19

664 22 3
                                    


Bobo pero Hot na Killer si Nday
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 19
"Takbooo...bwahahaha". takbo parin ako ng
takbo.pero sige lang sa pag iyak..huhuhu
wala na si nanay..kung kelan okey na kami
saka pa sya pinatay...
Nakakatakot kasi ang dilim na dito wala
pang tao..medyo probinsya na kasi itong
lugar nila...
Wala pang masyadong sasakyan na
dumadaan.
"Kuya tama na pagod na ko sa kakatakbo
huhuhu" sabi ko.e kanina pa kasi ako
tumatakbo to naman parang hindi
napapagod sa kakahabol sa akin...
Mabuti nalang dahil naka pantalon at
sapatos ako.
Takbo ako ng takbo.paliko na sana ako sa
intersection kaya lang ay nadapa ako..hindi
ko kasi napansin ang malaking bato sa daan
dahil hilam na ng luha ang mga mata ko.
Ang dilim dilim pa ng daanan.
Nakita kong malapit na siya sa akin kaya
gumagapang nalang ako dito sa gilid ng
kalsada para dumistansya sakanya.
Hindi ko na kayang tumayo dahil nabalian
ata ako tapos pagod na rin ang katawan at
isip ko.naisip ko na katapusan ko na siguro.
"Hahaha.sasama kana don sa nanay
mo.sumunod kana don". nakangisi niyang
sabi habang papalapit.
"Ikaw na po ang bahala sakin kuya
huhuhu.." wala e.bahala na edi mamatay na
kung mamatay ng makasunod na ako kay
nanay at tatay..
"Ang galing mo din noh?napatay mo ang
lahat ng kasamahan ko.pero malas mo dahil
ako ang papatay sayo". nakangisi niyang sabi
bitbit parin niya ang sundang....
Nakita ko na may mga bato dito sa gilid ng
kalsada.diba kapag sa gilid ng daan ay may
mga nakalinyang bato na parang kamao
kalaki?
Kinuha ko at malakas na ibinato sakanya.
"Hahaha maganda ka sana duling nga
lang". tawa siya ng tawa leche lang hindi ko
siya matamaan.
"Salamat po kuya.alam ko po maganda po
talaga ako mana sa nanay ko". proud naman
ako dyan..
"Hahaha...maganda nanay mo kaso
magdalena nga lang" sige parin siya sa
paglapit sa akin.
"Grabe ka naman.naging kalaguyo mo
nanay ko hindi mo kilala?hindi si magdalena
ang nanay ko si pilita po siya kuya pilita
cruz". sagot ko sakanya.talagang hindi niya
minahal ang nanay ko dahil kahit pangalan
ay hindi niya matandaan.patuloy lang ako sa
pagbato sakanya pero hindi ko talaga siya
matamaan
"Putang ina!ganda lang pala ang meron
ka!!!...ang sabi ko isang babaeng bayaran
lang ang nanay mo.". ..napipikon na sabi
niya.
"Kuya.may nakalimutan pa po kayo.may
katawan din po ako..duh!ang hot ko kaya!
isa pa kahit bayaran lang ang nanay ko nag
enjoy ka naman". ..makapanlait to sa nanay
ko parang ang gwapo niya a..e parang
langka ang mukha sa dami ng pimples niya
tapos ang haba pa ng baba.
"Wag kang mag alala mag eenjoy ka din
ngayon.putang ina!!!lintik na bato to". sabi
niya ng madapa siya.at tumilapon ang
sundang..
Nadapa din kasi siya don sa malaking bato
na nadapaan ko kanina..
hawak niya ang paa niya at namimilipit sa
sakit.pero nakatayo siya at dinampot uli ang
sundang
Vrooom
Vrooom
Vrooom
Vrooom
"Aaaaaah"... sobrang bilis ng
pangyayari..paliko na kasi ang daanan dito
at biglang sumulpot ang isang motor na
sobrang bilis na parang may
humahabol..yong nagdadrive ay naka helmet
at nakajacket.yong parang sa
snatcher...tapos nasagasaan niya si kuya.ang
sundang ay dito talaga sa harap ko
tumilapon.
"Tang ina hoy bumalik ka gago". ..sigaw niya
don sa driver.hindi na siya makatayo dahil
sobrang dami ng galos sa katawan niya..ang
motor naman ay wala na sa paningin namin
parang hinahabol ata.
Beeeeeeeeeeeeeep
Beeeeeeeeeeeeep
Paparating ang sobrang bilis na truck.busina
lang dahil walang ilaw kaya hindi niya makita
kung may tao sa kalsada
"Argh!!!tulungan mo ako.". sabi ni kuya na
pilit tumatayo o gumapang.
"Ha?ah opo opo kuya...". agad na tumayo
ako sobrang lapit na kasi ng truck sa amin...
"Bilisan mo putang ina ayoko pang
mamatay!". galit na sabi niya...siya na nga
ang humihingi ng tulong tapos siya pa ang
galit..
Pagtayo ko ay sa kasamaang palad natumba
ako dahil sa bato na nasa harap ko.
"Shiiiit!!!". malakas na pagmumura ni kuya.
"Waaaahhh!!!!!". napasigaw ako ng may
tumalsik sa akin na kulay puti at mga
dugo...nanginginig ako sa takot dahil
pagtingin ko ay wala na si kuya...
i mean ang ibang bahagi ng katawan niya ay
nandon na sa dulo tapos ang ulo niya ay
durog na wala ng mga laman.natapon sa
damit ko at mukha ko....ang langsa
langsa....
We wew wew wew
(hahaha basta serena ng patrol car...toinkz)
"Hoy babae.anong ginawa mo?" tanong ng
police sa akin.
"Tang ina bilisan mo pre nakatakas na ang
snatcher.nawala na ang hinahabol nating
motor". sabi ng police na medyo mataba.
"Gago kita mo may aksidente
oh!.nasagasaan...tang ina.ito ata ang
pumatay don sa babaeng malapit lang dito
bago lang ah". sabi ng payat na police
dalawa kasi sila.
"Hindi po ako kuya huhuhu siya po.ang
pumatay itong nasagasaan po". nanginginig
na sabi ko..nandidiri kasi ako sa dugo at
laman o utak ni kuya na tumilapon sa
akin.ang langsa langsa talaga kaya di ko na
napigilan pang sumuka.
"E radyo mo na don sa kasamahan natin na
nahuli natin ang suspek!babae pala at ang
ganda pa!". utos nito sa kaibigan niya..
"Huhuhu hindi po ako ang pumatay kuya
dahil nanay ko po yon.promise po!". sabi ko
sa kanila...
"Naku lumang tugtugin na yan.halikana sa
presinto at magbihis ka muna..puta buddy
pa bihisan muna natin to at paliguan
mamaya ang langsa niya e.". ...tapos
pinusasan na nila ako at isinakay sa patrol
car.
[Fastforward]
Kakarating ko lang dito sa bahay ni sir
jim.dalawang araw din akong namalagi sa
presinto.ang sabi nila nailibing na daw si
nanay dahil wala namang nagkiclaim na
pamilya.sabi ko sa kanila ako nga dahil nanay
ko yon ayaw naman nilang maniwala sa akin.
Pinalaya nila ako dahil sikat na sindikato si
rolando.kasama pala niya ang nanay ko sa
pagtitinda ng bawal na gamot don sa
club...ang dami ding shabu na nakuha sa
bahay na yon.
Tumawag nga si sir winston sa akin ekinong
gratulate ako..nahiya naman ako magsabi ng
thank you dahil hindi naman talaga ako ang
pumatay don e.
"Oh!ba't umuwi kapa?akala ko patay
kana". nakapa mewang na sabi ng bruhang si
isabel pagkapasok ko pa lang.
"Mas mauna ka munang mamatay at wag
mo akong bwesitin badtrip ako!". sagot ko
at dumiretso sa kusina.gutom na gutom na
kasi ako.puro sardinas at tuyo ang
pinapakain nila sa akin.
"Duh!!!!gaga ka talaga lumayas kana
nga!" talagang sinundan pa ako dito.
"Ikaw ang lumayas pinipilit mo pa sarili mo
kay sir e di ka naman mahal". wala sa mood
na sabi ko.
"Mas may karapatan ako kesa sayo dahil
magiging asawa ko siya". kampanteng sabi
niya.
"Hindi na...matapos ka niyang mahuli na
nakipagtalik kay john nong isang araw ay
nagbago na ang isip non". nanlaki ang mga
mata ng bruha.hahaha...alam ko kaya
yon.bago kasi ako pumasok sa kwarto ay
narinig ko din yon tapos lalabas sana ako uli
kaso nakita ko na si sir sa labas.
"Ohhh ano ka ngayon?kung ako sayo wag
mo ng hintayin na palayasin ka niya.simulan
mo ng mag impake.". tapos naupo ako sa
silya..hanggang ngayon namamaga parin ang
paa ko.
"Ouch my foots". sabi ko at ipinatong sa
isang upuan na nasa harap ko at hinilot ang
dalawang paa.
"Duh!!!!anong foots..feet kaya". ..nakatirik
pa ang mga mata ng bruha..
"Leche ka isabel.edi feet..ang sakit na nga
ng dalawang feets ko e". sagot ko..
"Haist bobo ka talaga kahit kailan".
Napipikon na sabi niya.
"Tang ina mo isabel ano ba talaga feet o
foot?". naguguluhan na ako sakanya e.
"Ewan ko...wala ka talagang
utak!"tumalikod na siya at umakyat sa
hagdan
"Edi ikaw na ang matalino....mag empake
kana!". pahabol ko sakanya.tapos hinilot uli
ang paa ko.namamaga na ata e.
bobo pala to e.
pag isa lang foot o feet pag dalawa foots o
feets yan kaya ang turo ng teacher
namin...elementary palang mahigpit na
itinuro na yan sa amin na kapag higit sa isa
ay dapat may "s" sa dulo..
.o baka naman foot pag past tense tapos
feet pag present tense????ahhh tama baka
yon nga ang tinutukoy niya..daming
arte.."paa" nalang para walang problema..
"Haay maam mabuti naman po at nakauwi
na kayo.saan po kayo galing?saan na po si
sir?". tanong ni bev sa akin...
"Ha?wala ba dito si sir jim?". sagot ko kay
bev.
"Wala po e...dalawang araw na nga po.akala
nga namin ay magkasama kayo". naupo siya
sa tabi ko at binigyan ako ng juice.
"Ahhh di ko din alam bev e...pumunta kasi
ako kay nanay ko sa bulacan". gusto kong
umiyak ng maalala ko ang nangyari kay
nanay kaso ayoko ng ipaalam pa sa kanila
ang tungkol sa nangyari kay nanay...
"Ahhhh ganon ba!oh bakit mukhang nag
away naman kayo ni maam isabel naku
nong isang araw pa yan nagmamaktol dahil
hindi makontak si sir tapos wala kapa.iniisip
niya na nagtanan na kayo
hahaha.." natatawang sabi niya.
"Inaway na naman ako alam mo na ang
ugali ng bruhang yon.". sumbong ko kay
bev..close kami e...hahaha mabuti na rin at
may kakampi ako dito sa bahay.
"Hahaha.ganyan dapat lumaban ka..wag
paapi.sus halata naman na ikaw ang gusto
ni sir e"... tukso pa niya sa akin.
"Naku bev salamat.ilang taon kana pala
dito?". tanong ko sakanya.
"Mag iisang taon palang.mula kasi nong
tumigil ako sa pag aaral ay dito na ako
tumuloy ang laki din kasi magpasahod ni sir
at ang bait pa". masaya niyang sabi sa akin
at nagkwentuhan lang kami buong
araw...hinilot din niya ang dalawang "paa"
ko

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon