CNWM: 19

11.9K 238 16
                                    

Athena immediately followed. She found Faye continuously vomiting in the sink.



"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nagsusuka?" nag-aalalang usisa ni Athena habang hinahagod ang likod ng kapatid. "Ano bang kinain mo? Baka may nakain kang panis na? O 'di kaya nasobrahan ka ng kinain, ha?" dagdag pa nito.



Faye faced her sister while wiping her mouth with the shirt she was wearing. "Hindi ko po alam, At—" before she could finish what she was going to say, she vomited again.



Inabutan ito ni Athena ng tubig na maiinom. Kumunot ang noo ni Faye matapos niyang makaamoy ng hindi kaaya-aya.



"Ano ba 'yang pabango mo, Ate? Ang baho naman n'yan, nakakasuka ang amoy!" nakasimangot na reklamo ni Faye.



Inamoy naman ni Athena ang suot niyang damit. "Mabango naman, ah!" kontra nito.



"Sigurado ka, Ate? Ang baho-baho kaya!"  dagdag pang reklamo nito.



"Gano'n ba? Akala ko mabango 'to kaya binili ko, hindi naman pala. Oh sige, magpalit lang ako ng damit. Mauna ka nang kumain." nadismayang tugon ni Athena, pumunta na ito sa kuwarto para magbihis.



Faye went to the table to eat. She was about to take a bite of the spaghetti, but immediately stopped when she smelled it.



Dahil doon ay dali-dali itong bumalik sa sink para muling sumuka.



"Oh? Nasuka ka na naman?" pagkapasok ni Athena sa kusina ay naabutan nito si Faye sa sink.



"Saan mo binili ang spaghetti, Ate? Ba't gano'n amoy panis? Kahapon pa ata 'yan, e?" reklamo ni Faye.



"Anong panis ka r'yan? Kakaluto pa nga lang niyan no'ng bumili ako!" katwiran ni Athena, "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Imposible namang buntis ka, ni boyfriend nga wala ka!" natatawang pagbibiro ni Athena.



Faye was stunned after hearing that. She was suddenly nervous and immediately thought of something. "E-Eh, paano kung buntis nga ako, Ate?" hindi nag-aalangang tanong ni Faye.



"Ikaw? Mabubuntis?" ngayon ay mas lalong natawa si Athena. "Gaya ng sinabi ko kanina e kahit nga boyfriend wala ka ata. Saka kilala kita 'no! Alam kong mas uunahin mo ang pangarap mo. Sira ka ba? Hirap na nga tayo sa buhay tapos mabubuntis ka? Tama ako, 'di ba?"



Napilitan namang tumango si Faye. "A-Ah, oo naman, Ate.  Hindi ko pa gustong mabuntis, 'no!"



"Oh. Mag-tinapay ka na lang kung ayaw mo nitong spaghetti." Abot ni Athena kay Faye ng tinapay. Nagsalo na silang kumain kasabay ni Clarice na kakarating lang din.



Pagkatapos nilang kumain ay nanatili muna sila sa sala para pababain ang kinain bago sila matulog. Athena and Clarice are focused on their phones, while Faye doing her pending school works.



"Science teacher, inireklamo ng panghahalay sa kaniyang 17-anyos na estudyante," napatigil si Faye sa pagsasagot matapos niyang marinig 'yon mula sa phone ni Clarice, tila nanonood ito ng balita.



"Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang guro sa Gallego City, matapos siyang akusahan ng limang ulit na panghahalay sa kaniyang babaeng estudyante na isang menor de edad." Patuloy na pagbabalita ng reporter.



Napapikit si Faye at pilit dini-distract ang sarili para hindi 'yon marinig ng maayos. Dumiin ang pagkakahawak niya sa ballpen na naging sanhi para mabutas ang papel kung saan siya nagsasagot.



Countless Nights with the Mayor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon