Chapter 9

316 27 4
                                    

Angee's Pov

Nandito ako sa school ngayon hinahanap ko si gayle ang sabi nasa secret bar daw siya kaya agad ko siyang pinuntahan.

Pagdating ko ay nakita ko siyang naglalaro ng billiard.Lumapit ako dito

"Gayle" sabi ko na siya namang ikinatigil niya sa paglalaro

"I miss you babe" sabay hawak sa kamay nito ngunit agad din niya itong binawi

"Mas mabuti siguro na magfocus ka sa asawa mo angee"

"Gayle walang namamagitan samin kasal lang kami sa papel pero ikaw padin mahal ko.Sa totoo nga hindi nga rin niya ako gusto napilitan lang din siya magpakasal sakin"

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Yes infact kahit magkasama kami sa bahay puro lang kami nag-aaway na dalawa ni hindi nga kami magkasundo sa lahat ng bagay"

"Pero.."

Ngumiti  ako dito "Gayle ikaw mahal ko sayo ako masaya kung pwede lang ikaw gusto ko makasama habang buhay"

"Totoo ba yan?"

"Yes lovey" sabi ko at sabay na niyakap ko ito ng mahigpit.

"Ehem!!!" Nagulat kami dahil bigla nalang pumasok ang mga bwisit

"Mukhang may nagkabalikan ah" sabi ni ryi

"Di naman sila naghiwalay ah "dagdag pa ni nandine

"Kaya nga nagkaLQ lang sila girls ahahahah" sabi ni yennie

*****

After ng klase inaya ko si gayle na gumala.Namiss ko yung bonding naming dalawa.Dinala ko siya sa isang romantic na restaurant.After namin kumain ay naglakad lakad kami sa may park magkahawak kami ng kamay habang naglalakad.May nakit kaming ice cream vendor kaya bumili kami.

"Babe wag ka sana mawawala sakin,promise gagawin ko ang lahat para mapawalang bisa ang kasal namin.Basta hintayin mo lang ako"

"Maghihintay ako babe.Alam mo naman na mahal na mahal din kita."

"Pero bakit kasama mo pala yung cody na yon nung isang araw?"

"Ahaha nagseselos kaba?"

"Malamang ayoko may ibang nagpapasaya sayo no dapat ako lang"

"Wag kana magselos gusto niya lang na magcollab kami ng sayaw.May girlfriend kaya yon" ngiting sabi nito

"Uhmf talaga ba? Di kaba niya nililigawan?"

"Ahaha alam mo ang cute mo pag nagseselos hindi po at wala akong balak magpaligaw sa iba sayo lang"

Kinilig ako sa sinabi niya.Ayoko na talaga mawala sa buhay ko tong babaeng to.Sobrang mahal ko talaga siya.

Masyado na gabi kaya inihatid ko na siya sa bahay nila.Bago siya bumaba ng kotse ay hinalik ko muna siya.

"Ingat ka sa pagdrive"

"I will"

Nakauwi nako ng condo.May sarili naman akong susi kahit late nako umuwi ng bahay.Pagbukas ko ng pinto ay nakapatay lahat ng ilaw.Pagbukas ko nagulat ako,dahil gising pa pala si ward.

"Ano ba yan nakakagulat ka bakit patay lahat ng ilaw"

"San ka galing?"

"Wala kang pake kung saan ako galing"

"Uwi ba yan ng matinong asawa?"

Naasar ako sa inaasta niya " pwede ba pagod ako ayoko muna makipagtalo at isa pa wag ka umasta na parang mag-asawa talaga tayo dahil sa papel lang naman tayo kasal"

"Tandaan mo hindi kana single angee gawin mo naman yung obligasyon mo bilang asawa"

"Obligasyon? Aha nagpapatawa kaba wala akong obligasyon sayo ward"

Mabilis ako pumasok sa kwarto ko.Ano bang problema niya bakit ganon siya kung umasta.Napabuntong hininga nalang ako.

