41

691 25 0
                                    


BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

"Sweetheart?pasensya kana ha.h-hindi ko
kasi alam na sina mommy at daddy mo pala
yon.huhuhu k-kung alam ko lang edi sana
hindi na ako nagdisco at s-sumayaw ng
espaghetting pababa.". naiiyak na sabi
ko.pauwi na kami sa mansion pero
hanggang ngayon ay iyak pa din ako ng
iyak.sobrang naaawa ako sakanya.
Ang daming masamang nangyari sa amin.una
namatay ang mga magulang niya at ang
nanay ko din.minsan hindi ko na alam kung
safe paba kami o hindi na.masyadong
magulo na ang mundo.masyadong
maraming pilipino na nadadala sa mga bawal
na gamot.maraming gumagawa ng masama
dahil nasisilaw sa pera para may ipakain lang
sa pamilya.
"Wala kang kasalanan sweetheart and
thanks God kasi umalis ka dahil kung
nandon ka ay baka pati ikaw ay wala na din
at hindi ko nakilala". sumulyap sya sa akin at
ngumiti pero alam kong sa kaloob looban
ng puso nya ay andon ang lungkot at
pangungulila.
"Anong plano natin?" gusto kong tumulong
as in gustong gusto ko talagang tumulong
pero hindi ko alam kung paano.ako nga ito
ang dapat tulungan dahil nanganganib din
ang buhay namin.
"Wag kalang magpahalata na may alam kana
kahit kina manang o kay isabel
okey?" sumimangot ako ng marinig ko na
naman ang pangalan ng bruhang yon.
"Ang daya mo.si isabel ay alam samantalang
ako ay hindi?" nagtatampong sabi ko.ilang
araw o linggo akong tanga.si isabel ay alam
pala na wala syang amnesia ako lang ang
hindi.
"Haist!sweetheart naman masyado nang
obvious yon kapag lahat kayo ay
nakakaalam.isa pa kailangang may isang
hindi nakakaalam para mas
kumbinsido", sabi niya habang patuloy lang
sa pagdadrive.
"Ah basta!" Sabi ko nalang.traidor pala si
cedrick pero bakit hindi ko manlang
nahalata?gusto niya akong iligtas kasi
kailangan pa nila ako laban kay jim?pero
bakit iba ang kutob ko?hindi ko lang magets
e.leche!nakalimutan ko ang iniisip ko.malapit
na yon pero nawala. basta!pakiramdam ko
iba si cedrick.
Pagdating namin sa bahay ay nandito na
silang lahat sa sala nakaupo.
"Wahhh bev buhay ka.huhuhu" agad na
tumakbo ako at niyakap ang bff ko.
"Waaahh..manang ikaw din po.salamat
naman po at nakaligtas kayo huhuhu"
niyakap ko din si manang.napaiyak ako sa
sobrang tuwa dahil ligtas naman pala sila.
"Tsss.O.a mo parang nagkagulo lang e.wala
namang patayan don tanga!" nakasimangot
na sabi ni isabel.ang nag iisang kontrabida
sa buhay ko.
"Waaaah...isabel bakit buhay kapa.?
huhuhuhu" sabi ko na ikinasimangot pa
niya.sana namatay nalang ang babaeng
to.kumukulo talaga ang dugo ko sakanya.
"Bago ako mamatay mauna ka!" Naasar na
sagot nito sa akin.
"Ayy!!oo pala gaya gaya ka pala.uunahan na
kita magpapakasal kami ni sweetheart
ko.gagayahin mo na naman yan" proud na
sabi ko.pustahan magpapakasal din ang mga
to.wala talagang orginality.
"Kapal mo.ikaw lang ba ang babaeng
pwedeng makaisip ng ganyan?ikaw lang ba
ang may karapatang ikasal sa
simbahan?" salubong na din ang kilay
niya.ang ugat sa leeg ng bruha malapit ng
maputol hahaha.
"Oo ako lang.sa mayor lang kayo
magpapakasal hindi kayo pwede sa
simbahan dahil demonyo ka ang sungay mo
di kasya.AMBISYOSA.pag magkaanak ka
ipangalan mo si copypaste." Sabi ko
sakanya.gaya gaya kasi.lahat nalang ng
bagay ay ginagaya niya.
"Kapal ng mukha mo! Bat kita gagayahin?
wala ka namang taste" nandidiri na sabi
niya.
"May taste daw ako.". pagmamalaki ko.sya
nga tong walang taste e kapal ng mukha
para sabihin sa akin yan.
"At sino namang walang hiyang may sabi
sayo nyan?" nakataas ang kilay niya.nakikinig
lang sina bev sa amin.halatang nag eenjoy na
parang nanonood lang ng tv a.
"Si jim sabi niya masarap ako.diba jim?
aminin mo sweetheart lagi mong sinasabi sa
akin yon.walang hiya ka daw sabi ni isabel
suntukin mo nga jim." Baling ko
sakanya.totoo naman e.
"Tsss pwede ba wag nyo na akong idamay
dyan" naiinis na sabi niya.hala kanina lang
maayos pa kami ngayon kumakampi na
naman siya sa bruhang isabel na to.
"Hoy jim.Kapal ng mukha mo din aminin mo
na kasi na may taste ako.lagi mo ngang
sinasabi na ahh shit inday ang sarap mo ."
Naiinis ako sakanya.totoo naman na lagi
niyang sinasabi sa akin ang ganon.
Tumawa naman si john sa sinabi ko tapos
nakita ko si jim namula ang mukha.hala galit
ba sya?o nahihiya?anong masama sa sinabi
ko?
"Punta lang ako sa kwarto.sumasakit ang
ulo ko sainyo.isa pa pagod ako". tumayo ito
at umakyat na sa kwarto niya.hmmp!
mamaya pupuntahan ko naman yon.alam ko
namang pagod sya.hahaha.
Ayaw pa nga nya sanang mag ano kami don
sa hotel kanina kaso pinilit ko.aba hindi
pwede sa akin yon.hindi talaga ako lalabas
hanggat hindi kami nag aano.magwawala
talaga ako don kaya napilitan din.
Sina manang ay pumunta na din sa kusina
para maghanda ng hapunan namin.si isabel
at john ay umakyat na din sa kwarto kaya
mag isa nalang akong naiwan dito sa
sala.hmmp!makapanood nga ng tv.total may
cable naman kami kaya panigurado
maraming movie ngayon.
-----------
[Jim's Pov]
Sobrang napagod ako sa paglabas namin
kanina dahil sa kalokohan ni inday at isabel
ay napagkamalan pa kaming mga
artista.mabuti nalang dahil nakatakas kami.
Kinabahan ako nong mawala si inday sa
paningin ko.mabuti nalang dahil may
nagsabi sa akin na nasa labas na sya ng
mall.kahit saan kami magpunta ay may mga
nakabantay na sa amin.
Mga kasamahan ko din at mga
mapagkatiwalaang police.andyan lang sila sa
paligid na parang mga ordinaryong
tao.mahirap na baka ano pang mangyari sa
amin.alam ni cedrick na may bantay kami
dahil magkasama parin kami pero ang hindi
niya alam ay may mga idinagdag si john na
mga tauhan nila sa agency.
Mag aalas singko na ng magising ako dahil
sa sobrang pagod kaya bumaba na ako para
kumain.wala pa pala akong kinain mula
kanina.siguro naman ay nakahanda na sina
manang.
"Waaah ang galing naman.ang ganda talaga
nila noh?" tuwang tuwa na sabi ni inday
habang nanonood ng tv kasama si bev dito
sa sala.hindi ko nakita ang magkasintahan
siguro tulog pa o may ginagawa na naman
sa kwarto nila.pumunta ako sa kusina para
uminom ng tubig.
"Oo ganyan naman yan sila tapos mahilig
pang sumayaw lagi.lahat ata ng movies nila
ay hindi natatapos kapag walang
sayaw.." sagot naman ni bev.kumakain pa ang
dalawa ng green apple na binili ni
isabel.akala ko ba ayaw nito ng green apple.
'Oo ang ganda din ng mga damit nila ibat
ibang kulay." sabi ni inday habang
sinasawsaw pa sa asin na may suka ang
green apple.ang weird naman ng
mapapangasawa ko.
Tiningnan ko ang pinapanood nila.isang
indian movie na naman.
Ring
Ring
"Oy sayo ba yon bev?sagutin mo baka
tumatawag ang mga kaibigan mo". sabi ni
inday.ang lakas kasi ng ringtone ng cp ni
bev.
"Ahhh oo kaibigan ko nga wait lang
ha". wika niya nang tingnan kung sino ang
tumatawag.
"Sinong kaibigan mo?si Ana ba o si Lisa?"
Tanong ni inday na halatang nang uusisa
pa.psh!tsismosa talaga ng babaeng to.
"Ha?ah si ana"sagot ni bev at umalis na para
sagutin ang tawag.
"Andyan ka pala sweetheart halika nood
tayo". napansin na niya ako kaya naupo ako
dito sa tabi niya.ngayon na naman ay
arabian food na fatush Ang kinakain
niya.pipino at kamatis na may konting
lemon,mint at olive oil..
"Mabuti naman at mahilig kana dyan dahil
nakakabuti yan sa baby natin.hindi yong
puro chichiria ang kinakain mo" hindi
naman sa pagmamayabang pero sana sa akin
nalang magmana ang utak ng mga anak
namin.sa mukha ay sigurado akong
magaganda at gagwapo ang anak namin
pero sa utak ewan ko lang.
'Oo nga e.sabi kasi ni manang at bev dapat
puro gulay at prutas ang kinakain ko"
napangiti ako.nong bata pa ako ay lagi din
akong pinipilit ni yaya na kumain ng mga
gulay pero ayoko talaga.
"Sino ang tumawag kay bev?" tanong ko
sakanya.
"Ah yon ba?mga kaibigan nya kasi may mga
friends sya dito lagi nga syang tinatawagan
mabuti pa sya may mga kaibigan dito
samantalang ako ay wala". malungkot na sabi
niya.naaawa na rin ako sakanya.wala na
syang social life.
"Sige.sabihin mo kay bev papuntahin mo
ang mga friends niya dito para may
makausap naman kayong ibang
tao.nakapunta na ba ang kaibigan niya
dito?". tanong ko sakanya.
"Hindi pa.narinig ko lang kasi nong
tumawag sya ay Lagi kong naririnig na
kausap niya si Lisa at ana" gusto kong
matawa.sakanya kasi ay ako lang ang
tumatawag at si winston na yon.siguro
kapag matapos na ang problema namin ay
ipapasyal ko naman sya sa ibat ibang lugar
na gusto niyang mapuntahan.gusto ko
talagang makabawi sakanya at higit sa lahat
ay ibigay sa kanila ng mga anak namin ang
tahimik at masayang pamumuhay.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon