26

615 22 1
                                    


Bobo Pero Hot Na Killer Si Nday

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Nagising si inday na puro puti ang nasa paligid.
"Waaaahhh nasa langit na ako?anong nangyari?". .nagtataka niyang tanong sa sarili at pilit na inaalala ang nangyari.
"Huhuhu si jim?asan si jim?". tumayo siya mula sa kama at hinahanap ang kasintahan.
"Ayyyy maam wag po muna kayong bumangon". nag aalalang sabi ni bev ng pagpasok niya ay nakitang pilit na tinatanggal ni inday ang swero sa kamay niya.
"Huhuhu bev?si jim asan na sya????" bigla siyang kinabahan ng maalalang pa giwang giwang na ang sinasakyan nila pero bago sya mawalan ng malay ay alam niyang mababangga sila sa malaking puno.
"Okey naman po siya maam.inaalagaan na siya ngayon ng pinsan niyang si john". sabi ni bev sa kanya at tinawag pa ang nurse gamit ang buzzer sa kwarto.
"Naku maam magpahinga po muna kayo makakasama po sainyo ng baby mo na mapagod.hintayin po natin si doc parating na po sya." .inalalayan siya ng nurse para mahiga ulit.
"Huh?b-baby?" nagtatakang tanong niya sa nurse.
"Opo maam baby po.buntis po kayo mag dadalawang buwan na po!". nakangiting balita sakanya ng nurse.tapos iniwan na sila ni bev sa kwarto.
"B-buntis ako?hala bev paano nangyaring buntis ako?". nagtataka niyang tanong sa katulong.
"Malay ko po maam malamang nagtalik kayo ni sir diba?". ..gusto na talaga niyang barahin ang amo kaso medyo nahihiya pa siya.
"Ayyy ganon ba???oo nga pala.hala bev buntis ako.huhuhu" ...todo emote niya habang hinahawakan ang tiyan.malaki ang pasalamat niya dahil kahit papano ay walang nangyaring masama sa batang nasa sinapupunan niya.
"Bev?si jim.kailangan kong puntahan si jim.kailangan niyang malaman to". masayang sabi niya dito.
"Hindi po pwede maam e kahit kami ay pinagbawalan ni john at ng mga doctor.inoperahan daw si sir sa ulo pero wag po kayong mag alala ligtas na po siya hinihintay lang na magising". pagbibigay niya ng assurance sa amo.ayaw kasi niyang mag alala ito.
"Gusto kong pumunta para makita siya.gusto kong malaman kung okey lang sya". nag aalala niyang pakiusap kay bev.
"Okey lang siya maam magpalakas ka muna para sa baby ninyo.naku magagalit si sir kapag may mangyaring masama dyan sa batang dinadala mo!". paalala sakanya ng katulong.bigla naman siyang natauhan kaya hindi na siya nagpumilit pa.
Si john ang nag aalaga kay jim dahil wala na din naman itong ibang pamilya.ang kaibigang si cedrick ay paminsan minsan dinadalaw din ang binata pero hindi ito naglalagi sa hospital dahil siya ang nag aasikaso ng mga naiwan ni jim sa headquarter nila.
Pagkatapos ng dalawang araw ay pinalabas na si inday dahil wala naman itong sakit at konting galos lang ang natamo.mabuti nalang dahil may airbag at naka seatbelt siya.
Si jim ang medyo napuruhan dahil bago sila nabangga ay niyakap niya ang kasintahang si inday para mas hindi ito masaktan.
"Bev maganda na ba ako?" tanong niya sa katulong.isang floral dress na lampas hanggang tuhod ang suot niyang damit.isang linggo na siyang nakalabas at ngayon na din ang uwi ni jim galing sa hospital.
"Oo naman maam sobrang ganda mo". may paghanga na sabi ni bev habang tinitingnan ang excited na amo.
"Salamat.kaya nga bestfriends na tayo e". todo ngiti niya kay bev.
Maya maya pa ay may sasakyan na na tumigil sa bahay nila.excited na sinalubong niya si jim.nagulat pa siya na naka abre syete si isabel sa binata.
'Sweetheart ano ang ginagawa ng babaeng yan dito?". naiinis na sabi niya kay jim.bigla nalang nag init ang ulo niya ng makita na naman si isabel.
"Dito sya sa bahay titira" casual na sagot ng binata kay inday.nakangisi naman si isabel sakanya
"Hindi pwede jim.bakit naman sya dito titira?e malandi yan e baka ahasin kalang niya sa akin"
napipikon na sabi niya dito.
"Excuse me?baka nakalimutan mo ikaw ang nang ahas noon.kung hindi dahil sayo ay hindi sana kami naghiwalay ni jim noon!". galit din na sagot ni isabel kay inday.
"Aba isabel ang kapal ng mukha mo.hindi ko na problema yon kung bakit niya ako pinatulan e kita naman ang ebidensya mas HOT ako kesa sayo". pagmamalaki niyang sabi.
Si john ay napataas lang ang kilay sa kanila at si jim naman ay nagugulahan sa mga nangyayari.
"Naghiwalay ba tayo isabel noon?totoo bang niloko kita?". tanong ni jim kay isabel tapos lumapit sa dalaga.
"Oo babes ng dahil sa babaeng yan inagaw ka niya sa akin" .halos maiyak na sumbong nito sa binata.
"Nagawa ko yon?sorry talaga isabel" naaawang sabi nito kay isabel.
"Jim ano ba? ako na ang girlfriend mo at hindi mo na kasintahan ang malanding yan!". galit na sabi ni inday.
"Ha?sino ka?". .nagtatakang tanong nito kay inday na halos hindi siya nito kakilala.
'Di mo ako kilala?wag mong sabihin na may malisya ka!?" ..halos pasigaw na sabi nito.
"Anong malisya?bobo ka talaga.amnesia". sabi ni isabel.
"Di ako bobo.bingi kalang talaga.sabi ko amnesia.boba ka!". sagot din ni inday.
"Duh!malisya kaya sabi mo!". giit din ni isabel.
"Amnesia kaya.diba bev?amnesia ang sabi ko?". pinandilatan ni inday si bev na sinasabing sumunod ka nalang.
"Ahhhh opo maam amnesia po ang sabi mo!". pagpapabola ni bev.
"Sige bev kampihan mo pa yan dahil dalawa na talaga kayo ang palalayasin ko sa pamamahay na to!". natahimik naman si bev sa sinabi ni isabel.
"Teka lang naguguluhan ako.paano kita naging girlfriend e si isabel ang girlfriend ko mula noong high school pa ako at paaano tayo nagkakilala?" .sumasakit ang ulo ni jim sa mga nangyari.hindi niya maisip na niloko niya si isabel.matagal na niyang mahal at girlfriend ang babae tapos ngayon ay may nagki claim na bagong girlfriend daw niya.
"Basta ako ang girlfriend mo at isa pa kailangan mong panagutan ang anak ko dahil ikaw ang ama!". .halos maiyak na si inday. masakit isipin na hindi siya naalala ng kasintahan.
"Paano nangyari yon?bakit hindi kita maalala?" ...frustrated na tanong ni jim dahil kahit anong pilit niya ay wala siyang matandaan tungkol kay inday.
"May selective amnesia ka insan.yong past lang ang maalala mo!" .sabat ni john sa kanila.
"Ibig sabihin niloko ko isabel?ghad I'm sorry babes.". sobrang sising sisi siya sa ginawa nya dito.
"Okey lang jim.naintindihan kita lalaki ka at mahina sa tukso kaya wala sa akin yon.ang importante ay okey na tayo". nakangiting sabi niya kay jim.
"SIGE MAGSAMA KAYO!" galit na sabi ni inday at tinalikuran sila.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni john ng palabas na siya ng main door.
"Uuwi sa probinsya at magtanim ng kamote sa bukid para pag magkaanak ako may ipapakain ako sakanya!". galit na sagot niya.
"Wag!!!diba sabi mo anak ko yan?kaya hanggat hindi mo yan naisilang ay dito kalang at wag na wag kang umalis!". walang ka buhay buhay na sabi ni jim tapos umakyat na sa taas kasama si isabel.
"Wag kayong umalis maam.ganon mo nalang ba isuko si sir?" pangungumbinse ni bev sakanya na agad naman siyang natauhan.
"Oo tama ka bev di ako uurong.babalik din sa akin si jim isinusumpa ko gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako uli!" Determinadong sabi niya.
"Hahaha wag mong gawin ang lahat inday kusa nalang babalik yon.isa pa gusto ni jim ang mga bobo at tangang babae". .nakangising sabi ni john.
"Huh?gusto niya yon?edi kailangan ko pala na magpaka tanga at magpakabobo?". napaisip si inday kung paano niya gagawin yon.parang ang hirap naman ata sakanya ang ganon.
"Wag ka ng mag isip pa dyan.dahil effortless na yon sayo inday!". mukhang nabasa ni john ang nasa isip niya.
"Maka effortless ka naman sa akin.ang hirap kaya magpaka bobo" nakasimangot na sabi niya tapos pabagsak na umupo sa sofa.
"Sus anong mahirap don?e likas na sayo ang pagkabobo" asar pa ni john na ikinataas ng kilay ni inday.
"Ang sama mo john.talent ko kaya yon wag kang ano!". kinuha niya ang cushion at itinapon kay john pero nakailag ito.
"Hahaha kung ako sayo sundan mo na don ang tatay niyang anak mo baka nagtatalik na ang dalawang yon!" .utos ni john.nanlaki naman ang mga mata ni inday.
"Waaaahhhh HINDI PWEDE!!!OVER MY DIED BODY!!!!" .galit na sabi niya sabay takbo paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni jim

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon