Athena faked a laugh after hearing those words from Joaquin.
She walked towards the door. After she opened it, she faced Joaquin again who was currently still wiping his body with a tissue. "Asa ka, Mayor!" pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya sa kwarto.
"See you again next time!" malakas niyang sinarado ang pinto dahil sa naging tugon ni Joaquin sa kaniya.
"Huwag ka na umasa, Mayor. Uunahan na kita sa agency bago ka pa makapag-avail sa akin," dagdag pang pagkausap ni Athena sa sarili habang naglalakad papunta sa elevator.
Halos mag-aalas dyes pa lang sa gabi ng matapos si Athena sa first client niya.
After she left that hotel, she immediately messaged Clarice to tell her that she was on her way home. Not long after that, she immediately received a message from her friend.
Laking gulat ni Clarice ng malaman niya ito, nagtaka siya kung bakit ang bilis naman yata matapos ni Athena samantalang siya ay halos mag-uumaga na kung umuwi.
Sinabi ni Athena na pagdating na lang sa bahay saka niya ikukuwento ang mga nangyari na siyang sinang-ayunan ni Clarice.
Bago umuwi ay dumiretso muna si Athena sa pharmacy para bumili ng gamot para sa kaniyang nanay. Hindi naman siya nahirapan maghanap ng pharmacy dahil mayroon pang bukas sa ganitong oras.
"Ah Miss, may problema po ba?" the pharmacist wonderingly asked Athena because when she was about to take the payment that Athena was handing over, Athena didn't let go of the money in her hand.
"Ay, sorry po, " 'yon na lamang ang nahihiyang tugon ni Athena.
Sa katunayan ay nakokonsensya siya sa ginawa niya para makakuha ng gano'ng halagang pera. Kaya gano'n na lamang ang naging reaksiyon niya.
Pagkakuha niya sa sukli ay naglakad na ito paalis, tumungo siya sa tabing kalsada para maghintay doon ng masasakyan.
Minutes passed before a jeepney stopped in front of Athena and she quickly got on it.
Hindi pa puno ng pasahero ang jeep kaya maluwag pa sa loob nito. Tahimik na naupo si Athena, sa dulo na lang siya ng jeep naupo para mabilis siyang makababa mamaya.
Habang nasa biyahe ay hindi mapigilan ni Athena na isipin ang ginawa niya kanina lang. Bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari na tila ngayon pa lang siya binabalot ng konsensya.
Malalim ang kaniyang paghinga at mabigat ang kaniyang dibdib habang pilit niyang pinipigilan ang sarili na maglabas ng emosyon sa ganitong pagkakataon.
Napalingon siya sa mga pasaherong nasa loob ng jeep para tignan kung may nakakapansin ba sa kaniya.
Ang lalaki na nasa harapan niya ay nakasandal sa kanto ng upuan habang nakapikit. Lumipat naman ang tingin niya sa katabi ng lalaki na malayo naman ang tingin nito. Pagkatapos ay sa kaniyang katabi naman siya lumingon, agad niyang binawi ang mga tingin niya ng magtama ang kanilang mga mata.
Napansin naman ng katabi ni Athena na may bahid ng mga luha sa mata nito. Napapikit na lang si Athena para subukang pigilan ang mga luhang nagbabadya, umaasa siyang sana ay hindi napansin ng katabi niya ang mga luhang 'yon.
Ngunit nagkamali siya ng mapansin niya ang isang kamay sa harapan niya na may hawak-hawak na panyo. Kaagad siyang napalingon sa katabi niya, ito ang nag-abot sa kaniya sa panyong 'yon.
BINABASA MO ANG
Countless Nights with the Mayor (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023