******

Maaga ako nagising pero wala na si ward.Nakita kong may nakahapag na pagkain sa mesa.Hindi to pangbreakfast tsaka ang lamig na.Di kaya...Niluto niya ba to kagabi halos wala man lang bawas sa pagkain kahit konti so ibig sabihin di siya kumain kagabi.Hinintay ba niya ako para sabay kami kumain?.

Niligpit ko nalang dahil hindi na namn pwede tong kainin buti pa sana kung nailagay sa ref.Tsaka nalang ako,magsosorry sakanya.

Nagbihis nako para pumasok sa school.Sinundo ko muna gayle dahil gusto kong sabay kami pumasok.

Pagdating namin sa school ay nakita ko si ward na may kausap na lalake.Matangkad na payat yung boy hindi ko makita itsura dahil nakatalikod ito.

"Sinong tinitignan mo babe?"tanong ni gayle sakin

"Ah wala tara na" ngiting sabi ko

Naghiwalay na kami ng hallway dahil sa kabilang building pa room niya.Pumasok nako at naupo sa upuan ko pero hindi padin dumarating si ward.

Nandito na yung prof pero walang ward na dumating.San kaya nagpunta yon sino yung lalakeng kausap niya kanina.After ng class ay tinawagan ko siya pero not attended ang pon nito.Bigla akong nag-alala sakanya.

Naglakad lakad ako para hanapin siya.Hindi ko pa makakasama si gayle dahil may klase pa ito.Sakto naman nakita ko siya pumasok sa isang hallway kaya sinundan ko siya.

"Ward" sigaw ko dito sakto naman na napalingon siya sakin

"Angee?anong ginagawa mo dito" tanong nito na parang kinakabahan.

"Bakit hindi ka pumasok kanina san ka nagpunta?" Tanong ko habang hinihingala pa sa pagtakbo

She just smiled "Ah wala nag lbm lang ako kaya hindi ako nakapasok sa first subject natin pero ok nako.Ano pala ginagawa mo dito?"

"Ako dapat magtanong niyan sayo anong ginagawa mo dito?"

"A-ah dito kasi room ng mga kaibigan ko"

"Kaibigan?"

"Oo sina khate at kei galing din silang states nalaman nilang umuwi ako ng pinas kaya sumunod din sila dito at eto nga dito sila nag-enrol"

"Ah ganon ba"

"Tara pakilala kita sakanila"

"Ah a-ano kasi gusto ko lang magsorry about dun sa kagabi hindi ko alam na hinintay mo pala ako magdinner sorry"

"Wala na yon,halika na"

******

"So wardo siya naba yung napangasawa mo?" Tanong nila kay ward na siya naman ikinagulat ko dahil alam nilang kasal na si ward.

Tumingin siya sakin "Sorry nakwento ko kasi sa kanila" sabi nito

"Hi i'm kei at ito naman si khate dont worry safe ang sekreto niyo samin" ngiting sabi nito.Mabuti naman kung ganon.

"Hindi ko alam na hindi ka pala straight ward sana dati pa pala niligawan kana namin ahahaahah" birong sabi nung dalawa

"Kaya nga naunahan tuloy tayo.Alam mo ang swerte mo dito kay ward angee bukod sa mabait na maganda pa" sabi ni kei na siya naman ikinatango ko habang nakangiti lang sakanila

"Hoy kayo magtigil nga kayo.Hindi inlove si angee sakin may mahal yang iba." Sabi ni ward.Hindi ko alam pero parang may iba akong naramdaman.

"Ay sayang naman akala ko naman totoong nagmamahalan na kayo ahahah"biro pa nito

"Kayo talaga.O siya mauna na kami may klase pa kasi kami  eh.Paalam kei at khate.See you later"

"Ok wardo ingat kayo"

Humingi ito ng pasensya dahil daw may nakaalam ng kasal namin.Sinabi kong ok lang malalaman at malalaman din naman ng lahat.

I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now