14

711 21 1
                                    

Bobo pero Hot na Killer si Nday
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
"Oyyy patay na ba yan?" ..sabi ng isang
lalaki.
"Masamang damo matagal mamatay." sagot
ng isa pa.
"Hoy gising!!!!!!""""... sigaw ng isang lalaki.
"Waaaaaahhhhh"... napabangon ako..leche
lang ang lamig lamig ng tubig na itinapon
nila sa akin may yelo pa ata.
"Nasa langit na po ba ako?" ...pagtingin ko
mga pangit ang nakikita ko.malalaki ang
tiyan...waaaahhh..
"Hala nasa empyerno ako napunta?
huhuhu" ...iyak ko.wala naman akong
ginawang masama bakit nasa empyerno
ako????at ang papangit pa nila.
"Huhuhu buhayin nyo po ako...parang awa
nyo po ayoko po dito...okey na pala ako sa
lupa.may pogi don.kahit hindi niya ako
mahal pero may gwapo don.buhayin nyo po
ako." pakiusap ko sa kanila.kahit sa lupa
pwede naman akong umakyat sa langit
kasama si sir jim e...
"Araaaay!!!". reklamo ko ng batukan ako
nitong mas malaki ang tiyan.dalawa kasi sila
na nakatingin sa akin...wala akong nakikita
kundi puro puti sa paligid...at isang table at
isang upuan na nasa gitna nitong kwarto..
"Makapanlait ka sa amin wagas a." ..galit na
sabi niya.
"Aminin mo sa amin.sino pa ang mga
kasamahan nyong hold upper". galit na sabi
niya.
"Hindi ko po alam ang sinasabi nyo". kinapa
ko ang sarili ko...
"Huh?wala akong sugat?" ..nagtataka kong
sabi.
"Gaga Hindi ka naman nabaril...ang
kasamahan mo ang binaril namin.nag
warning shot kami pero ayaw parin niyang
tumigil kaya pinagbaril na namin lalaban
e." sagot nitong medyo payat sa kanilang
dalawa..baka sa sobrang pagod at kaba ay
hinimatay nga ako kanina..
"Chief..wala atang ganang umamin yan
e..." sabi ng isa nilang kasama na kakapasok
lang.nakauniform pa ito ng pulis.
Hala mga pulis pala sila.akala ko talaga ako
ang nabaril kanina..
"Naku pasensya na po mamang pulis akala
ko po ako po ang nabaril
kanina" ...paumanhin ko sa kanila.
Pero sana pala ay pinatay nalang nila ako..
"Sino ang iba nyo pang kasamahan umamin
ka.".. binuhusan uli ako ng tubig na may
yelo.
"Waaah kuya ang lamig...hindi nga po
ako.rrrrrrrr" nanginginig na sabi ko..
"Bakit ayaw mong umamin ha"... galit na
sabi niya.
"Oops chief dahan dahan lang.babae parin
yan at maganda". nakangiti nitong naka
uniform na sabi..infairness ang gwapo ni
kuya ha.medyo matanda lang ata to sa akin
ng kaonti e.
"Pasalamat ka.kung hindi kalang babae
kanina pa kita sinuntok at tinorture para
umamin". ..sabi nitong tinatawag nilang
chief.
"Eeee hindi nga po ako holdupper at hindi
ko rin po sila pinatay.maniwala po kayo sa
akin sir chief".. pagmamakaawa ko sa
kanila...
"Psh!!!sa panahon ngayon hindi mo na
talaga malalaman ang totoong identity ng
mga killer chief noh?tulad nalang ng isang
to.maganda na sexy pa." sabi nitong poging
pulis.
"Salamat po kuya gwapo". nakangiting sabi
ko sakanya.mabuti pa sya napansin niya ang
ganda ko.di gaya ni jim deadma lang..mas
pinili pa ang walang dibdib na babaeng yon
"Kaya tayong mga pulis ay dapat wag mag
palinlang at maging alerto dahil sa
mundong to lahat ay pwede maging
suspek". ...pangaral ni chief sa kanila.
"Oo nga po pero totoo po kuya hindi po
talaga ako ang pumatay promise ko po.as
in maniwala po kayo.". nakataas pa ang
kanang kamay ko bilang promise na sign.
"Tumahimik ka.kitang kita na nga namin na
nagpapatayan kayo kanina bago kami
dumating sa crime scene e..ang galing mo
din noh!!! natalo mo silang dalawa". may
paghangang sabi ng isa nilang kasama.
"Salamat po.mga mamang pulis pero
huhuhu..wala po talaga akong
alam...pinalayas lang po ako sa bahay at
napadaan lang po doon."... magpapaliwanag
pa sana ako kaso lumabas na sila.
Iniwanan lang ako ng damit para magpalit
kasi basang basa na ako.tapos pagkain.
Kakatapos ko lang kumain ng may pumasok
na dalawang pulis.
"Hoyy labas ka na dyan". sabi nila.agad
naman akong lumabas mababaliw ata ako
kapag tumagal pa ako sa kwartong to dahil
sarado ang lahat.
Nakaupo ako dito sa police station.
"Pangalan mo?". tanong nitong police.
"Sweetie po...".
Sagot ko.lahat ng police na lalaki ay
nakatingin lang sa akin...halatang may
paghanga sa mga mata.hmmmp!!!maganda
naman talaga ako.
"Wag ka nalang maging killer umuwi ka
nalang sa bahay ko ibibigay ko ang lahat ng
gusto mo". biro ng isang pulis sa akin.
"Magagalit si misis mo batch...baka gusto
mong sa labas ka matulog". ...nagtawanan
pa sila.
Hindi pa tapos na mag interview ang pulis
sa akin ng pumasok ang isang matandang
lalaki sa presinto.
"Ikaw pala ang pumatay sa mga nang
holdup sakin.." sabi nitong matanda
"Ako po?" turo ko sa sarili ko.
"Oo ikaw.alam mo ba na ang laki ng perang
kinuha nila sa akin?kung hindi mo sila
pinatay baka nakuha at naitakas na
nila.pang opera pa yon ng asawa
ko." ...masayang sabi ng matanda.
"Naku sir kasamahan din po nila yan". sabi
nitong chief ng mga pulis.
"Hindi po sir.silang dalawa lang ang
nangholdup sa akin.hindi nila kasama ang
batang to". sabi ng matanda.
"Naku maraming salamat po sir at nilinis
nyo po ang pangalan ko". ..masayang sabi
ko.
Nagpaalam na si sir.ang laki ng pasalamat
niya sa akin e wala naman akong alam sa
mga sinasabi nila..lintik bakit ba ayaw nilang
maniwala sa akin.
"Kahit hindi ka nila kasama ay hindi ka parin
pwedeng makalaya dahil ikaw ang
nakapatay sa dalawang most wanted na
hold
upper dito sa maynila". sabi ng chief nila.ano
ba yan hindi nga ako ang pumatay e..
Maya maya ay tumawag sa telepono at nag
uusap sila nitong chief...pero tingin ko ay
may kinalaman sa akin dahil pasulyap sulyap
pa sya sa akin habang kinakausap ang nasa
telepono.
"Sige pwede ka ng makalaya..abswelto
kana.pasensya akala ko kasi kasamahan ka
din nila". sabi niya sa akin..mukhang alam ko
na kung sino ang tumawag sakanya.si sir
winston ang head ng nbi.
"Naku salamat po sir..maraming salamat
po". tuwang tuwa na sabi ko..sa wakas
makakalaya na rin ako.kaso nawala ang ngiti
ko ng makita ko kung sino ang papasok sa
presinto.
"Sweetheart...okey kalang?" nag aalalang
sabi ni jim.
"Ahhhh sir...ako po talaga ang
pumatay.magpapakulong nalang po ako
dito"... mahina kong sabi.medyo malayo pa
kasi si jim sa amin.
"Sweetheart okey kalang?may ginawa ba
sila sayo?". tiningnan pa ang buo kong
katawan kung may sugat ako o ano.wow
kasama sa pag aalala niya ang paghawak sa
dibdib ko???
"Thanks God...you're okey". ..niyakap pa
niya ako ng sobrang higpit.
"Alam mo bang nag alala ako sayo
ha?". ...yakap parin niya ako.nakatingin lang
ang mga pulis sa amin..
"Tara na uwi na tayo ha..wag mo ng uulitin
pa ang maglayas.hindi naman kita
pinapaalis e". hinawakan na niya ako sa
kamay.
"Sandali lang.hindi ako uuwi.dito nalang
ako.magpapakulong.diba sir chief?may
kaso pa po ako diba?". mas mabuti pang
dito nalang ako atleast safe pa ako at ang
puso ko kapag dito ako sa presinto.
"Naku sir.okey na po.wala na po siyang
kaso napagkamalan lang po namin.sige iuwi
mo na ang asawa mo po.". hinging
paumanhin ni sir chief.
"Let's go". hinila na ako ni jim palabas...wala
naman akong magawa kundi ang sumunod
nalang sakanya.
Nasa daan kami pauwi sa mansion niya ng
bigla niyang tinigil ang sasakyan.
"Nextime.wag kang aalis ha.wala kapa
namang alam dito sa maynila".
"Okey!". walang kabuhay buhay na sagot ko.
"Nag alala ako sayo i'm sorry". tinanggal niya
ang seatbelt niya at tinabig ako at biglang
hinalikan sa labi.
ramdam ko ang maingat at puno ng
pagmamahal sa halik niya...hanggang sa
napahawak na ako sa batok niya..ang mga
kamay niya ay naglalakbay na sa ilalim ng
bra ko.
Pababa na rin ang mga halik niya sa leeg ko
hanggang sa umabot na sa dibdib ko.kaya
napaliyad ako
"Hmmmmm sir"... .ungol ko.kapag kasi
ginagawa niya to sakin ay pakiramdam ko
may kuryente na dumadaloy sa buo kong
katawan..
*beeeeeeeeeeeeeeeeeep*
*beeeeeeeeeeeeeeeeep*
Malakas na busina ng sasakyan na nasa
likuran namin.one way lang pala ang kasada
dito.
"Tsk!!!storbo". naiinis na sabi niya at bumalik
na sa pagdadrive...

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon