Chapter 2

386 29 0
                                    

Ward's Pov

"Welcome Back to me" bulong ko sa sarili ko.Matagal na panahon nadin simula nung umuwi ako ng pinas.Palabas na ko ng airport ng may mabasa ako malaking plaka na nakasulat Welcome back Ma'am Ward na hawak ng isang matanda.Yun na siguro ang sundo ko kaya dali dali akong nagtungo sakanya.

"Kayo po ba si senyorita ward" tanong nito sakin

"Ako nga po si dad po kasama niyo po ba?" Tanong ko dito

"Nako senyora ako lang po pinapunta ng daddy niyo dito may inaasikaso daw po siyang business kaya di na kayo masusundo"

"Ganon po ba" alam ko nang ganito ang mangyayare ano pa nga ba ang bago tuwing umuuwi ako galing states kahit isang beses di niya ko magawang sunduin.

Tahimik lang akong nakasakay sa sasakyan habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang mga building dito sa maynila.Ang dami na palang nagbago dito.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ni dad.Sinalubong ako ng isang matandang babae kung di ako nagkakamli si manang fely ito.

"Welcome back iha,nako ang laki muna at lalo kapang gumanda" nakangiting bati sakin ni manang

"Salamat po manang fely namiss ko po kayo lalo na dito sa bahay" nakangiting sabi ko

Parang nanay ko nadin si manang fely matagal na siyang naninilbihan samin binata palang si dad andito na si manang.

"Mabuti pa magpahinga ka muna habang naghahanda ako ng makakain mo"

"Sige po salamat po"

Umakyat nako ng hagdan patungo sa kwarto ko wala parin pinagbago ito ganon padin ang ayos at ang mga gamit nandito padin pala.Humiga muna ako dahil napagod ako sa biyahe.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Naligo muna ako bago bumaba.Nakita ko si dad sa may sala at agad ko siyang pinuntahan

"Hi dad " bati ko dito sabay halik sa pisngi niya

"Welcome back iha how's your flight?" Tanong nito

"Okay lang medyo may jetlag pa ng konte"

Nag-usap lang kami ng konte habang nagdidinner.Iba ang aura niya ngayon kumpara sa dati.After ng dinner ay pinapunta niya ako sa library niya.Wala akong idea kung ano yon pero parang seryoso ang pag-uusapan namin

Kumatok muna ako bago pumasok.Nakita ko si dad na nakaupo sa chair at umiinom ng wine.

"Anong pag-uusap natin dad?"

"Maupo ka.Gusto kong pakalasan mo ang anak ng isa sa mga business tycoon na kumpadre ko iha"

"What dad?Pinauwi niyo ko dito para lang magpakasal sa taong di ko pa naman nakikita at nakikilala?"

"You heard it"

"No dad hindi ako papayag na pati sarili kong kaligayahan ay hahadlangan niyo pa"matigas na sabi ko.

"Para sayo din naman tong gagawin ko kaya sa ayaw at sa gusto mo pakakasal ka sa anak ng kumpadre ko tapos ang usapan."

"Para sakin o para sayo?" Galit na sabi ko " anak mo ba talaga ako o tau-tauhan mo lang din kase sa pagkakaalam ko never ko naramdaman na naging anak niyo ko.Kaya siguro iniwan ka.ni mommy dahil lagi nalang siya sunud sunuran sayo" Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko na ikinabagsak ng luha ko.

Mabilis na lumabas ako ng library at umakyat ng kwarto ko.Kung nandito lang si mommy siguro maipagtatanggol niya ko.

******
Habang nag-aayos ako ng gamit narinig kong may kumakatok at boses ni dad ang nasa pinto.

"I'm sorry iha kung nasampal kita nabigla lang ako.Ang totoo nito wala naman ako choice dahil malapit na mabankrupt ang kumpanya natin." Nanlulumong sabi ni dad

"What? Paano nangyari yon?" Takang tanong ko dito

"Marami sa mga investors natin ang nagpullout ng kanilang mga investment.Nabaon nadin tayo sa utang hindi ko na alam ang gagawin ko.Ito nalang ang natitirang chance para maibangon muli ang kumpanya.Hindi ko rin gusto na gawin to sayo pero wala na kong choice iha ayokong mawala ang kumpanyang pinaghirap ng lolo at lola mo"

"Kaya ako ang naisipan niyong ipambayad ng mga utang niyo ganon ba yon?"

Hindi ko kayang makitang nagkakaganito si dad.Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nito na labis ang ikinatanda at pinayat.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko"Sige dad papayag nako sa gusto niyo"

"Iha aigurado kaba sa gagawin mo?"

"Kung ito lang ang makakapagsalba sa satin gagawin ko po "

"Salamat maraming salamat anak" isang mahigpit na yakap ang binigay niya sakin na ginantihan ko naman.

"Pwede ko ho bang makita kahit picture lang nung taong papakasalan ko?"

"Wala akong picture niya pero pwede mo siyang isearch nalang sa mga social media niya dahil isa sila sa mga sikat na business tycoon dito sa bansa"

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan para isearch ang Gegante Family na siyang nangunguna sa list ng mga multimillionaire dito sa bansa.May isang anak lang sila at babae ito Angelica Jane Gegante.Inopen ko ang profile niya maganda siya at nag-aaral pa ito sa isang sikat na unibersidad na isa pagmamay-ari nila ang Gegante University."wait tama ba tong binigay ni dad isa lang namn ang anak nila at babae ito" sabi ko sa sarili ko kung ito nga ang gustong ipakasal ni daddy sakin hindi na ko mahihirapan dahil base sa profile niya out and proud na bisexual ito

*****
Maaga akong umalis ng bahay dahil unang araw ko sa school na papasukan ko.Bumaba nako ng sasakyan para pumasok.Mas malaki pa pala ito sa pinapasukan kong skwelahan sa states.Iginala ko ang mga mata ko sa buong univerasity.Pumunta muna ako sa information para magtanong tanong. Kumukuha pala siya ng business management sabagay ikaw ba naman magiging tagapagmana kailangan mo talagang matuto sa larangan ng negosyo.

Ayos ito na siguro yung room kung di ako nagkakamali.Hinintayko muna na tawagin ako ng prof bago pumasok.

"Ms please come in" sabi nung teacher na may edad na rin

"Ok class we have a new transfer student,magpakilala ka muna sakanila" sabi nito

"Hi i'm ward reinalyn but you can call me ward or anything you want"

"You can seat beside angee"

"sorry but Who's angee?"

"Miss beautiful dito sa tabi ni ms gegante" sbai nung matabang lalake

Siya pala ang nag-iisang gegante she's pretty in person."hi may i?"

"Hello yah " maikling tugon nito.

******

Nakita kong nag-aayos siya ng gamit kaya nilapitan ko ito."hi pwede mo ba akong itour dito kung ok lang sayo?

"Ah y-yeah sure" sabi nito habang kinukuha ang mga libro

Nagsimula na aiyang ilibot ako sa buong campus.Hindi naman pala siya nakakaboring dahil may sense of humor din ito kausap. "Thank you pala sa pagsma sakin hindi na siguro ako maliligaw sa susunod na pasok ko " nakangiting sbai ko

Inaya ko siyang kumain para mapasalamatan man lang sa pagtulong niya sakin pero tumanggi ito dahil naghihintay sakanya ang girlfriend niya."So may girlfriend pala siya"bulong ko sa isip ko.



Continue...









I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now