Chapter 19

428 35 2
                                    

Bumalik na kami manila ni angee dahil nasa trabaho ito nagpasama ako kay klio na bumili ng regalo para kay mahal.

"Ano yan ward para pag naghiwalay kayo may remembrance ka sakanya ahahaha?" Tanong nito

"Sira hinde simula kasi nung kinasal kami di ko pa nabibilhan ng regalo kaya gusto ko ibili siya."

"Eh diba balak mo naman siyang hiwalayan bakit mo pa bibilhan"

"Nagbago na isip ko hindi nako makikipagdivorce kay angee kasi mahal na niya ako" ngiting sabi ko

"Sigurado kaba jan? What if bumalik greatest love niya?"

"Ikaw ang kj mo talaga,hindi na niya babalikan yon kase ako na mahal ni angee ngayon at sinisigurado ko yan sayo"

"Ok sabi mo pinapaalahanan lang kita"

Nagpunta kami sa isang jewelry shop.Nagtingin tingin muna kami may nakita ako na babagay kay angee pag sinuot niya .Binilhan ko siya ng isang kwintas na may heart pendant dito ay pwede mo lagyan ng picture.

"Ang ganda niyan"

"Oo nga ito nalang kukunin ko.Miss kunin ko na ito" sabi ko

After namin makabili ay kumain muna kami sa isang resto dahil gutom na daw tong kasama ko.

******

Nandito ako sa bahay ngayon napadeliver ako ng maraming bulaklak at nagluto din ako ng steak para samin ni angge gusto ko siyang isurprise.Ngayon ko lang to gagawin sakanya kaya gusto ko lahat maging perfect.

Tinawagan ko siya para sabihing susunduin ko ito sa office niya.Kaya kinuha ko na susi ng sasakyan para puntahan siya.

Pagdating ko ay agad ako umakyat ng office.Kumatok muna ako bago pumasok. "Hi" bati ko dito

"Bakit ang aga mo pumunta ward? Baka mainip ka sa paghihintay may tinatapos pa kasi ako sabi ko naman sayo magtitxt ako diba"

"It's ok dito lang ako dont worry di ako mang-iistorbo sayo para agad ka matapos" ngiting sabi ko

"Sure ka? Sige tapusin ko lang after that uwi na tayo"

"Ok"

Habang tinitignan ko siya sa ginagawa niya lalo siyang sumeseksi sa paningin ko.

"Baka matunaw ako niyan"

"Ah?di naman kita tinitignan ah"

"Pano ako matatapos dito di ako makafocus sa ginagawa ko kakatitig mo"

"Sorry di ko mapigilang titigan ka gusto ko kasing halikan ka ngayon" ngiting sabi ko

"Hay ok bukas ko nalang siguro tatapusin to.Magliligpit lang ako mahal"

"Sige na tapusin mo na yan mahal di nako tititig sayo"

"Its ok tapos ko na din naman yung mga importante bukas ko nalang tataposin yung iba"

"Sigurado ka?"

"Opo kaya tara na uwi na tayo"

Sige ako na magdadala ng gamit mo"

Pagdating namin sa condo sinabihan ko siyang ibablindfold ko siya dahil may surprise ako sakanya.

"Ano to ward bakit may pablindfold kapa"

"Basta surprise nga diba.Oh dahan dahan. Ok dito na tayo"

"Pwede ko naba tanggalin?"

"Yes"

Hindi to makapaniwala sa nakita niya sa dami ng bulaklak na nakapaligid parang naging flower shop na.

"Anong meron bakit ang daming bulaklak? Para sakin ba lahat to?"

I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now