44

678 29 0
                                    

BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 44

[Third Person's pov]

Nagising si inday na nakaupo sa tabi niya si
isabel.kanina kasi ay pinatulog sila ni bev
dahil sa sobrang ingay sa van.
"Buti naman at nagising kapa".nakasimangot
na sabi ni isabel habang nakaupo sa gilid
niya.nakahiga kasi siya sa kama na gawa sa
kawayan.yon lang ang tanging gamit sa
malaking bodega na 'yon.ang iba ay mga
maliliit na table na at upuan.
May mga naglalaro ng baraha habang
naninigarilyo.ang iba naman ay nakatayo
lang habang hawak ang mahahaba at de
kalibreng mga baril.
"Kapal mo!oy ang dami naman nating
bisita.hehehe tara na uwi na tayo".wika ni
inday.tumayo ito at naglakad patungo sa
pinto pero napatigil sya nang gumalaw ang
ibang lalaki na nakatayo at nakatutok ang
baril sakanya.
"Ahehehe.uwi na po ako mga kuya.hinahanap
na po ako ng asawa ko".napakagat sya sa
ibabang labi nang marealize na seryoso ang
mga mukha ng mga ito.sa tantya niya ay
mag aalas tres na ng umaga.
May narinig na kasi siyang pagtilaok ng
manok at mga huni ng ibon at kuliglig.
Maliwanag naman ang paligid dahil may mga
ilaw naman sa loob ng bodega.
"Maupo ka nga.baka nakalimutan mo na
kidnap tayo".pag paalala ni isabel.
"Nakakainis ka isabel.di ba pwedeng magpa
pretend?malay mo baka nakalimutan nila
diba?".naiinis na sabi ni inday at naupo uli sa
tabi ni isabel.
Hindi na sya umimik.ang iingay na din ng
mga naglalaro sa mesa.ang iba ay pinoy at
ang iba ay mga arabo.may tatlong
mahahabang mesa sa gilid.ang sa kanang
mesa ay mga baril.ang sa gitna ay shabu na
nererepack ng iba.ang sa kaliwa naman ay
mga pinapatuyo na dahon ng marijuana.
"K-kuya!".kinalabit ni inday ang lalaki na
nakatayo sa gilid nila ni isabel.ginagawa
nitong tungkod ang shotgun para hindi
makatulog dahil inaantok na.
"Ano po yon?".magalang na tanong ng
lalaki.medyo matanda lang ito kay inday na
sa tingin niya ay nasa 25 anyos lang.
"Pumuputok po ba yan?"inosente niyang
tanong at ininguso ang hawak na shotgun.
"Oo".magalang na sagot parin ng lalaki.
"Wee?iputok mo nga?araay!!!gaga ka talaga
isabel ba't nananapak ka?".galit na sabi ni
inday.ang sakit kasi nang pagkakabatok ni
isabel sakanya.
"Baril nga yan diba?malamang
pumuputok.tumahimik ka na nga
dyan.napapahamak na ako sayo
e".nakasalubong na ang kilay nito.
"Tsss.arte neto.malay ko ba baka laruan lang
e.malay mo nasa shooting lang pala tayo ng
probinsyano.".napataas ang kilay ni isabel sa
sinabi ng dalaga.
"Ewan ko sa'yo inday, little nanay ang
pinapanood ko."mas lalong naningkit ang
kilay ni isabel nang makitang pumasok si bev
at cedrick.
"Oy bev,wala kang kwentang kaibigan
traidor!!!..".galit na sabi ni inday.susugurin
na sana niya ito pero pinigilan sya ng
dalawang bantay.
"Tumahimik kang boba ka!pasalamat ka at
buhay kapa, ako na talaga ang papatay sayo
ngayon!".nanlilisik ang mga mata ni bev sa
galit at kinuha ang baril na hawak ng isang
tauhan nila.
"Shit!bev ano ba?relax!".mabuti nalang
naagaw agad ni cedrick ang baril bago pa
niya ipaputok ito.
"Magbabayad ka!!!.mamamatay tao ka!"
Sinugod na ni bev si inday.dahil sa galit ay
gumanti din si inday sa pakipagsabunutan
dito.
"Magbabayad ka!pinatay mo ang tatay ko!
matagal na kitang gustong patayin!.mana ka
sa nanay mong walang hiya.nangbibenta ng
laman".nang gigigil na sabi ni bev habang
naghihilaan sila ng buhok.

Tatay ni bev ang lalaki na naging kalaguyo
ng nanay ni inday noon.ang lalaking
nabundol ng motor at sinagasaan nina
jim.matagal na silang involve sa
sindikato.bata palang si bev ay lumaki na
sya sa saudi.doon din sya tinitraining ng
papa niya dahil member ito ng terorista sa
buong mundo.
"Hala.akala mo lang ako ang pumatay pero
HINDI HINDI HINDI!.wala akong pinatay
tanong mo pa sa tatay mo don sa
hukay!!!!..".galit na sagot ni inday.sinipa din
nya si bev.kahit sanay si bev sa training ay
hindi ito makakagalaw dahil sanay din si
inday sa sabunutang pangkalye.hinding hindi
din ito papatalo.
Si isabel naman ay tumayo na din at
sinabunutan din si bev dahil sa sobrang
galit.
"Pareho kayo ng nanay mo,hayuk sa
laman,maraming lalaki at malandi.isusunod
na kita sakanya".nanggigigil na wika ni
bev.habang patuloy din ang paghila sa
buhok ni inday.
"You can call me anything you want,but
never ever say anything about my mom,she
does'nt deserve it..GAGA KA!!".medyo
natigilan si isabel at bev sa nasabi ni
inday.ngayon lang kasi tumama ang english
nito.
"Oh ano?marunong ako mag english.wag
kayong ano!".pagmamayabang ni inday.ang
totoo niyan ay matagal na niyang kabisado
ang linyang yan.yan kasi ang nakita niya sa
facebook na sagot ni liza soberano sa
nangbabash sa nanay nito sa twitter.
"M abuti nalang namemorize ko yon". bulong
niya sa sarili.
"TAMA NA YAN!PUNYETA!".isang malakas na
putok ang nagpatigil sa kanilang tatlo.
"Waaah sir winston,mabuti dumating
kayo.".masayang sabi ni inday.
"Tsss..kalaban din yan uto uto".naiinis na
sabi ni isabel.kanina kasi habang tulog pa si
inday ay nakita na niya ito.sakto lang na
pagkalabas ng lalaki ay nagising si inday.
"Ayyy oo nga pala sabi ni jim kalaban din
sila".nakasimangot na sabi nito at naupo
uli.kinapa nya ang tiyan pero pakiramdam
niya ay safe pa naman ang baby
nya.hinihingal na naupo din si isabel sa tabi
nito.
"Pssst,isabel?kamusta si copypaste
mo?"tanong ni inday.kahit lagi silang nag
aaway ay may concern naman ito sa
pinagbubuntis ng kasama.
"Okey lang kami ni baby".napahawak pa ito
sa tiyan.
"Mabuti naman.saka kana mamatay kung
naipanganak mo na yan ha".bulong ni inday
dito.
"Mauna kang mamatay".ganti din ni isabel.
"Sweety?patayin na nga natin yan,sagabal
lang yan e.total nakita na naman pala nina
jim ang kailangan natin".malambing na sabi
ni bev kay cedrick at kumapit pa sa braso ng
binata.matagal na silang may relasyon,bago
paman umuwi si bev dito sa Pilipinas at
palihim na nagkikita.
"Tsss...di kayo bagay pang atsay
kalang".sabat ni inday.
"SHUTUP!.hindi namin hinihingi ang opinion
mo."sasabunutan naman sana ni bev kaso ay
pinigilan ito ni cedrick.
"Kailangan pa natin sila.hangga't hindi pa
natin hawak ang ebidensya laban sa
atin".kanina kasi ay narinig ni isabel na nag
uusap si jim at cedrick tungkol sa usb
kapalit ang buhay nila ni inday.inamin ni
isabel na sya ang kumuha ng usb.akala kasi
niya ay simpleng usb lang ito.
"Tama na nga yan,oh nasaan na ang kaibigan
mo cedrick?".tanong ng tito nitong si
winston.
"Papunta na po yon,sigurado, hindi nila
hahayaang may mangyaring masama sa
dalawang to.nasaan na pala si
abdul?"nakangising sambit ni cedrick na ang
tinutukoy ay ang pinaka leader nila.
Ngayong umaga daw ito pupunta sa
Pilipinas gamit ang private plane dahil ito
daw mismo ang papatay kay jim dahil naging
pakialamero ang mga magulang ng binata sa
mga plano nila noon.ang agency kasi nina
jim ang laging pumipigil sa gawain ng mga
terorista lalo na sa russia.
"Nasa chopper na daw".sabi ni winston.isang
beses palang ni cedrick ito nakita.noong
buhay pa ang tatay niya pero nong namatay
na ang tatay nito sa laban ay hindi na niya
muli pang nakita si abdul.
Ngayong araw na'to ang pag iisa nila.dito
na din nila napiling mag meeting sa Pilipinas
kaya halos lahat ng head ng terorista sa
bawat bansa sa middle east ay parating
ngayon kasama ang leader nilang si
abdul.nagtitipon tipon kasi sila every after
two years para pag usapan ang plano at
mga susunod na hakbang kung ano ang
bansang tatargetin at pasasabugan nila.
Lahat ng paligid dito sa isla ay puno ng
bantay.kahit sa gilid ng dagat ay may mga
nagbabantay din kaya mahirapan ang mga
gustong pumunta dito na makapasok.
Maya maya ay may narinig na silang chopper
na papalapag.tatlong chopper ang gamit ng
mga ito.
Nagsiayos na ang mga tauhan at tumayo.
Biglang pumasok ang may bente katao na
puro mahahaba ang balbas at lahat ay
nakasuot ng thawb gaya ng ginagamit ng
mga muslim at mga lalaki na nasa middle
east.ang mahabang puting damit.pero ang
pinaka agaw pansin ay ang mas mahabang
balbas na lalaki.medyo may edad na ito
pero makikita mo ang matapang at may
pagka boss sa mukha.
"Hala isabel mga arabo diba gusto mo yan?
pakilala ka".bulong ni inday.
"Ikaw magpakilala kung gusto mo,total ikaw
naman ang malandi sa atin".naasar na sagot
ni isabel.sa totoo lang ay sobrang natatakot
na sya.
"Sus!mas malandi ka.".sabi ni inday.lahat ng
mga nasa paligid ay nagsi bow sa bagong
dating.ang mga kasamahang arabo ay
nakipagbeso beso at ang iba ay nag nose to
nose pa.ganyan kasi sila kapag magbati sa
isa't isa.
"Sabahal khayr".(good morning)bati ng
ibang arabo.ang mga pilipino naman ay
nakatingin lang sa mga ito.
"Sabahal nur"(good morning din).ganti ng
pinaka leader nila.
"Ano daw isabel?"bulong ni inday.nakaupo
pa din sila sa kama at nakatingin lang sa
mga taong nasa harap nila.
"Aba malay ko.itanong mo kung gusto
mo.wag mo nga akong bwesitin".lumayo ito
ng konti kay inday.
"By the way,ito pala si cedrick,anak ni
romeo".pagpakilala ni winston kay abdul.
"Oh,ikaw pala ang anak ng matalik kong
kaibigan,ang laki mo na a.mana ka talaga sa
tatay mo.isang matapang at
mapagkatiwalaan".nakangising sabi
nito.marunong si abdul magtagalog dahil na
din sa ama ni cedrick at sa iba pang
kasamahan ni winston.halos lahat ng
lenggwahe ay kabisado ng mga lider nila.
Marami ang teroristang na recruit nila lalo
na sa mga kabataan dahil ang mga recruiter
nila ay ilang oras na nakatutok sa mga social
media.may sarili silang website at doon nila
pinapakita sa mga kabataan kung paano e
enjoy ang buhay.kung paano nila babaguhin
ang mundo.isang mindset ang ginagawa nila
lalo na sa mga teenager na naghahanap ng
meaning sa buhay kaya marami ang na
eengganyo.marunong bumilog at marunong
sa psychology ang mga recruiter nila.
Kaya nga may mga doctor na umalis sa
serbisyo para lang maging private doctor ng
mga terorista.may grupo din ng soccer
player na umalis sa pagiging sikat na player
para lang maging suicide bomber.ganon ka
powerful ang salita nila para ma engganyo
ka.marami ang nagsasabi na nasisiraan ng
ulo ang mga nagsisuicide pero ang totoo ay
wala silang sakit sa pag iisip.pinapakita lang
talaga ng mga terorista ang magandang
resulta kapag gawin nila yon.ang isakripisyo
ang pamilya at sarili para sa pagbabago.
"Sa wakas matapos ang mahabang panahon
nagkita na din tayo abdul".makikita mo sa
mukha ni cedrick ang tapang at
nakipagtitigan sa lider nila.
Biglang tumunog ang radyo na nagbabantay
sa dalampasigan
At nagsabi na may mga kalaban na parating
gamit ang labing dalawang bangka.lahat ay
naalarma at nagsi kanya kanyang kuha ng
mga armas sa mesa at punta sa pwesto nila.
Twit..twit..twit...
Tunog ng maya.isla naman to kaya marami
ang mga hayop sa paligid.napaka common
na signal pero hindi mo mahahalata na tao
ang may gawa ng tunog.
"Shit!!!napasok na tayo!..andyan na sila sa
paligid!".sabi ni winston na pinalibutan nila
ang mga leader lalo na si abdul.matinik sila
sa lahat ng signal kaya alam nilang meron ng
kalaban sa paligid.
"Paano sila nakapasok?".galit na wika ni
bev.kumuha din ng baril sa
mesa.imposibleng may makaligtas sa mga
bantay nila sa dagat.doon lang ang tanging
daan para makapasok dito dahil kung
eroplano ay malalaman din nila dahil sa ingay
nito.
Napatingin si cedrick sa puno na tinitingnan
ni inday.hindi sya nagpahalata sa mga
kasama na naaninag niya ang tao na
nakatago sa malagong dahon.ganon na din
sa paligid.camouflage,alam niyang ginagamit
nila ang kapaligiran para makapagtago.
"NINJA's". lihim na napangiti si cedrick.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon