CNWM: 01

29.4K 529 20
                                    

"Mabuti na lang ay naagapan niyo at naisugod dito kaagad si nanay, kung hindi ay baka mas malala pa ang maaaring mangyari rito," pagkausap ng doctor kay Athena matapos nitong tignan ang nanay nito.



"Nako, Doc. Huwag naman po sana umabot sa gano'n," Athena spoke worriedly. Until now, she is still distressed about what happened.



"Kaya po palagi natin tandaan na kailangan na nating mag-doble ingat, hija," dagdag pang paalala ng doctor.



Magkakasunod namang tumango si Athena at pilit na ngumiti. Alam niya sa kaniyang sarili na doble-doble nang pag-iingat ang ginagawa nila. But it appears that those are not enough, especially now that it has reached this situation.



"These are the medicines you need to buy. Just make sure she will take it at the right time. It's for your mom's health, so don't miss it." Inabot ng doctor ang prescription ng mga gamot na dapat bilhin para sa nanay ni Athena.



"Opo, Doc. Makakaasa po kayo," walang pag-aalangang tugon nito.



"Alright. You can now settle the patient bills in the cashier at the main floor. Thereafter, the patient can be discharged," habilin at pagbibigay permiso ng doctor sa kanila. Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang doctor dahil mayroon pa itong naka-schedule na surgery.



They waited for the doctor to completely leave and get out of their sight before they went to the main floor of the hospital.




"Mabuti na lang talaga ay naagapan natin si Tita. Kinabahan ako ng sobra do'n, ah!" pagkausap ni Clarice kay Athena habang sila ay naglalakad. Napansin kasi nitong tahimik ang kaibigan na mukhang malalim ang iniisip.



Athena immediately turned to her friend. Her reaction showed that she was surprised. It really thinks deeply at this moment.



"Siguro kung ako ang nasa isip mo, nalunod na ata ako. Ang lalim, e. Hindi ko ma-reach," pagbibiro pa ni Calrice sa dalaga.



"Maraming salamat talaga sa 'yo, Clarice, ah? Ikaw na nga ang nakatulong para maagapan at maisugod ang Inay dito, pinahiram mo pa ako ng pambayad sa hospital bills," nahihiyang saad ni Athena sa kaibigan. Umuumapaw ang pasasalamat niya sa ginawa nito, lalo pa't wala siya sa bahay ng himatayin ang nanay niya. Kung hindi dahil kay Clarice ay baka natagalan pa bago naisguod ang matanda sa hospital.



Maging sa pambayad ng hospital bills ay ito ang nagboluntaryong magpahiram muna kay Athena. Kulang kasi ang natitirang ipon nito, sapat lang iyon sa araw-araw nilang gastusin.



"Sabi ko naman sa 'yong ayos lang iyon, 'di ba? Huwag mo muna isipin ang mga 'yan. Ang mahalaga ngayon ay nasa maayos nang kondisyon si Tita," halos manubig ang mga mata ni Athena sa mga sinabing iyon ni Clarice. Hindi niya mabatid kung ano ang ginawa niyang mabuti para bigyan siya ng kaibigan na kagaya ni Clarice.



Kaya kahit masama ang tingin ng ibang tao sa kaibigan niya dahil sa napiling trabaho nito, hindi man lang pumasok sa isipan ni Athena na husgahan si Clarice dahil alam niya ang kagandahang-loob nito.



Madalas pa nga ay kahangaan ni Athena ang kaibigan dahil sa tapang at pagiging matatag ni Clarice sa kahit anong bagay.



"Basta gagawan ko ng paraan na mabayaran ka kaagad," paninigurado ni Athena sa kaibigan kahit hindi niya alam kung paano niya magagawa iyon sa madaling panahon. Alam niyang sapat lang ang maghapong kita niya sa pagbebenta ng kakanin sa pang-araw-araw nilang gastos.



"Kahit abutin pa iyan ng isa o dalawang taon o kaya naman mas higit pa, maiintindihan ko, Nesca. Stable naman ang buhay ko ngayon kaya huwag mo muna isipan iyan, okay?" paliwanag pa niya. "Wala namang compensation interest ang pinautang ko sa 'yo kaya huwag ka mag-alala," hirit pang biro niya sa kaibigan.



Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon