Papatayin ko kayong sabay!". hawak niya
ang sundang habang palapit sa akin...
"Inday please.mas masaya si nanay kung
mabuhay ko..please kung mahal mo ako
kailangan mong mabuhay..parang awa mo
na.tandaan mo mahal ka ni nanay". at
hinawakan niya ang paa ni kuya para tumigil
ito sa paglapit sa akin..tama ba ang narinig
ko?sinabi niya na mahal niya ako?mahal ako
ng nanay ko????
"Bitiwan mo ako puta!!!". sinisipa niya si
nanay pero mahigpit ang hawak ni nanay
sakanya.
"Sa huling pagkakataon anak...nakikiusap si
nanay iligtas mo ang sarili mo..please..bago
ko ipikit ang mga mata ko gusto kong
makita na ligtas ang nag iisang anak
ko". ...pakiusap niya kaya tumayo ako.
"Mahal kita nanay...pangako bigyan kita ng
hustisya..huhuhu."... tama si nanay kung
hindi ako aalis ay pareho kaming
mamamatay.nakailang hakbang na ako
papunta sa pinto...
"Bitiwan mo ako sabi!!"... galit na sabi niya
at kumuha ng bwelo tapos sinaksak si nanay
ng dalawang beses sa dibdib..alam kong
sobrang lalim ng pagkasaksak niya kasi halos
nakabaon na ang buong parti sundang sa
dibdib ni nanay.
nakadilat ang mga mata na nakangiting
nakatingin si nanay sa akin...lalo akong
umiyak..wala na siya..patay na si nanay ko..
Bago ko buksan ang pinto ay lumingon ako
kay nanay nakita kong ginilitan niya ang
nanay ko sa leeg at agad na dumalak ang
dugo sa sahig...
Tumayo siya at nakangisi na papalapit sa
akin habang bitbit ang mahabang sundang
na may tumutulong dugo mula sa aking ina..
"Takbo inday TAKBO!!!".. nakangisi niyang
sabi habang papalapit na sa akin at wala na
akong sinayang na pagkakataon..mabilis na
tumakbo ako habang nakasunod siya sa
akin.
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Mystery / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...