Hindi nakaimik ang tatay ni Athena na kasalukuyang nasa harap ng kabaong ni Matilda. Maging ang mga bisita ay nagulat sa biglang pagsigaw ni Athena. Ngunit hindi naman nagtaka ang mga ito sapagkat alam nila ang nangyare sa pamilya nila Athena.
"Gusto ko lang makita ang nanay mo sa huling pagkakataon," tugon nito na hindi man lang nilingon si Athena.
"At para saan pa?!" katwiran nito na hinila ang tatay niya papalayo sa kabaong ng nanay niya. Ngayon pa lang nagawang lingunin nito si Athena. "Umalis ka rito! Hindi ka namin kailangan dito!" muling pantataboy nito.
Kitang-kita sa mga mata ni Athena na nanlilisik ang galit niya sa kaniyang ama. Para siyang bulkan na maaari ng sumabog kahit anong oras o kahit kailan niya gustuhin.
"Asawa pa rin ako ng nanay niyo. Kahit papaano ay may karapatan pa rin akong makita at puntahan siya," paliwanag ng tatay niya. Wala man lang kahit anong ekspresyon ang mukha nito kundi tila isang plain canvas.
"Karapatan?!" sarkastikong tumawa si Athena matapos niyang itanong 'yon ng pasigaw. "Bilib din naman talaga ako sa 'yo e 'no? Simula no'ng iwan mo kami, simula no'ng ipagpalit mo ang inay, wala ka nang karapatan sa kaniya at sa amin ni Faye. Kaya makakaalis ka na." Tinuro pa niya ang pinto para palabasin ang tatay niya.
"Respetuhin mo 'ko, Athena. Kahit anong sabihin mo, kahit anong gawin mo, kahit balik-baliktarin mo ang mundo, tatay mo pa rin ako. Sa akin ka pa rin nanggaling!"
"Kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, manloloko ka pa rin. Kahit anong sabihin mo, nangaliwa ka pa rin. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ka makakakuha ng kahit katiting na respeto mula sa akin! Sa 'yo man ako nanggaling, walang-wala 'yon sa pagod, sakripisyo, at paghihirap na ginawa ni inay para itaguyod kami, na dapat ikaw 'yong gumawa! Mahiya ka naman, ikaw 'yong tatay pero si inay ang nagpakatatay para sa amin. Tapos ikaw pa ang may lakas ng loob na magpakita rito?! Gago ka pala, e!" mahabang pangangatwiran ni Athena na mas hindi nagustuhan ng kaniyang tatay ang mga narinig mula sa kaniya.
"Sumu-sobra ka na, ah? Ano bang pinagmanalaki mo, Athena, ha?!" balik sa kaniya ng kaniyang ama. Naggitgitan ang mga ngipin nito dahil sa galit.
"Nasisigurado ko kung nabubuhay si inay, parehong-pareho kami ng gagawin. Ako? Anong pinagmamalaki ko? Pinagmamalaki ko lang naman na kaya naming mabuhay ng wala ka! Ath hindi lang 'yan, ikinakahiya ko rin na ikaw ang naging tatay ko!"
Nagulat ang tatay ni Athena sa mga salitang binitawan niya. "Anong sabi mo?"
"Bakit? Ba't parang nasasaktan ka? Ang sabi ko, ikinakahiya kita. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, ikinakahiya kong ikaw pa ang naging tatay—"
Hindi natapos ni Athena ang dapat niyang sasabihin matapos siyang akmang susuntukin ng tatay niya. Napapikit si Athena dahil doon ngunit ipinagtaka niya kung bakit wala pa rin tumatamang suntok sa kaniya.
"Hindi po ata tama 'yan, Sir. Iisipin ko po na bakla ka kung pati sa babae pumapatol kayo," hanggang sa narinig ni Athena ang boses na 'yon na mas ikinagulat niya kaya saka pa lang siya napadilat.
Nakita niya si Joaquin na hawak-hawak ang kamay nang tatay niya sa may pulso na siyang pumigil kaya hindi siya tinamaan ng suntok.
"Sino ka ba at nakikialam ka rito?" naghahamon na tanong ng ama ni Athena. Mabilis nitong binawi ang kamay mula kay Joaquin.
"Ako po ang Mayor dito, Sir. Mas mabuti po kung aalis kayo ng matiwasay kasi kung hindi po, handa naman po anjg mga tanod sa pwersahang pagdampot sa inyo.
BINABASA MO ANG
Countless Nights with the Mayor | COMPLETED
Fiksi UmumR-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023