CNWM: 29 (R-18)

21K 261 49
                                    

Warning: R-18 | SPG

•••

Athena is currently in the cemetery to visit her loved ones.

If she had to visit here every day just to relieve her sadness, she would do that. Ngunit mas nalulungkot siya at mas nangungulila kapag nakikita niya ang mga puntod nito.

Gaya nga ng sinabi niya ay unti-unti nang nangyayari ang inaasahan niya. Bawat araw na lilipas ay sobrang hirap at sakit pa rin para sa kaniya. Imbes mabawasan ay tila mas lalong nagiging masakit sa bawat paglipas ng araw.

Walang araw na hindi siya umiiyak.

Walang araw na hindi siya nilalamon ng kalungkutan.

Walang araw na hindi siya nakakaramdam ng pangungulila.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatiling ganito.

Ang natitiyak lang ni Athena ay hindi ito madali. Bawat araw ay parang parusa sa kaniya.

Habang nakatitig si Athena sa lapida ni Faye, nakatanggap siya ng message galing kay Joaquin.

Kaninang umaga pa ito wala para pumasok sa opisina niya. Ayaw pa sana ni Joaquin na iwan mag-isa si Athena pero pinilit siya nito.

Hindi naman p'wedeng nasa tabi niya ito palagi dahil may tungkulin pa itong dapat asikasuhin na dapat mas pagtuunan niya ng pansin.

Naiintindihan naman niya kung hindi siya nito masasamahan madalas. Hindi biro ang maging Mayor at malaking responsibilidad ang nakapatong sa kaniya.

Ngunit kahit wala si Joaquin sa office nito. Alam ni Athena na hindi nito pinapabayaan ang responsibilidad niya. Palagi itong may tinatawagan para tiyakin at alamin kung nagawa ang mga pinag-uutos niya.

Besides from being a good person. Joaquin is a great and responsible public servant.   

From: Mayor Joaquin

Hey! Hintayin mo ako r'yan. I'll pick you up.

Athena smiled after reading Joaquin's message. "Ganda ng typings. Lakas makapogi," she praised the typing of Joaquin's message because it was complete with letters including punctuation marks.

To: Joaquin

Yes, master. 😁

Pagkatapos niyang mag-reply doon sa message ay tinago na niya ang phone, at hinintay na lang ang pagdating ni Joaquin.

Hindi naman naghintay ng matagal si Athena dahil ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kaagad si Joaquin.

"We'll go back to your condo first, so you can change your clothes. Baka napagpawisan ka na sa suot mo, e.  Thereafter, we will go somewhere." Joaquin said while driving back to the condo.

"Huh? Saan tayo pupunta? takhang tanong ni Athena.

"We will climb a mountain. To watch the sunset, to stargaze, and to unwind. Is it okay with you?"

Umawang naman ang bibig ni Athena dahil sa gulat. "For real?" tanong nito pabalik. Ngumiti naman si Joaquin at 'di kalaunan at tumango. "Yey! Sige, gusto ko 'yon!"

Joaquin couldn't help being happy every time he saw Athena smiling.

Seeing her smile makes him smile too.

Countless Nights with the Mayor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon