CNWM: 22

9.5K 217 31
                                    

Athena nodded in agreement to Faye's question. "Napakaganda," was all Athena could say while still staring at it.



The sun began to gradually set, changing its hue from creamy yellow to glowing orange. The land was no longer being illuminated by the rays. The landscape was turning dark.



The photo was taken against that scenery.



"Pero kung wala ang mga ulap sa kalangitan, hindi magiging ganiyan kaganda ang paglubog ng araw," seryosong tugon ni Faye. Napaisip si Athena pero kaagad din namang siyang sumang-ayon ulit sa pangalawang pagkakataon.



"Sige na umalis ka na, hinihintay ka na siguro ng kaklase mo kanina pa."



Faye followed, before she left she hugged Athena very tightly again. When she let go from that hug, she smiled briefly before walking away.



Nang tuluyan na makaalis si Faye, muling tinitigan ni Athena ang larawan nilang magkapatid. Nanatili siyang nakatingin doon ng ilang minuto bago niya naisipang baliktarin ang picture para tignan ang likod nito.




Doon niya nakita ang sulat kamay ni Faye, "I will see you in every sunset."



Athena was confused why Faye write that, she couldn't get what it meant.



Habang nakatingin siya sa kawalan na iniisip kung ano ang ibig-sabihin ng nakasulat sa likod ng picture, biglang nahagip ng kaniyang mata ang isang kulay itim na paru-paro.



Sinundan niya ito ng tingin habang lumilipad ito papunta sa maliit na study table. Napakunot ng noo si Athena sa pagtataka kung bakit ito pumasok sa loob ng silid nila.



Pagkadapo nito sa study table ay nanatili ito ng ilang saglit bago lumipad muli papunta sa picture frame ni Clarice, pero hindi 'yon nagtagal doon. Mga sampung segundo lang ay sa picture frame naman ni Faye ito lumipat. Dumapo ito sa pisngi ni Faye sa picture, doon nagtagal ang paru-paro na inabot ng halos isang minuto.



Batid ni Athena na may paniniwala ang matatanda tungkol sa itim na paru-paro. Hindi man siya naniniwala ro'n ay lumapit na siya sa picture frame ni Faye para itaboy ang paru-paro, but before she could do that, the butterfly left on its own and flew out the window of their room.



Athena could not erase that black butterfly from her mind. She didn't believe whatever it meant, but she was still worried about her sister.



Hindi siya mapakali, pumunta ito sa kusina para uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili. Habang nakatingin sa kawalan ay bigla na lang siya napapaisip ng kung ano-ano. She's overthinking . . .



Sa tingin niya ay walang natulong sa kaniya ang ininom niyang tubig para pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang mag-isip ng masama, at ayaw niyang pangunahan siya ng mga negatibong bagay, ngunit tila kinakalaban siya ng sarili niyang isip.



Mamayang hapon pa sana niya balak na umalis papunta sa university na pinapasukan ni Faye pero mukhang hindi na niya kayang hintayin pa 'yon.



She quickly entered the room to get dressed. She didn't even bother to fix herself that more, she just sprayed a little perfume, combed her hair with her fingers, and immediately left.



Mabilis ang kaniyang paghinga habang naghihintay ng jeep na masasakyan. Tila pinaglalaruan pa siya ng tadhana, kung kailan niya kailangan na kailangan ng masasakyan ay saka pa ito wala.



"Bakit kung kailan talaga nagmamadali saka walang dumadaan na jeep?" sambit niya sa kawalan.



Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siyang mahagilap. Hanggang sa nakita niya ang taxi na walang laman, mahal man ang pamasahe rito, 'di na siya nagdalawang-isip pa't kaagad niya itong pinahinto.



Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon