45

802 25 0
                                    


BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 45

"Accck!" Napahawak sa leeg ang isang lalaki
na nasa gitna.ito ang leader ng
UAE.umaagos ang dugo sa halos maputol na
leeg nang dumaan ang silver hexagonal
shuriken at dumikit sa kahoy na pader.
"Damn!anong klaseng pagbabantay to?"galit
na wika ni abdul.halos lahat ng kasamahan
niyang terorista ay nagmumura na din.
"Maam dito po tayo".bulong ng lalaki na
kanina pa nasa tabi nina inday.
"Huh?pero bihag nyo po kami
kuya?".nagtatakang tanong ni inday.
"Ssshh,kung gusto nyo pa pong mabuhay
sumama kayo sa amin".apat na lalaki ang
palihim na nagdala at nagpoprotekta sa
kanila.sa likod sila dumaan habang busy at
nagpapanic na ang mga kalaban.
"Argh!".daing ng isang lalaki na may kulay
pula na bigote nang matamaan ng arrow sa
dibdib.
Isang babaeng ninja ang nagpatama nito
sakanya sila ang sanay gumamit ng bow and
arrow kumpara sa mga lalaking ninja's.
"BULLSHIT LUMABAS KAYO!"galit na mura
ni winston.puro putok ang naririnig nila at
mga kislap ng baril sa labas ang nakikita.
Bang bang bang !!
pinagbabaril ni abdul ang isang lalaking ninja
na nasa puno ng niyog.kahit medyo
matanda na sya ay matalas parin ang
paningin nito.
Bang!". pagbaril din ng kasama niya SA isa
pang ninja na nasa likod ng mayabong na
dahon ng mangga.nakita niyang doon galing
ang itinapong kumikislap na silver shuriken.
Sa gilid ng dagat ay nakipagbakbakan din
ang mga kasamahan nina winston dahil hindi
nila napansin na ang dami na din palang
motorboat ang umaatake sa kanila.ang mga
bangka lang ang may ilaw para hindi nila
napansin.
Ang mga ninja's ay sanay nang lumangoy at
tumagal sa ilalim ng tubig.
Nung nasa gitna na sila ng dagat ay pinili
nilang maglangoy patungo sa isla para hindi
mahalata ng mga kalaban.
Isang linggong pinag aralan nina jim at ng
gobyerno ang lugar dahil may nagbibigay sa
kanila ng lead pero hindi lang nila alam kung
sino.
Bang!
Bang!
Bang!
Bang!
Sunod sunod na paputok ng mga tauhan
nina winston.
Ilang oras ding tumagal ang putukan at
laban.
"Damn!NASAAN na ang bihag?".galit na
sigaw ni bev.
nasa gitna na ng isla sina inday na may
kasamang apat na lalaki na nagpoprotekta
sa kanila.hindi na nga sila napapansin dahil
sa sobrang busy ang mga kalaban.may mga
helicopter na nasa himpapawid at
pinapababa ang mga trained army.
Paunti onti na ding nawawala ang putukan.
"Sir,okey na po ang chopper tara na po sa
labas.palapit na po sila naubos na din ang
kasamahan nating nagpoprotekta sa tabing
dagat".natarantang pag iinform ng isang nbi
na kasamahan nina winston.
"Yala yala faster!".sigaw ni abdul sa mga
kasamahan.
"DONT MOVE or I'LL KILL HIM!".pagbanta ni
john habang hawak ang katana at nakatutok
sa leeg ng leader ng DUBAI.sakto kasing
pagbukas nito ay nasa labas na sina john.
Nagsipasukan sina jim at ang iba pang
kasamahan para palibutan ang mga ito.
Nagsitutukan pa sila ng baril sa isa-t isa.
"Pakawalan mo sya kung ayaw mong
pasasabugin ko din ang ulo ng hayop
na'to".galit na sabi ni bev habang nakatutok
ang shotgun na nasa likuran ni jim.
"WAG KANG GUMALAW JIM,KUNG HINDI
AY PASASABUGIN KO ANG ULO MO".madiin
na sabi ng babae at mahigpit ang hawak sa
shotgun
.alam niyang magaling ang mga ito sa
pakikipaglaban.

"Pakawalan mo sya john,hindi ako
nagbibiro.pagbilang ko ng sampu, sabog
ang ulo ng pinsan mong 'to..ISA!".alam
nilang totoo ang sinasabi ng dalaga.
Napipikon pero Dahan dahang binitiwan ni
john ang bihag.hindi niya kayang may
mangyaring masama sa pinsan.
Galit na napatingin sya sa nakangising si
cedrick na nasa pintuan.ang ibang terorista
ay nakangisi din,isang ngiting tagumpay.
"Ngayon hayaan nyo kaming lumabas at
makaalis dito.LAKAD JIM,".utos ni bev na
nakatutok pa din sa ulo ni jim ang
shotgun.mas marami ang kasamahan nina
cedrick dito sa bodega.pito lang sina jim.
"BANG!".
Nagulat silang lahat ng biglang may bumaril
sa ulo ni bev.agad nalang itong natumba at
dumanak ang dugo sa sahig.
"WhAT THE FUCK CEDRICK?".galit na wika
ni winston sa pamangkin at tinutukan ng
baril.
"WALANG aalis sainyo hangga't hindi ko
sinasabi lalo kana ABDUL.ibaba nyo ang mga
baril nyo kung gusto nyo pang
mabuhay!".utos ni cedrick.ang mga
kasamahan niya ay pinalibutan ang mga
terorista.kahit sina jim ay nagulat din sa
ginawa ng kaibigan.
"ANONG IBIG SABIHIN NITO CEDRICK
PUTA!!! BAKIT NAGTRAIDOR KA?".hindi na
maipinta ang mukha ni winston.hindi niya
inakala na magagawa ni cedrick ang ganito.
"Pasensya na.hindi ako kasing HAYOP
kagaya mo uncle,na kahit ang sariling
kapatid ay kayang ipa gahasa sa mga
kasamahan mong terorista.HINDI AKO
kasing sama nyo ng walang puso kong
ama".galit na wika nito at makikita mo ang
lungkot sa mga mata pero agad din naman
itong nawala at ang naging kapalit ay poot
at galit sa mga taong nasa harap niya.
"Hindi mo naintindihan,kaya nagawa yon ng
mga kasamahan natin ay dahil isusumbong
na kami ng nanay mo sa gobyerno".may
hamig ng pagka dismaya sa boses ni
winston.
"Talaga?dapat lang.dahil niloko nyo ang
bansang Pilipinas.ipinagkanulo nyo ito sa
mga banyaga para lang sa pera.anong
klaseng kapatid ka?anong klaseng
mamamayang PILIPINO ka?kahit sarili mong
kadugo ay pinagpalit mo sa prinsipyo mong
walang KWENTA!".panunumbat nito.
"Hindi mo naiintindihan.kailangan ng mundo
ng bagong pamumuno.kailangan nating
linisin ang mundo at magsimula sa
panibagong lipunan.masyadong magulo na
ang mundo".may galit sa mga mata nito na
nakatingin kay cedrick.
"IKAW!ang hindi nakaka intindi uncle.hindi
mo na mababago ang mundo.hindi mo
maiwasan ang ganyang bagay gamit ang
dahas.pinatay nyo ang nanay ko kaya lahat
kayo ay magbabayad gamit mga KAMAY
ko.".galit sa sabi ni cedrick.
Bata palang sya ay tinuruan na sya ng nanay
nya kung paano matakot sa Diyos.isang
history teacher ang nanay nya noon kaya lagi
ding ikinikwento sakanya kung paano
ipinaglaban ng mga ninuno ang ating bansa
para makalaya sa pananakop ng bansang
espanya.
333 years na ipinaglaban ng mga ito para
lang magkaroon tayo ng kalayaan, kaya hindi
niya hahayaang sa pamilya niya mismo
manggaling ang sisira sa kalayaang
tinatamasa ng mga kapwa Pilipino.
Naging masaya sila ng nanay niya pero
nagbago ang lahat ng bumalik ang tatay nya
kasama si winston.pilit na kinukuha ang
nanay nya para maging spy laban sa
gobyerno pero hindi ito pumayag kaya
ginahasa at pinatay sa harap niya mismo.
Isinumpa nyang igaganti niya ang
pagkamatay ng ina kaya pumayag sya na
sumama sa ama para mag training sa ibang
bansa.sya din ang nagpresenta para maging
spy sa agency nina jim.alam niyang hindi
maubos ang mga terorista at hindi basta
basta na makalapit kay abdul.ito mismo ang
bumaril sa ulo ng ina niya kaya matindi ang
galit niya dito.
Naisip niya na pwede nyang gamitin ang
agency nina jim para makalapit kay
abdul.alam niyang masama syang kaibigan
pero kahit wala sya ay dito din hahantong
ang lahat.mas pabor pa nga ang ginagawa
niya kina jim.

Sinubukan niyang iligtas ang mga magulang
nito dahil dito niya nakita ang tunay na
pamilya at itinuring sya na parang tunay na
anak ng mag asawa pero nahuli na sya nang
makarating sa antique.patay na ang mga ito.
Sya din ang palihim na nagbibigay ng tip sa
gobyerno tungkol sa lakad ng mga
terorista.lahat ng ito ay pinlano na niya sa
umpisa.kung paano mag tipon tipon ang
lahat ng pinuno ng terorista dito sa
bansa.lahat ng ito ay pabor sakanya.
Bago pa niya ipasok sa training ang mga na
recruit na bata ay nag background checked
sya.lahat ng mga magulang ng kabataan ay
pinatay ng mga bandido at mga anti
government kaya ginamit niya ang emosyon
ng mga ito para hikayatin na sumama sa
paghihiganti niya at pasukin ang lungga ng
mga kalaban.
"Tapos na ang lahat.!!!.dito sa bansang
Pilipinas magtatapos ang kasamaan
nyo!".alam ni cedrick na mamamatay sya sa
araw na'to pero alam din niya sa sarili na
tama lang ang desisyon at kahit mawalan
man sya ng buhay ay may kabuluhan naman
ito sa karamihan.
"Masyado nang marami ang kinuha mong
buhay.hindi ka Diyos at wala kang
karapatang pangunahan ang nais nito.pano
yan?kita kita nalang tayo sa
empyerno"nakangisi niyang sabi kay abdul.
"Bang!bang!".
Sunod sunod na ipinutok niya sa kaharap
ang hawak na baril.
Nagpaputok din si winston at natamaan sya
sa balikat at braso mabuti nalang dahil
malapit lang si jim sakanya kaya napadapa
sya nito.
Dahil mas marami ang tauhan ni cedrick ay
agad nilang nabaril ang pinapalibutang mga
terorista.to the rescue naman ang mga
kasamahang ninja ni john na nakalapit na sa
kanila.
Mabilis din ang mga kamay ni john para
gamitin ang katana na hawak niya at sa
isang iglap lang ay tumilapon ang ulo ni
winston sa tabi ng patay na katawan ni bev.
"DAMN!UMALIS NA KAYO Dito.SASABOG
ANG ISLANG TO SA LOOB NG isang
MINUTO.".kahit masakit ang braso ay
hinawakan niya ang pula na nag iilaw sa
pader.dito naka konekta ang lahat ng
bomba na nakatanim sa buong paligid.hindi
niya napansin na na activate pala ito ng tito
niya habang nag uusap sila kanina.
nang mahawakan niya ay nagreset ito sa 15
minutes.
"15 minutos para makaalis sa islang
to.bilisan nyo na!".agad na nagsitakbo ang
mga kasamahan niya pati mga ninja ay
patalon talon ang mga ito sa sa sanga ng
puno.
"Jim,umalis kana!iligtas mo ang sarili
mo".napansin kasi niyang hindi gumagalaw
ang kaibigan.
"Gago!tara na buddy alis na rin tayo!".aya ni
jim pero umiling iling lang si cedrick na
ipinagtaka ni jim.
"Hindi pwede buddy,kapag alisin ko ang
kamay ko ay automatic na sasabog ang
buong isla.umalis kana kailangan ka ni
inday.pasensya na pala tinraidor kita".ang
fingerprint niya lang kasi ang may control
nito para medyo tumagal ang oras.sya kasi
ang may gawa nito noon kaya sya din ang
may access dito.
"Wala yon na intindihan kita.namatay din
ang mga magulang ko.isa pa maganda rin
ang hangarin mo.hindi kita iiwan.lumaki ako
na kasama ka.walang buddy na nang iiwan
sa gitna ng laban.sigurado ma deactivate
natin to.paano ba tol?".hinanap ni jim ang
mga wire.5 minutes nalang ang natitira sa
kanila.
"Wala jim,hindi na pwede masyadong high
tech to.sige na kailangan ka ni inday
buddy".nanghihina na si cedrick sa dami ng
dugo na nawala sa katawan niya.dalawang
minuto nalang ang natitira sa kanila.
"Tsk!.maintindihan ako ni inday.hindi ko
hahayaang mamatay ka ng basta basta
nalang o kung mamatay ka ay magkasama
tayo!".sige pa rin ang pagkalikot niya pero
masyadong marami ang wire na hindi niya
kayang maputol dahil wala din syang
kaalaman kaya napatayo nalang sya sa tabi ni
cedrick at isang malalim na buntong hininga
ang pinakawalan bilang pagtanda ng
pagsuko.alam niyang wala na din syang
magagawa pa.
"Kahit kailan gago ka talaga jim.so paano
yan?30 seconds nalang".nakangising sabi ni
cedrick.
"Yeah right buddy!".pa iling iling na sabi ni
jim.nakikisabay na din sa pagbilang ng timer
ng bomba.
---------
Nakasakay na sina inday sa bangka.papasikat
na din ang haring araw.umabot din sa
tatlong oras ang bakbakan.nakikita din niya
sina john na tumatakbo at pasakay na din sa
motorboat pero wala si jim.
Nagulantang silang lahat nang may isang
malakas na sumabog galing sa gitna ng isla
at pa unti onting lumalapit ang sabog sa
tabing dagat.marami na ding mga tauhan ni
cedrick ang tumatakbo papunta sa
dalampasigan.
"Jim,sweerheart ko!".sambit ni inday.alam
niyang nandito si jim dahil nakasalubong nila
ito kanina.hindi na niya napigilan ang mga
luha na ngayon ay nagsiunahan nang
umaagos sa mga mata niya.

A/N:
Taos puso po akong nagpapasalamat sa
LAHAT ng nagtiis magbasa nitong story na
ito kahit na wala naman kayong makukuha
kundi puro kabobohan pero ngbsa parin
kau..nakakatuwa na nakakaiyak po
promise...tapos na po pero dahil love q
kayo ay gagawa aq ng epilogue...kung ano
ang naging buhay ni inday pagkatapos ng
lahat...♡♥♥♥♥..i love u all..

P.S.
HINDI pa sya COMPLETED...♡♥♥

January 12 at 4:20 PM · Facebook for Android ·

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon