BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAYby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 34-35
Pagkatapos niyang pumunta sa kaibigan ay
naisipan ni john na umuwi.sa tantiya kasi
niya ay wala na doon si cedrick.
First mission o first na pakipaglaban niya
ang pagsagip kay inday bilang isang ninja.
Hindi kasi talaga niya forte ang ganitong
gawain.napilitan lang siya na magtraining
dahil sa pagpilit ng mga magulang niya at
para na rin sa self defense niya kung sakali
mang maka encounter ng masasamang tao.
Ayaw niya kasi ng labanan.mas gusto niyang
mamuhay ng tahimik kaya umuwi sya dito sa
Pinas.tinatamad syang aralin ang kung
paano gumalaw sa gabi.usually ang mga
ninja ay gabi umaatake dahil magaling silang
kumilos at sanay sila sa night vision pero
ang nangyari kay inday ay umaga kaya
ginamit niya ang taktika kung paano
umakyat sa puno at mag coumaflage na
hindi napapansin ng kalaban.walang
problema sa taekwando dahil lagi syang
nagcha champion noong highschool pa siya.
Hindi sya yong tipo ng taong
mapagpasensya sa lahat ng bgay.tinatamad
din syang aralin kung paano gamitin ang
tools and weapons ng ninja like kunai
knife,manriki-gusari,kusarigama at kung ano
ano pa pero nong malaman niyang
nanganganib ang buhay ni inday at ng
pamangkin niya ay wala siyang choice kundi
ang iligtas ito at gamitin ang pinaka basic
na natutunan niya.
Mas pinili niyang gamitin ang shuriken.yon
nga ang bilog na metal ang inihagis niya sa
kalaban dahil don lang sya magaling.actually
marami naman ang shape ng shuriken.
"San ka galing babes?". pagkadating palang
niya ay agad na siyang niyakap ni isabel.
"Pinuntahan ko lang ang isa kong kaibigan
bakit bel may problema ba?" Malambing na
tanong niya dito.mahal niya ang dalaga at
handa din siyang pakasalan ito.hindi na
importante sakanya kung may nangyari sa
kanila ng pinsan niya bastat ang importante
sakanya ay sya ang nakauna at nakikita
niyang nagbabago din ito.
"Ang bobong si inday kasi,bwesit tama ba
na pusa ang inihalo sa siopao na kinain
ko". nakasimangot na sumbong nito.
"Hahaha.isabel naman ang tanda mo na
naniniwala kapa dyan?" Tatawa tawa sya
habanh papasok sa loob.
"E sa sobrang galit non sa akin malamang
gawin talaga niya yon". parang amasonang
sagot ni isabel.
"Haist,babes hindi yon totoo.binili ko ang
siopao na yon sa chowking kaninang
umaga.binibiro kalang ni inday". humalakhak
na siya.magmula kasi ng dumating si inday
sa buhay nila ay nagiging iba na ang takbo
ng isip ni isabel.hindi na ito gaya ng dati na
napaka sopistikada.na aadopt na nito ang
ugali ni inday na may pagka loka loka.
"Ha?waaa ang kapal ng pagmumukha
niya.sinungaling talaga ang gaga!" Pikon na
sabi niya.sakto namang kakababa lang ni
inday galing sa kwarto nito.
"Hoy!bakit mo sinabing pusa ang inilagay
mo sa siopao ha?" Pag kompronta ni isabel.
"Wala akong sinabi!" todo tanggi ni inday.
"Sinabi mo yon!". pag gigiit ni isabel.
"Wala.tanong mo pa kay jim". turo niya sa
binata na kakapasok lang.
"Jim,diba sinabi ni inday na pusa ang nasa
siopao?" Parang bata na sabi ni isabel.
"Wag ka na palang magtanong.Malamang
kakampihan ka niyan e magkakampi naman
kayong lahat dito.ako naman lagi ang may
kasalanan" todo emote ni inday. .
"Magpapahinga lang ako john medyo
tumaas ata ang blood pressure ko" umakyat
na si jim na hindi na pinansin ang dalawa.
"Bev?nuod tayo ng pelikula". aya ni inday ng
mapadaan ang katulong.
"Naku maam may gagawin pa po ako.lalabas
kasi kami ngayon ni manang bibili ng
lulutuin para sa hapunan natin". naalala nga
ni john na gusto niya ng bulalo kaso wala na
palang laman ang ref nila.
"Ah ganon ba?sige don nalang ako sa
kwarto". tinalikuran na sila ni inday.
"Tara john.maglakad lakad muna tayo sa
labas". aya ni isabel sakanya.
"Wag na bel pagod ako.magpapahinga
muna ako o gusto mo don nalang tayo sa
veranda sa taas laro tayo ng chess". medyo
masakit pa rin sakanya ang nasa
balikat.actually takot sya sa dugo kaya ayaw
niyang maging ninja o ma involve sa kung
ano mang away away dyan.
"Okey! Pero teka lang muna ha.lalabas lang
ako.bibili lang ako ng chichiria para may
makain tayo.inubos na kasi ng
probinsyanang yon ang lahat ng makakain
sa ref kaya nauubusan na tayo.gusto mong
sumama?" Pag aalok ni isabel.
"Pwede ikaw nalang babes?pagod ako
e". masyadong traffic kanina pauwi dito kaya
sumasakit ang katawan niya lalo na ang
balikat niya, dagdagan pa na ducati ang
gamit nito.
"Sige magpahinga ka lang,ako nalang ang
bibili.dyan lang sa labas may tindahan
naman dyan sa kanto". paalam ng dalaga at
mabilis na umalis.
Umakyat na sya sa taas at kinuha ang
chessboard.ito kasi ang lagi nilang nilalaro ni
isabel kahit na madalas ay natatalo siya.
"Pwede ba kitang makausap ng maayos
john?mata sa mata.ngipin sa ngipin,nose to
nose at cheek to cheek?". napataas ang
kilay ni john nang biglang sumulpot si inday
sa harapan niya na
nakapamewang.pansamantalang inaayos niya
ang chess board.
"Maupo ka nga inday.ano ba ang gusto
mong pag usapan natin?". mahinahon niyang
tanong na busy pa rin sa pag aarange para
pagbalik ni isabel ay maglalaro nalang sila.
"Bakit iba ang ibinibigay mo na gamot kay
jim?". pag uusisa ni inday na ipinagtataka ni
john.
"Anong ibig mong sabihin?anong gamot?"
Kunwari ay hindi niya alam ang pinagsasabi
nito.
"Wag ka na ngang magkunwari john.alam
kong iba ang pinapainom nyo kay jim kaya
hanggang ngayon ay hindi pa sya
gumagaling". napipikon na rin na wika ng
dalaga.nainsulto pa sya ng biglang tumawa
ng malakas ang kausap.
"Wag mo akong pagtawanan seryoso ako
john peste yawa ka!papatayin talaga kita"
naiirita niyang pagbabanta dito.
"Saan mo naman nakuha yang kwentong
yan inday?" Nakangisi niyang sabi pero sa
likod ng isip niya ay nagtataka siya kung
paano nito nalaman ang tungkol sa gamot.
"Nagtataka ka noh?narinig ko kayo ng
bruhang isabel na yon.ano john?papatayin
mo kami ni jim?anong klaseng pinsan
ka?". panunumbat ni inday sa binata.kung
hindi lang sya buntis ay malamang kanina pa
niya ito pinagsusuntok pero bawal ang
mamwersa at mapagod sakanya.
"So,narinig mo pala?hahaha edi
magsumbong ka kay jim.tingin mo?
paniwalaan ka niya?". medyo hindi inexpect
ni john yon.hindi niya inakalang narinig sila
ni inday.baka nong isang araw na nag usap
sila ni isabel tungkol sa gamot ng pinsan.
"Sige lang john.pipigilan ko kayo.hindi kayo
magtatagumpay.walang masama na
nananalo". determinado niyang sabi.alam
niya na sa ngayon ay hindi pa naniniwala si
jim sakanya pero darating ang araw na
malalaman din ng kasintahan ang lahat.
"Tsss.bahala ka" kampanteng sabi ni john
pero sa totoo lang ay namomroblema na
sya dahil nalaman ni inday ang totoo baka
ito pa ang sisira sa plano nila.
"K fine!" Padabog na umalis si inday sa
kanya.nakasalubong pa niya si isabel pero
pinandilatan lang nila ang isat isa.
"Anong ginagawa ng bobong yon
dito?". napangiti si john, halatang nagseselos
ito kay inday.
"Wala kinompronta lang niya ako tungkol
sa gamot ni jim". biglang kinabahan si isabel
sa sinabi ni john.
"Hala anong tungkol sa gamot ni jim?wag
mong sabihin na alam na ng babaeng
yon?". inilapag niya ang mga biniling
chippy,nova,peewee at moby.
"Yupz!narinig niya tayo na nag uusap nong
isang araw" binuksan ni john ang chippy.
"E,tsismosa talaga!" -isabel.
Napabuntong hininga si john.wala na din
naman silang magawa dahil nabuko na sila.
"Alam na ba ito ni jim?nagsumbong na ba si
inday sa nalaman sakanya?" Tanong ni isabel
sa kasintahan.
"ANO ANG NALALAMAN NI INDAY NA
DAPAT NIYANG ISUMBONG SA AKIN?may
dapat ba akong malaman?" Muntik ng
mapatalon si isabel sa gulat nang biglang
nagsalita si jim sa likuran nila
![](https://img.wattpad.com/cover/323291987-288-k721767.jpg)
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Misteri / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...