33

660 23 0
                                    

BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

[Third person's pov]

"Sweetheart?,usap tayo"mahinang bulong ni
inday kay jim habang nasa kwarto sila.
"Nag uusap na tayo.pwede ba inday wag
kang bumulong.tayong dalawa lang naman
ang nandito e" nakasalubong na ang kilay ni
jim habang minamasdan ang dalaga.paano
kasi kakatapos lng nilang magbreakfast e
sinundan na agad sya dito ni inday.
"To naman baka may makarinig.syempre
malay mo may tao sa labas at nakikinig lang
diba?" Lumapit pa sya sa tainga ng kausap
para ibulong.
"Tsk!pwede ba inday?puro ka
kalokohan,ayusin mo nga yan.gawain mo
yan na makinig sa usapan ng iba kaya
napapraning kana"natigilan sya sa sinabi ni
jim.tama naman kasi ito.mula ng malaman
niya kahapon ang sekreto nina john at
bianca ay halos hindi na sya makagalaw ng
maayos.
"To naman halika nga!". tapos hinila nito si
jim papunta sa cr
"Oh?tatae kaba o iihi?ba't mo pa ako
isinama dito?" Naiinis na sabi nito kay inday
ng inilocked din ang Cr.
"Di a.para dito na tayo mag usap.para
walang sagabal at di nila tayo marinig."
Bulong na naman niya.
"Utang na loob wag kang bumulong.naka
locked na nga ang pinto sa labas pati dito
sa CR inilocked mo din tapos bubulong
kapa?ano ang problema
mo?". pagsisinuplado nito.
"Ahm..jim k-kwan.si john kasi" paano ba
niya sasabihin ang totoo sa
lalaki.nahihirapan kasi siyang mag
explain.baka hindi sya nito paniwalaan.
"Oh ano na naman ang tungkol kay
john?". naiinip na tanong ni jim.ang dami
kasing lugar na pwede silang mag usap dito
pa sya dinala sa cr .
"Wag kang mabigla sweetheart ha.pero
yong gamot na pinapainom sayo ni
john.hindi yon totoo.hindi ka gagaling
don". pangungumbinse ni inday kay jim.
"Anong ibig mong sahihin?anong hindi
totoo inday?paano mo nalaman?"
Nagtataka niyang tanong.nakikita kasi niya
sa mukha ng dalaga na seryoso talaga ito at
mukhang takot na takot pa.
"Narinig ko kasi kahapon e.iba daw jim ang
pinapainum sa---waaa...sweetheart
sandali...". tawag niya dito ng lumabas si jim
sa cr.
"Jim?nag uusap pa tayo e" sabi niya habang
nakasunod sa likuran ng binata.
"Pwede ba?give me some space.wala ka na
ba talagang gawin kundi ang bwesitin ako?
utang na loob pagpahingain mo din ang
utak ko". galit na sabi ni jim.kung hindi lang
ito buntis ay malamang sinigawan na naman
niya ito.
"P-pero sweetheart totoo talaga ang
sinasabi ko.peksman!" Sabay taas pa ng
kanang kamay bilang tanda ng promise.
"Pumunta kana sa kwarto mo para
magpahinga o di kaya kausapin mo ng
kausapin si bev at manang ng malibang ka
naman" naupo na ito sa kama tapos
binuksan ang tv.
"Ba't ba ayaw mong maniwala jim ha?"
Konti nalang din ay sisigawan niya ito.
"Dahil napaka impossible niyang iniisip mo
at pakiusap wag mong sasabihin kina
manang at bev yang sinasabi
mo.nakakahiya!!!magpamilya kami hindi
niya yan magagawa". sa sobrang inis ay
kinuha ni inday ang remote at pinatay ang
tv.
.
"E gago ka pala jim e.ako na nga tong
nagsasabi ng totoo.isa pa bobo kaba???
hindi ko yon iniisip kundi narinig ko
.AS IN NARINIG KO...ako na nga tong
nagmamalasakit sayo e". sabay tapon ng
remote control sa wall kaya nawasak at
nagkakahiwalay ang mga parts ng remote.

"Psh!" hindi na nagsalita pa si jim at
halatang may malalim na iniisip.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala.basta
ako TOTOO ang sinasabi ko at papatunayan
ko yan sayo" nag gagalaiti na sa galit si
inday at lumabas sa kwarto ni jim.
"San ka galing inday?". pag usisa ni john ng
makasalubong niya.
"Sa tiyan ng nanay ko!!". wala sya sa mood
para makipag plastikan dito.
"Hahahah kaw talaga inday mahilig sa old
jokes". napailing nalang si john sa inasal nito.
Hindi pa naman kasi siya sinupalpal ng
dalaga.ngayon lang.naisip niya na baka nag
away na naman sila ng pinsan niya kaya
hinayaan niya nalang.
-------
"Oh anong ginagawa mo dito cedrick?" Pag
usisa ni john sa bisitang kakapasok lang.sa
una palang ay mabigat na talaga ang dugo
niya sa bestfriend ng pinsan niya.mula kasi
noon ay ito ang laging kasama ni jim.
"Binibisita ang bestfriend ko.bakit may
masama ba john?" Nakipagtitigan din sya sa
lalaki.
"Wala naman.napapansin ko kasi na
nagiging madalas na ang pagbisita mo dito
sa mansion?" Nakangising sabi ni john.
"Okey lang naman siguro yon dahil alam
mo naman na parang kapatid na ang
turingan namin ni jim sa isa't isa.dahil
mahaba na ang pinagsamahan namin mula
pa noon diba?". nakangisi ding sagot ni
cedrick.
"E ikaw john?diba may mansion ka?ba't
dito kapa sa bahay ni jim?". pag uusisa din ni
cedrick.
"Ako nalang ang natitirang pamilya
niya.kaya dapat lang na alagaan ko
sya". ilang segundo na silang nagtitigan.
"Okey!kakamustahin ko lang si jim tapos
uuwi din ako" si cedrick na din ang unang
sumuko.hindi niya kaya ang ka preskuhan ng
pinsan ni jim.
"Okey!!!" tapos lumabas na si john at kinuha
ang ducati niya,may importante pa kasi
itong pupuntahan.
"Hi cedrick!mabuti naman napadalaw ka"
masayang sabi ni inday.alam naman kasi niya
na mabait ito.sila lang kasi nina bev ang
kakampi niya sa pamamahay na ito.kahit nga
si jim ay ayaw na maniwala sakanya.
"Oo naman.ayy inday mga prutas pala para
sayo.kumain ka ng marami para maging
healthy kayo ni baby" sabay abot dito ng
dalang iba't ibang prutas.may
apple,orange,mangga at grapes.
"Wow!salamat cedrick ha.ang bait mo
talaga.mabuti kapa naalala na bilhan ako ng
mga prutas" masayang sabi niya habang pa
isa isa na tinitingnan ang laman ng plastic.
"Oh cedrick napadalaw ka tol?" si jim na
kakababa lang.
"binibisita lang kita.". nakapamulsa na sagot
nito.
"Excuse me lang.dalhin ko lang to sa kusina
cedrick" paalam ni inday na pinandilatan
muna si jim bago umalis.
"Tara sa terrace". aya ni jim.mabuti kasi don
dahil medyo presko ang hangin.
"Pare,hanggang ngayon ay wala kapa
talagang maalala?..jim naman muntik ng
mamatay si inday kahapon" kakaupo lang
nila at inusisa na niya agad.hindi pwedeng
tumagal pa na ganito ang bestfriend niya.
"Cedrick naman pwede ba wag nalang
nating madaliin ang bagay bagay.at ano
ang nangyari kay inday?" Nagtatakang
tanong niya.
"Kahapon jim,muntik na syang mamatay
dahil ipinain na naman siya ni winston
mabuti nalang dahil nakita ko sya". pag
eexplain niya dito.
"Nagiging pareho na ata ang utak nyo ni
inday cedrick kung ano ano ang
pinagsasabi.nandito lang si inday.nag lakad
lakad lang sa labas kahapon". tumahimik
nalang si cedrick.mukhang malala na nga
ang utak ng bestfriend niya.
"Excuse me po sir may tawag po
kayo.galing daw po sa opisina nyo" pag
iestorbo ni bev sa kanila.
"Excuse me lang tol.sagutin ko lang ang
tawag". paalam ni jim at pumunta na sa
sitting room.andon kasi ang telepono nila.
"Hi cedrick.salamat uli sa prutas na dinala
mo.gusto ko yong mangga
matamis".. masayang sabi ni inday.sumunod
na din pala ito sa kanila matapos ilagay sa
mesa ang mga prutas.
"Oo bagong pitas lang yon.may kaibigan
kasi kami ni jim na galing sa guimaras kaya
may pasalubong na mga mangga". ang
tinutukoy niya ay ang kasamahan nila na
pulis sa headquarter.may plantation kasi sila
ng mangga sa guimaras.
'Ayyy oo malapit lang yan sa amin.masarap
talaga ang mangga don dahil walang mga
klinikal"naupo na din ito sa tabi niya.
"Ahhh chemical yon". pagtatama ni jim.
"Basta ganon.maiba tayo cedrick.salamat
pala sa tulong mo kahapon ha.kung hindi
dahil sayo siguro patay na kami ni baby
ngayon" taos pusong pasasalamat ni inday.
"Wala yon.napadaan lang talaga ako at
saktong nakita kita". nakangiti niyang
sabi.pagdating kasi niya ay nakita niyang
tumatakbo ito palabas sa bodega na yon.
"Sus kunwari kapa.paano mo natutunan ang
ganon?.galing mo napatay mo silang lima
ng hindi ka manlang nakita". manghang sabi
nito.
"Huh?anong sinasabi mo?sinong pinatay?"
Nagtataka niyang tanong.nabalitaan niya ang
nangyari at inakala niya na baka swerte na
naman ni inday dahil nang mag imbestigahan
ang mga police ay malinis naman ang crime
scene at ang nakita lang nila don ay ang
limang bangkay ng mga colombian at ang
mga shabu na ididistribute sa mga drug
lords.
"Diba ikaw ang nagligtas sa akin?sa loob ng
bodega?" Tanong niya dito.
"Huh?ano ba ang nangyari sa loob ng
bodega?" nagtatakang tanong ni cedrick.
"Ahh wala.kasi diba paglabas ko ay sakto
namang dumating ka..oo tama yon nga
salamat cedrick ha". pilit na ngumiti si inday
sa binata
"Ah yon lang ba?wala yon inday" .sa isip ni
cedrick na nahihiya lang itong umamin
sakanya.ayaw na din niyang magtanong
kung bakit nandon si inday dahil baka
magtanong din ito sakanya ng kung ano
ano.
tumahimik si inday at napaisip.ayaw na
niyang malaman ni cedrick kung ano talaga
ang totoong nangyari bago ito dumating.
"Kung hindi sya ang tumulong at nagligtas
sa akin.sino?". bulong ni inday sa sarili.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon