Prologue

45K 607 45
                                    


Be strong.


You never know how strong you are, until being strong is your only choice.


Sa panahon ngayon hindi ka puwede maging mahina. Dahil kapag naging mahina ka, talunan ka.


Ika nga nila, kung gusto mong tumagal sa mundong ito, kailangan mo maging matapang, malakas ang loob, at handang lumaban sa kahit anong hamon ng buhay.


'Yon ang na-realize at palaging pinapa-alala ni Athena sa kaniyang sarili dahil gayon na lamang ang  samot-saring pinagdaanan niya sa buhay.


She mastered to build up her weaknesses until they become her strengths.


"Mirror mirror on the wall, I'll always get up after I fall."


Habang ihinahanda ni Athena ang mga kakanin na ibebenta niya sa kanto ng kanilang eskinita ay napalingon ito sa kapatid niya'ng nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin dahil kinakausap na naman nito ang kaniyang sarili.


Tumigil muna si Athena sa kaniyang ginagawa at hinintay nito ang sunod pang sasabihin ng kapatid niya.


"And whether I run, walk, or have to crawl, I'll set my goals and achieve them all."


Kaagad na lumabas ang ngiti sa mga labi ni Athena sa mga salitang narinig niya mula rito kay Faye.


Sa murang edad ni Faye ay nakakahangang gano'n na ang pag-iisip niya. Ngunit hindi naman nakapagtataka dahil namulat siya at lumaki kasama si Athena na isang magandang ehemplo sa kaniyang kapatid. Saan pa ba ito magmamana?


"Saan mo naman nakuha ang mga iyon, Elmeera Faye?" tanong ni Athena na bahagyang nakataas ang isang kilay nito pero hindi niya pa rin magawang itago ang pagngiti niiya kaya naman natawa na lang si Faye sa kasalukuyang itsura ng kaniyang Ate.


"Sa nabasa ko pong libro, Ate. Tinandaan ko po kasi nakuha no'n atensiyon ko," agad naman nitong sagot na umalis na sa harap ng salamin at pumunta sa hapag-kainan kung saan naroon ang Ate niyang patapos na rin sa pag-aayos ng mga kakanin.


"E, baka naman may nakakuha na rin ng atensiyon mo sa school, ah?" dagdag na tanong ni Athena na sa pagkakataong ito ay dalawang kilay na niya ang nakataas.



"Actually, mayroon na Ate..." nanlaki ang mga mata ni Athena matapos nitong mabigla sa sagot ng kapatid niya.



"Ano?! Sino iyan at puputulan ko ng kaligayahan?!" si Faye ay nagulat din matapos sumigaw ang Ate niya.



"A-Anong sinasabi mo, Ate? Ang tinutukoy ko po ay ang school library namin. Nakuha no'n atensiyon ko kaya nga gustong-gusto ko doon tumambay, e. Ang dami magagandang babasahin. The good thing is, puwede mo pa hiramin ang libro at iuwi sa bahay, kailangan lang maibalik sa araw na napagkasunduan," nakahinga naman ng maluwag si Athena mula roon. Akala niya'y may nagugustuhan nang lalaki ang kapatid niya.


"Weh? Sigurado ba 'yan?" pangungulit pa nito.


"Opo naman, Ate. Sayang nga e, kasi isa lang puwede hiramin. Kailangan muna maibalik bago makahiram ng panibago," paliwanag pa nito na pinaniwalaan naman ni Athena. Kumbinsido naman siya sa sagot ni Faye. "Saka alam ko po iyang iniisip mo, Ate. Huwag kang mag-alala wala pa iyon sa isip ko, 'no!" katwiran pa nito.


"Mabuti naman kung gano'n at least nagkakaintindihan tayo. Oh siya, heto oh baunin mo na ito, at umalis ka na rin baka ma-late ka pa." Inabot ni Athena ang dalawang supot ng kakanin kay Faye.


"Ate, huwag na po. Pandagdag pa iyan sa benta, e. Saka naalala mo binigyan mo ako kahapon ng pera? May natira pa po, Ate. Sapat na po iyon."


Natigil si Athena habang nakatitig sa kapatid niya. Laking pasasalamat niya dahil naiintindihan ni Faye kung gaano kahirap ang buhay. Ni kahit isang beses ay hindi man lang naging sakit ng ulo niya si Faye.


Malaki ang ipinagkaiba ni Faye sa karamihan ng kabataan ngayon. Kung ang iba ay halos gusto na lang bumili araw-araw ng kung ano-ano kahit hindi naman talaga kailangan na akala mo naman ay itinatae lang ang pera na pinangbibili. Samantalang si Faye, kung hindi mo bilhan ay hindi mo maririnig na manghingi.


"Ay, hindi. Gusto mo bang magtampo ako sa 'yo? Ayaw mo man lang ba tikman ang luto ng Ate mo? Itinabi ko pa naman ito para sa 'yo," umastang nalungkot si Athena para sadyang ma-guilty si Faye at para mapilitan itong kunin ang kakanin.


"Hay nako. Pasalamat ka Ate hindi kita matiis. Eto na nga po oh, babaunin na. Pero, itong isa lang, ah. Sayang din kasi iyong kita, pandagdag na rin iyon sa pambiling gamot ni Inay."


Hindi naman na nakatanggi si Athena dahil kung tutuusin ay sang-ayon naman siya sa rason ni Faye. "Sige na, pumasok ka na. Mag-iingat ka, ah? Mag-aral ng maigi," habilin nito sa nakakabatang kapatid.


"Opo, Ate. Sige po magpapaalam lang din ako sa Inay."


Pagkaalis na pagkaalis ni Faye ay kaagad naman dinala ni Athena ang mga kakanin sa maliit na pwesto niya sa kanto ng kalye nila. Tanging maliit na mesa lang ang ginagamit niya sa pagbebenta.


"Ate! Kuya! Bili na kayo r'yan, oh! Masarap po ang mga kakanin na ito, bagong luto pa!" magiliw na pag-alok ni Athena sa mga dumadaang tao sa paligid.


"Kakanin po. Bili na kayo! Ate, kakanin po? Masarap ito kasabay ng kape," tirik na tirik ang araw pero hndi ito iniinda ni Athena. Pursigido talaga siyang makapagbenta, kahit tagaktak na ang kaniyang pawis ay isinawalang-bahala niya na lang ito.


"Salamat, Ate. Sa uulitin po!" malawak ang ngiti ni Athena na nagpasalamat sa bumili ng kaniyang kakanin. Pahapyaw niyang pinunasan muna ang pawis habang wala pang dumadaan na tao.


"Iyan ba ang anak ni Matilda? kawawa naman masyadong pagod na kakatinda."


Narinig ni Athena ang bulong-bulungan na iyon. Hindi siya nagpahalata at hindi na lang pinansin ang narinig niya.


"E, paano ba naman mukhang hindi na tatagal ang buhay ni Matilda."



"Paano pa iyon tatagal e' malubha na raw ang sakit—"


"Mawalang galang na, ah? At natitiyak kong hindi niyo deserve na galangin. Sana hindi na lang kayo nagbulungan kung maririnig ko lang din naman," hindi na nakatiis si Athena sa mga narinig niya.


Bilang isang anak ay sobrang sakit iyon para sa kaniya na marinig ang ganoong mga bagay kaya naman gano'n ang naging reaksiyon niya.


"Alam niyo ba kung bakit nagkasakit si Inay? Dahil sa kaka-doble kayod para lang makaraos kami sa pang-araw-araw," mabilis na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Athena. Ni-isa sa mga kapit-bahay niyang iyon ay walang nakapagsalita. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mga mukha nito ang gulat dahil hindi nila inaasahang maririnig sila nito.


"E, kayo? Mukhang chismis ang ginawa niyong almusal. Akalain niyo po iyon? Nakakataba pala ang pakikipag-chismisan. Ang lulusog niyo, e," dagdag pa ni Athena. "S-Sana po ay kilabutan kayo sa mga pinagsasabi niyo, sana ay hindi bumalik sa inyo ang karma. B-Buhay pa nga ang tao ay parang p-pinapatay niyo na. Bakit hindi na lang kaya kayo ang mauna?" nagsisihan lang ang mga ito sa harapan ni Athena. Napunta sa puntong sila rin mismo ang nagkainitan dahil nagsisisihan.


"Athena!"


"Athena!"


Napalingon si Athena sa lumalakad-takbong tumatawag sa kaniya. Halatang madaling-madali ito at kita sa mukha nito ang labis na pagkabahala.


"Clarice, anong nangyari?!" kabadong mabilis na tanong ni Athena nang makalapit na sa kaniya si Clarice na nahirapan pang magsalita dahil hinihingal ito sa kakatakbo.


"S-Si Tita M-Matilda, h-hinimatay!"

•••
mindfreaklessly

Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon