Bobo pero Hot na Killer si Ndayby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 28
"Magpahinga kana nga don Inday, 'wag kang
mapagod dahil baka mapahamak si
baby."Nakasalubong na kilay ni Jim.Andito
kasi ako sa kusina kasama si Bev at
magluluto kami ng sinigang sa buto-buto.
"Umalis kana nga rito!Wala kang pakialam sa
akin."Sige pa rin ang saksak ko sa lintik na
buto ng baboy na 'to.Pwede namang laman
o hipon o isda pero trip ko talaga kainin to
e,baka mukhang aso ang anak namin?
Mahilig sa buto e hehehe..
"Tama na please!Nadurog na yang buto
o.Mukhang giniling na yan".Napatingin
naman ako.wasak na wasak nga talaga.Ini-
imagine ko kasi na mukha ng bruhang si
Isabel 'to e.
"Boto?manyak mo!Pakialam mo?Edi bili pa
tayo ng bago,marami ka namang pera
diba?" Naiinis na sabi ko bastos kasi ang
boto sa ilonggo hehehe at inilapag ko ang
malaking kutsilyo.Basta yong square na
panghiwa ng buto.Ewan ko kung ano ang
tawag.
"Tsss.nagseselos kaba?" Napatingin si Bev sa
amin at nakangiti nang marinig ang sinabi ni
Jim.
"E kung nagseselos ako anong pakialam mo?
Wala ka namang magagawa diba?Dahil mas
importante sa'yo ang mukhang toko na
'yon."Naasar na sabi ko.Nakita ko kasing
naglalampungan sila ng bruhang 'yon sa
swimming pool kanina.
"Haist,selosa, wala nga 'yon.Bakit ba nag-
eexplain ako sa'yo e hindi naman kita
girlfriend."Tiningnan ko lang siya ng masama
at naglakad papunta sa sala.Wala ata nag
bruha rito ngayon.
"Tama,hindi naman kita ka anu- ano kaya
'wag kang matulog sa kwarto ko mamaya
dahil sa kwarto ako ni John matutulog!"Kala
nito ha.Kagabi kasi ng mapadaan sya sa
kwarto ko ay hinila ko sya papasok sa silid
ko hahaha.Parang tanga si Isabel, nagsasalita
e hindi na pala nakasunod sakanya si Jim.
"Edi roon ka matulog."Napipikon na sabi
niya.Aba, sya pa ang may ganang magalit.
"Talaga!" Lakad parin ako papunta sa
labas.Hmp!makapasyal nga sa garden.
"Inday?" Ayan nakasunod pa rin sya sa akin.
"Umalis kana Jim.Doon kana kay Isabel
mo.H'wag kang mag alala, pagkatapos kong
manganak,aalis na rin naman kami ng baby
ko."Ano ako tanga?Sino ang babaeng gusto
na dalawa kayong ibinabahay ng lalaking
mahal mo?Hindi ko iyon kaya.
Maaaring bobo ako pero martir?'Di pwede sa
akin yon.Sus!ako ba ang nawalan?Sa ganda
kong 'to e andaming lalaki d'yan na
magkandarapa sa akin.
"Haist!suplada mo naman.Magpapa checkup
tayo nextweek para malaman natin kung
okey lang ba si baby."Excited na sabi
niya.Sus, akala mo naman totoo ang tuwa
nito e halos ipagtulakan nga ako palabas ng
bahay.
Kung hindi lang siguro ako buntis, malamang
noon pa ako umuwi sa Antique.
"Okey lang daw sya,'wag kang mag
alala."Paninigurado ko.
"Talaga?paano mo nasabi?"Masayang
tanong niya.
"Ibinulong niya sa akin Jim, gusto mong
marinig?Isa ka raw na malaking HANGAL at
TANGA sabi ni baby!"Galit na sabi ko na
ikinasimangot niya.
"Inday naman,alam kong malaki ang
kasalanan ko na hindi kita maalala at hindi
ko din matandaan na minahal kita pero wag
mo naman sanang idamay ang baby
natin."Sincere na pakiusap niya.Makikita ko
sa mga mata nya ang lungkot.
"Nadamay na sya Jim,kung sana.K-kung
hindi ka nagka anesthesia, edi sana masaya
tayo ngayon huhuhu pero kasama mo si
Isabel,ako hindi.Kailangan pa kitang akitin
para makasama ka gabi gabi."Ayan, tumulo
na ang mga luha ko.Nakakalungkot e.
"Amnesia Inday.Hush,tama na Inday ha.i'm
sorry."Sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Huhuhu ikaw e,pinapahirapan mo kami ni
baby huhuhu sa dami ng pwedeng
makalimutan yon pang hindi mo ako
mahal."Niyakap ko rin sya ng
mahigpit.Ramdam ko nga ang malakas na
tibok ng mga puso namin.
"Nararamdaman mo naman siguro ang tibok
ng puso ko diba?Please, hintayin mong
makarecover ang utak ko ha.Hintayin mong
makilala ka ng isip ko dahil sa puso ko,ikaw
parin ang laman nito.Ikaw parin ang
isinisigaw niya okey?"Bahagya s'yang lumayo
para punasan ang nangingilid na mga luha
ko.
"Konting tiis lang,konting pasensya lang
please pakiusap, 'wag kang sumuko.Hintayin
mo ako dahil alam ko na mahal kita.Sa
ngayon, hindi lang nakikipag coordinate ang
utak ko.Pasensya kana."Mahinahon niyang
sabi habang hinahagod ang likod
ko.Nakakagaan naman ng pakiramdam.
"Okey lang Jim,hihintayin ko ang pagbabalik
mo."Seryoso kong sagot.Hindi ako aalis sa
tabi niya hangga't wala pa syang
maalala.Aalis lang ako kapag ipagtabuyan
nya kami ng anak ko sa oras na matauhan na
siya.
"Salamat,I'm sorry kasi nagawa kitang
pahirapan.Kasi hindi ko manlang kayang
bigyan kayo ng maayos at tahimik na
buhay.Pasensya kana pero darating ang araw
na maayos din natin ang lahat."Niyakap ko
sya ng mahigpit.Atleast kahit papano ay
may pag asa pa ako.
"Salamat sweetheart, sana nga bumalik na
ang alaala mo." Gusto ko na talagang
matapos ang lahat ng ito.
"Malapit na.Kapag maayos na ang utak
ko.Ayoko lang e pressure ang sarili ko sa
ngayon.Tara na balik na tayo."Inakabayan na
niya ako pabalik sa loob.Si Bev naman ay
papalapit sa amin at may dalang hose ng
tubig.Siguro mag didilig ito sa
garden.Magtatakip silim na kasi.
"Babes, where have you been?Kanina pa kita
hinahanap!"Maarteng tanong ni Isabel na
nakaupo lang dito sa sala kasama si
John.Kapal din ng babaeng 'to.Nahuli ko
kagabi lumipat don sa kwarto ni John,akala
niya 'di ko nakita.
"D'yan lang sa labas.Oh, insan, nakahanap
kana ba ng aayos nung motorsiklo
mo?"Tanong ni Jim sa pinsan.
"Oo e,palitan lang daw ang gulong."Sagot
naman ni John na napakamot pa sa
ulo.Naupo na kami rito kasama ang
dalawa.Hay naku,ba't naglipat bahay pa ang
dalawang to?Storbo!baka ito nga ang
nagpapatay sa amin.Hala,baka hindi naman
talaga aksidente ang nangyari?
Ring
Ring
Ring.
Ano ba yan,tumunog ang telepono.Dahil sa
tabi ko talaga ay ako na ang sumagot.
"Hello po?good afternoon ,"magalang na
bati ko.Pinaganda ko pa ang boses ko, pang
call center ang peg.
"Hello?hala, wala namang nagsasalita,"naiinis
na sabi ko.
"Gaga!baliktad kasi."Galit na sabi nitong
bruha.Sus, ang isa ngang karibal ko e sino
ba yon?Karen ba ang pangalan?Basta yong
walang boobs.Sumuko na raw sabi ni
Bev.Nag-asawa na raw ng Amerikano.Ito
lang talaga ang matibay pero susuko ka rin
sa akin.
"Sorry naman,lo he???lo he lohe?"sabi ko
pero wala pa rin.
"Gaga, ang telepono ang baliktad.'Wag
shunga inday ha!"Napipikon na sabi ni
Isabel.hahaha maasar nga ang bruhang 'to.
"Ehem...lo he?No po le te...No po le
te?...hello?"Pa inosente kong sagot.
"URGH!BOOOOOBOOOOO". Galit na sigaw
ni Isabel hahaha.Tanga, ang luma na kaya ng
joke na yan.Panahon pa ni kupong-
kupong.Siya 'tong bobo e binibiro lang
sumakay naman agad.Itong dalawang lalaki
tatawa-tawa naman sa reaksyon ni
Isabel.Tsss...Palibhasa hindi bisaya kaya
walang alam na kalokohan.
Talagang itinapon pa ang unan at Sinipa ang
maliit na mesa sa sobrang pikon.Ayan,
tumaas sana ang highblood mo para
mamatay kana!hahaha
Ring
Ring
Ring.
Ayyy takte,cellphone ko pala ang tumunog
kaya kinuha ko sa bulsa.Number lang ang
lumabas.Hala, napahawak ako sa dibdib
ko.Huhuhu 'wag naman sana.
"Excuse me,sasagutin ko lang ang
tumatawag."Paalam ko sa kanila at pumunta
na sa labas para hindi nila marinig.
"Hello?" Kinakabahang bati ko.
[Hello Inday,may bagong mission ka]Waaah
si sir Winston nga huhuhu.
"Ahm sir, pwede time pirst muna?Mahina
ang kalaban e huhuhu sir buntis po ako
e.Pwede nextyear nalang?"Pakiusap ko
sakanya.
[Sorry Inday, pero kailangan talaga.Mga
foreigners ang susugpuin mo,may palitan ng
epektus bukas"] Sagot niya sa kabilang linya.
"Huhuhu sir, buntis po talaga ako."Hindi
pwede! Baka madamay pa si baby ko,baka
mapaano pa kami.
[Whaaaat?paanong buntis ka?Alam mo
namang hindi pwede 'yan sa trabaho
mo?]Halos pasigaw na tanong nito.
"Sus!Ikaw naman sir, parang 'di na
nasanay.Edi naglandi ako,kumati ang ano
ko,nagpakamot,may kumamot,sumabog sa
loob kaya ang resulta?Si baby.Kailangan ko
pa po bang sabihin ang union nung egg and
sperm cell?"Waaah wag naman sana.'Di ko
na maalala ang tungkol sa egg at sperm na
'yan.
["Takte ka inday,'wag na!Oo alam ko
na.Sige, e send ko nalang ang address na
pupuntahan mo bukas bye!"]
Hala,magtatanong pa nga ako e pinatay
na.Maya maya ay may na received na akong
text message.Tatawagan ko nga sana ang
number kaso wala na. Unattended na raw
sabi nung babaeng nakausap ko lagi hahaha
Halos lutang ako nang bumalik ako sa
sala,hindi ko lubos maisip na may misyon
ako huhuhu napahawak ako sa tiyan ko,baka
bukas ay wala na kami ni baby.
"Okey kalang?sino ang tumawag?" Concern
na tanong ni Jim.
"Wala,pamilya ko lang."Pilit na ngumingiti
ako sa kanila.Ayoko kasing ipakita na
nanganganib ang buhay namin ng anak
ko.Hindi ko alam kung ano ang pwedeng
mangyari bukas lalo na ngayong may
amnesia pa si Jim.
"Where are you going?" Maarteng tanong na
naman ni Isabel nang tumayo ako at
naglakad paakyat ng hagdan.Wow! Kada
galaw ko, binabantayan ng bruhang to.
"I will see the handkerchief because you
speak in tomatoe english.I cannot take it
anymore!My nose is blooding."Sabay talikod
sa kanila.Leche lang, sumasakit na nga ang
ulo ko,banatan pa nila ako ng english nilang
kinamatis.
![](https://img.wattpad.com/cover/323291987-288-k721767.jpg)
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Mystery / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...