CNWM: 24

9.4K 210 78
                                    

Hindi maintindihan ni Athena ang mga nangyayari. Hindi niya alam kung paano ipapasok sa kaniyang sistema ang mga nasasaksihan niya.



Ang alam niya lang ay hindi tama itong mga nangyayari. Hindi dapat nakahiga ang malamig na katawan ni Clarice sa higaang wala nang pagkakataon para muli pang bumangon.



"Anong nangyari sa kaibigan ko?! Umalis siya ng bahay na maayos pa siya, tapos iuuwi niyo siya rito na ganito na ang lagay niya?! Bakit? A-Ano ba talagang nangyari?!" Athena's mind was full of questions.



She couldn't believe what was happening. She doesn't understand why Clarice is suddenly like this when she was fine before leaving their condo to go to work.



"Ma'am, pasensya na at hindi namin masasagot ang tanong mo. Trabaho lang namin ang ginagawa namin. Pero kung gusto niyong malaman, doon po kayo magtanong sa agency niya o sa mga katrabaho niya," mahinahong tugon sa kaniya ng lalaki.



Hindi naman sumagot pa si Athena. Dismayado man siya sa nakuha niyang sagot ngunit alam niya naman na nagsasabi ng totoo ang lalaki.



"Pakidala na lang sa function room ang kabaong ng namatay, mga Kuya. Hindi 'yan p'wede rito sa lobby," sabat ng condominium owner.



Athena stepped aside for a moment to make way for them to carry Clarice's coffin to the function room.



"I don't really allow the function room to be used for this kind of event—like a funeral ceremony. But, I would rather not add to what you are going through right now, so I'm allowing you to use the function room," the owner informed her.



Athena didn't know if she should be thankful for that. She just nodded and immediately followed to the function room.



Mabigat ang bawat paghakbang niya papasok sa function room. Maraming tanong ang gumugulo sa isip niya ngayon, kung paano at bakit ito nangyari sa kaniyang kaibigan.



Pinasok na rin nang mga lalaki ng funeral service ang ibang mga kagamitan na traditionally ginagamit sa ganitong ceremony.



Tahimik na nakatingin si Athena sa maamong mukha ng kaibigan. Hanggang sa until-unti na lang siya muling naging emosyunal.




"C-Clarice," nawawalan ng boses na banggit ni Athena sa pangalan nito. "Napakabuti mong tao, napakabuti mong kaibigan, at napakabuti mong pamilya. Kahit tingin sa 'yo ng iba ay marumi kang tao, kahit iniwan ka ng totoo mong pamilya dahil sa pinasok mong buhay, para sa akin wala ka ginawang mali, para sa akin napakalinis mo, Clarice. P-Paano ka umabot sa ganito? Bakit mo kami iniwan ni Faye?" pagkausap ni Athena rito.



Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha nito pero kaagad din siyang dumistansya ng kaunti para hindi niya ito matuluan ng luha. "Ang daya-daya mo! Paano na lang kapag kailangan ko ng payo? P-Paano na lang kapag kailangan ko ng masasabihan ng problema ko? Paano na lang kapag walang-wala na ako? Palagi kang nariyan kapag kailangan ka namin ni Faye. Paano na kami? Ikaw lang iyong naging totoo kong kaibigan. Ikaw lang nakakaintindi sa akin. Ang s-sakit-sakit mawalan. Sobra. P'wede bang bumalik ka na, Clarice?" paglalabas ni Athena sa mga hinanakit niya.



Habang kinakausap niya si Clarice ay naramdaman niyang may presenya ng ibang tao sa loob ng function room kaya dahan-dahan siyang napalingon sa likuran niya hanggang sa makita niya ang dalawang babae na hindi pamilyar sa kaniya.



"S-Sino kayo?" nauutal na tanong niya rito.



Nagkatinginan ang dalawa bago lumingon ang isa kay Athena para magsalita. "Uhm. Katrabaho kami ni Clarice. Gusto lang sana namin siyang dalawin bago kami pumasok sa trabaho," paliwanag naman nito.



Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon