CNWM: 31

9.8K 234 174
                                    


Nandilim ang paningin ni Joaquin matapos niyang marinig ang panglalait ni Jason kay Athena kahit hindi pa niya 'yon kinikilala ng lubos bag nagbitaw ng mga salita.


"Ulitin mo nga sinabi mo?" Joaquin ordered here while his fists were clenched.


Instead of answering Joaquin, he faced Athena. "Am I right? You're from a poor family. What grade did you finish, huh? High school? But, I think . . . Elemental—"


Bago niya matapos ang sasabihin niya ay nakatanggap na siya ng malakas na suntok mula kay Joaquin. Nahulog ito sa upuan at malakas na lumagapak sa sahig na gumawa ng ingay dahil sumabay na natumba sa kaniya ang inuupuan niya.


"Yes. Hindi ka nagkakamali. Hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral pero hindi ibig-sabihin no'n ay may karapatan kang maliitin ako. Just like what Aristotle said, educating the mind without educating the heart is no education at all," bwelta ni Athena rito, "Kaya kung ako sa 'yo magbagong buhay ka na. Because your degree is just a piece of paper. After all, your education is seen in your behavior."


Nanatiling nakaupo sa sahig si Jason habang nakatingala kay Athena. Hindi nito magawang makapagsalita. Nakahawak lang siya sa gilid ng labi para alamin kung dumudugo ito.


Meanwhile, Joaquin took out five thousand from his wallet and placed it on the table.


Pagkalapag niya no'n, lumapit siya kay Athena at hinawakan ito sa may pulsuhan. "Hanap na lang tayo ng ibang mapagkakainan, ayaw ko na pala rito."


Ngumiti lang si Athena bilang pagpayag sa suhestiyon ni Joaquin. Bago sila maglakad paalis ay tinignan pa ni Joaquin si Jason na tumatayo pa lang.


Saglit niya itong tinitigan at naglakad na sila paalis. They had only taken three steps when Athena stopped walking and faced Jason again. "The eyes are useless when the mind is blind. Good luck na lang sa 'yo. S'il te plaît tu es si moche et tu ressembles à de la merde. Sa ugali ka na nga lang babawi hindi mo pa nagawa. So disappointing!" dagdag ni Athena na inirapan pa ito.


Matapos 'yon sabihin ni Athena ay gulat ang reaksiyon ni Joaquin at Jason, sapagkat hindi nila maintindihan ang ilang sinabi ni Athena.


Nauna nang naglakad si Athena dahil nanatiling nakatulala si Joaquin. "Bawas-bawasan mo pagiging mayabang mo, pare. Nakahanap ka tuloy ng katapat mo. Ano ka ngayon?" nang-iinsultong advice ni Joaquin dito dahilan para mas hindi makapagsalita si Jason. Tinapik-tapik niya pa ito sa braso bago siya nagmamadaling sumunod kay Athena. 


When they were outside the restaurant on their way back to the car, Joaquin couldn't stop himself from asking. "You said something earlier that I didn't understand. What does that mean?"



Athena laughed and faced him. "Hindi ko rin alam. Sinabi ko lang 'yon para may plot twist. Mukha namang naniwala siya 'di ba?" paliwanag nito sabay tanong.


Joaquin just scratched his head and immediately nodded. "Kahit nga ako ay napaniwala mo. akala ko pa naman ay totoo, bibilib na sana ako."


Muling natawa si Athena na pumasok na lang sa loob ng sasakyan. Sumunod naman si Joaquin na hindi pa rin makapaniwala.


"Saan mo gustong kumain?" usisa ni Joaquin dito pagkapasok niya sa driver's seat.


Sandali namang umisip si Athena bago nagsalita. 'E, kung sa condo na lang tayo? Ipagluluto na lang kita." Suhestiyon nito na kaagad niyang ipinagtaka ng sumilay ang tipid na pagngiti ni Joaquin. "Oh? Anong ningingiti mo r'yan?" takhang tanong niya.


Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon