CNWM: 14

12.2K 312 57
                                    

"Faye, mag-lunch ka na muna. Mamaya na 'yan." Nag-aalalang utos ni Athena sa kapatid. Simula umaga ay gumagawa na siya ng mga school works niya, alas-dos na sa hapon ay tutok na tutok pa rin siya ro'n ni wala pa nga itong kain.



"Sige lang po, Ate. Tapusin ko muna itong isa," tugon ni Faye na hindi na nagawang lingunin si Athena.



"Uunahin mo pa ba 'yan kaysa sa kalusugan mo? Alas-dos na, oh. Meryenda na, samanatalang ikaw 'di pa nagtatanghalian.  Mamaya na 'yan, makapaghihintay naman 'yan, e," reklamo ni Athena na hindi sumang-ayon sa kapatid.



"Ate? Mamaya mo na po ako sermunan. Puwede po? Itong isa lang po tatapusin ko tapos kakain na ako."



Athena couldn't do anything, but was forced to agree to her sister's request. "Oh sige na. Tapusin mo na 'yan. Isa lang, ah? Tapos kumain ka na."



Just like Athena said, that's precisely what Faye did. She quickly finished what she was currently doing; she could eat. "Tapos na ako. Kakain na po ako, At—"



Faye didn't finish what she was going to say after they heard a series of knocks. Faye and Athena looked at each other before Faye opened the door.



"Kayo pala 'yan, Mika at Tracy. Ano kailangan niyo?" bumungad kay Faye ang dalawa niyang kaklase. Pawis na pawis ang mga ito na hinihingal pa. "Anong nangyari sa inyo? Tumakbo ba kayo papunta rito?"



"O-Oo. Nakakainis kasi 'yong aso r'yan sa kanto, h-hinabol ba naman kami!" habol hiningang pagpapaliwag ni Mika.



"E-Eh paano, tumahol lang 'yong aso tinahulan mo rin pabalik. N-Nagalit tuloy!" pangsisisi ni Tracy kay Mika habang nagpupunas nang pawis sa mukha, kagaya ni Mika ay hingal na hingal rin ito.



"Ano nga palang ginagawa niyo rito?" pagtatanong ni Faye sa pakay ng dalawa.



"Nakalimutan mo na? 'Di ba ngayon natin napagkasunduan gumawa para sa culminating activity natin?" paliwanag ni Tracy kay Faye.



"Hala! Oo nga pala! Sorry nakalimutan ko, ang dami ko kasing ginagawa na activities kaya nawala sa isip ko. Sorry!" natatarantang tugon nito.



"Ayan kasi. Sige na, hintayin ka namin para sabay-sabay na tayong pumunta sa bahay nila Anthony," suhestiyon ni Mika..



Pinapasok muna ni Faye ang mga kaklase niya habang hinihintay siya. Binigyan ito ni Athena ng maiinom para maibsan ang pagod at paghabol ng dalawa sa hininga dahil sa kakatakbo.



"Aalis na kayo? Hindi ka pa kumakain, Faye," entrada ni Athena pagkalabas ni Faye galing sa kuwarto na bagong bihis.




"Hindi na po, Ate. Babaunin ko na lang 'tong tinapay para may kainin ako sa daan habang naglalakad papunta sa bahay ng kaklase namin." Tugon ng kapatid ni Athena na kinuha ang supot ng tinapay sa mesa.




"Saka pakakainin naman tayo no'n ni Anthony panigurado, ang yaman-yaman no'n, eh!" sabat ni Tracy sa usapan ng magkapatid.



"Alam na alam mo, ah? Porke ang takaw mo kumain," pang-aasar ni Mika kay Tracy. May kalakihan kasi ang katawan nito, parang ginawa niyang tambayan ang kusina nila.



"Nga pala, Ate. Kailangan ko ng pera pang-bookbind po. Tatlong books po 'yon. Bukas ko na kailangan po sana," baling ni Faye sa kaniyang Ate.



"Gano'n ba?" paninigurado ni Athena na kaagad namang tumango si Faye. "Oh sige ako na bahala. Umalis na kayo para hindi kayo gabihin masyado."



Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon