CNWM: 34 (R-18)

17.1K 265 89
                                    

Warning: R-18 | SPG

"Where will we go, Joaquin?" Athena asked while they were inside the car.

They didn't leave Joaquin's parents' house yet, they stayed in the garage of the house while Joaquin thought about where they should go.

Napalingon si Joaquin sa salamin ng sasakyan dahil hinahampas iyon ng tatay niya. Nagsasalita ito ngunit hindi niya 'yon naririnig.

Joaquin just closed his eyes to calm himself. When he opened his eyes again, he slowly drove the car without looking at his father again.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa habang nasa biyahe sila. Hanggang sa nainip na si Joaquin dahil sa katahimikan kaya kinausap niya na lang si Athena kahit nahihiya siya rito.

"Pasensya ka na sa nangyari, Athena, ah? Dapat pala nakinig na lang ako sa 'yo. Dapat pala hindi na lang kita pinilit na dito mag-celebrate ng new year. I'm really sorry, Tangi ko," sinserong paghingi ni Joaquin ng tawad, "Gusto ko lang naman sanang makilala na nila ang babaeng mahal ko. Gusto ko lang naman sanang maipagmalaki kita sa kanila. Kaso gano'n pa ang nangyari, nahihiya tuloy ako sa 'yo,"  bakas sa mga mata nito ang lungkot habang sinasabi iyon.

"Wala ka namang kasalanan sa nangyari, mahal ko. Naiintindihan kita, at alam kung hindi gano'n ang intensiyon mo. Saka, may mas malala pa nga r'yan, e. Sanay na ako makatanggap ng gano'ng mga salita. Hindi na 'to bago sa akin kaya huwag mo na isipin 'yon, ayos lang ako," kahit ang totoo'y sobrang sakit pa rin sa kaniya ang mga natanggap niyang pangmamaliit, snubukan niya lang na huwag ipakita iyon kay Joaquin para hindi na nito sisihin ang sarili.

"Sanay na raw pero nanginginig na kanina," Joaquin's pitiful face was immediately replaced by a teasing expression.

"Wow, ha? Ayaw ko na pala tanggapin sorry mo, tch!" reklamo ni Athena na umiwas ng tingin.

Eksaktong pagtingin niya sa bintana ng sasakyan ay nahagip ng paningin niya ang cake shop kung saan nakita niya ang paboritong flavor niya ng cupcake.

"Hala! Teka! Teka! Teka! Ihinto mo muna saglit!" Joaquin quickly braked the car due to panic after Athena screamed.

"W-What happened?! May problema ba, Athena?" nag-aalalang tanong nito.

"Hala! Sorry. Nagulat pa ata kita. Nakita ko kasi 'yong favorite kong cupcake huhu, gusto ko sana bumili?" Pakiusap ni Athena rito na nag-pout pa, halatang nagpapa-cute.

Huminga ng malalim si Joaquin pagkarinig sa sinabi ni Athena. Iyon lang pala ang dahilan, akala naman niya ay kung may nangyari ng masama na halos atakihin na siya sa puso dahil sa gulat.

Pero dahil si Athena 'to na mahal niya. Kailangan niyang habaan ang pasensya.

"Okay, fine. Stop pouting na, hmm?. Kahit hindi ka magpa-cute r'yan, hindi naman kita kayang tiisin," reklamo rin nito, "Pero dahil d'yan sa ginagawa mo mas lalo akong nahuhulog sa 'yo, hays!" Joaquin whispered to himself, shaking his head while smiling.

"Hoy! May sinasabi ka r'yan? Bakit ka nakangiti? Kinikilig ka 'no?" pang-aasar ni Athena rito habang nakangiti.

"Sino nagsabi? Ako kikiligin sa 'yo?" pagkasabi ni Joaquin no'n ay biglang nawala ang ngiti sa labi ni Athena at tinignan siya nito ng masama. "Syempre. Ikaw 'yan, e. Ba't ako hindi kikiligin?" bawi nito na umaasang makakalusot siya. Imbes si Athena ang mang-asar ay siya pa ang naasar ni Joaquin.

"Panira ka talaga!" asik sa kaniya ni Athena dahilan para bahagyang matawa si Joaquin. "Sige na. Gusto ko no'ng red velvet na cupcake. Huhu! Sige ka, iiyak ako rito!" pangungulit ni Athena na animo'y dumadabog dahil pumapadyak-padyak pa ang paa nito.

Countless Nights with the Mayor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon