CNWM: 18

14.6K 232 14
                                    

It's dark around. Only light coming from the streetlights serves as light for Faye.



Hindi magawang makapaglakad ni Faye nang maayos; halos gumapang na ito sa gilid ng kalsada, iika-ikang naglalakad, magulo ang buhok, may mga galos, at hinang-hina ang katawan.



Sa bawat paghakbang niya ay napapa-upo ito sa gilid ng kalsada, at bigla na lang siyang napapasigaw.



Nakatakip ang isang kamay niya sa bandang dibdib upang matakpan niya ito. Sinuot pa rin niya ang damit kahit punit-punit na ang harapan nito na halos makita na ang dibdib niya.



Iniinda man niya ang mahapding pribadong bahagi ng kaniyang katawan, wala siyang magawa kundi tiisin ito para lang makaalis dito.



"Ahh!" singhal nito na napapapikit sa tuwing mararamdaman niya ang paghapdi nito sa bawat pagkilos niya. "Ahh!" patuloy na pagdaing nito.



Napatakip si Faye sa kaniyang mata ng tumama sa mukha niya ang liwananag na nanggagaling sa paparating na sasakyan.



Saka lang inalis ni Faye ang kamay na nakaharang sa mata niya ng tuluyan na siyang malampasan nang sasakyan.



Natitiyak ni Faye na napansin siya nito lalo pa nang huminto ito sa kaniyang likuran.



"Miss?" hanggang sa marinig na niya ang biglang pagtawag nito sa pangalan niya.



Patuloy lang si Faye sa kaniyang pilit na paglalakad, hindi nito pinansin ang tumawag sa kaniya.



"Miss? What happened to you?" dagdag pa nitong tanong. Dahil doon ay mas binilisan ni Faye. Makailang ulit siyang natumba pero patuloy pa rin siyang tumatakas.  Kasabay ang pagdaing sa bawat paghakbang niya.



"Ahhhh!" muli siyang napaupo at malakas na napasigaw matapos tumama ang tagiliran niya sa malaking bato na nasa kalsada. 



Sa pagkakataong 'to ay hindi na niya nagawang makakilos pa.  Ang natitira niyang lakas ay tuluyan ng naubos na dahilan para hindi siya makagalaw. Sinubukan niyang tumayo ngunit bigo siyang magawa ito.



"Miss? I'll help you. Stop moving first, please?" lumuhod ito sa harapan niya na hinawakan siya sa braso.



Mabilis na tinapik ni Faye ang kamay nito, gulat na inalis ng lalaki ang kamay niya sa braso ni Faye. "H-Huwag. mo akong h-hahawakan!" asik ni Faye.



"Miss, don't worry. Okay? I don't intend to do you any harm. I'm here to help." Mahinahong pagpapaliwanag nito sa kaniya.



"H-Help?" sighal ni Faye na sarkastiko pang ngumiti. "Starting from now on, I don't need a help coming from a guy like you!" bulyaw pa nito.



"I sincerely apologize for what happened to you. I really need to help you. My intentions are purely good, Miss." Pagpupumilit nito na tangkang hahawakan sana muli si Faye pero . . .



"Sabing huwag mo akong hahawakan! Kapag hindi ka tumigil ipupukpok ko 'to sa 'yo!" banta ni Faye.na hawak-hawak ang isang bato. Kaagad namang tumayo ang lalaki at dumistansya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo! So, please? If you really want to help, just leave!"



"Kung lalaki man ang may kagagawan nito sa 'yo, sana hindi siya patahimikin ng konsensya niya. Pero huwag mo naman sanang idamay lahat ng lalaki," bwelta nito kay Athena.



"Bakit? Affected ka ba? Totoo naman, ah!" katwiran ni Faye. "Trusting a man is like killing myself and committing a sin."



Umawang ang mga labi ng lalaki sa mga narinig niya mula kay Faye. "I can't blame you if you think that way—maybe because of the problem you're facing right now? But won't you at least be thankful that you're still alive?!" hindi napigilan ng lalaki na sigawan na rin si Faye dahil hindi nito nagustuhan ang mga salitang binitawan nito.



Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon