Chapter 6

327 32 3
                                    

Ward's Pov

Mabilis na lumipas ang mga araw at ito na nga ang araw na hinihintay nila.Ngayon kasi ang araw ng kasal namin.Lumipad pa kami papuntang states para dito ikasal.Mabilis lang na natapos ang seremonya ng kasal.

Wala naman talaga ibang bisita dahil kami kami lang din ang nandito.

"Congrats mga apo" bati samin nila lolo at lola "kailangan makita muna namin mga apo namin sa tuhod bago kami mawala ng lolo niyo mga apo ah" sabi ni lola.

Bigla akong nasamid sa sinabi ni lola."lola kahit magtumbling tumbling pa po kami sa kama hindi po kami makakabuo ni ward" sagot ni angee

"Magaling na ang siyensya ngayon marami na paraan para magkaanak kayo" sabi ni lolo

"Oo nga mga anak tama ang lolo niyo pero hindi naman namin kayo minadali wag kayo mag-alala nireremind lang namin kayo diba kumpadre"

"Oo tama ka kumpadre aba gusto ko din makita magiging apo ko no lalo na tumatanda na tayo hahaha" sagot naman ni dad

Masaya naman at nairaos ang pagdiriwang nandito kami ngayon sa hotel kung saan kami naglagi.Magkasama kami ni angee dito sa room sino ba naman mag-asawang magkahiwalay ng room diba.

Napansin kong panay ang tingin ni angee sa pon niya.

"Hubarin mo na yan angee" sabi ko sakanya habang tinitignan ko suot niya.

"Anong sabi mo? Hoy ward di porket kasal na tayo eh gagawin na natin yon!" Sabi nito na siya naman ikinatawa ko

Bigla tuloy ako may naisip na plano kaya habang hinuhubad ko ang damit ko eh unti unti akong lumapit sakanya

"Wag ka lalapit ward sinasabi ko sayo" natatawa ako sa reaksiyon niya pero pinagpatuloy ko padin ang panunukso sakanya.

"Maghuhubad kaba o gusto mong ako na maghubad sayo?" seductive na tanong ko sakanya

Halos hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya ang cute niyang tignan.Pero hindi ko akalain ang gagawin niya sakin.Inapakan lang naman ang paa ko sanhi para mapaatras ako ikaw ba nama  apakan na nakaheels.

"Sabing wag kang lalapit buti nga sayo" mabilis na pumasok siya sa cr para doon magbihis

"Humanda ka mamaya " sigaw ko dito grabe ang sakit padin.

Nakita kong nagring ang telepono ni angee tinignan ko kung sino ang tumatawag nakita ko ang pangalan ni gayle.Kinancel ko ang tawag nito at pinatay ang cp niya.

******

After ko maligo ay nakita ko ang mga unan at isang kumot sa may lapag." Jan ka sa baba matulog bawal ka dito" sabi nito "isa pa wag kang gagawa ng anomang bagay kung ayaw mong masaktan ulit" dagdag pa nito.Grabe napakasadista pala nitong napangasawa ko.

Hindi nako nagsalita pa kinuha ko nalang ang kumot at unan.May mag-asawa bang hindi magkatabi "meron kayong dalawa" sabi ng konsensiya ko.

Hindi na naman ako makatulog.Pasado alas dos na.Tinignan ko si angee kung tulog na.Mahimbing na nga ang tulog nito.Pinagmasdan ko siya ang amo ng mukha niya pag tulog.Napadako ako sa may labi niya.Parang ang sarap halikan.Napadako din ako sa may dibdib niya hindi yon nababalutan ng kumot kaya kitang kita ko. "Ano kaba ward nagiging manyak kana" bulong ko sa sarili ko.Kaya kinuha ko ang kumot para kumutan siya.Kahit papano nirerespeto ko padin siya.

Bumalik nako sa higaan ko maya maya pa ay tinignan ko ulit ang oras 4 o'clock na ng umaga.Ngayon palang ako dinadalaw ng antok.

Kinaumagahan maaga kami umalis patungong singapore para sa honeymoon daw namin.Sila dad ay bumalik na ng pilipinas kaya kaming dalawa nalang ang pupunta ng SG.

Habang nasa eroplano kami hindi ko maiwasang di antokin kaya napasandal ako sa may balikat niya.Hindi naman ito tumutol kaya nakatulog nadin ako.

Ilang sandali pa eh ay lumapag na ang eroplano may tutuluyan na kaming hotel dito kaya di na kami mahihirapan na magpabook pa.

Sinulit na namin ang bakasyong ito marami din kami napuntahang mga sikat na tourist spot.Tapos kumain din kami sa mga sikat na restaurant dito sa singapore.

"Ward halika magpapicture tayo dun" aya niya sakin.Hindi ko akalain na magiging masaya pala tong honeymoon nato hahaha.

After namin magdinner sa labas ay bumalik na ulit kami ng hotel.Naligo muna ako bago mahiga.Paglabas ko ng banyo nakita ko si angee na may pinapanuod silinip ko kung ano palabas.Isa ata yong romance movie kung saan nasa  bed scene na ang dalawa napasmirk ako dahil nakita kong namumula si angee.

"Mahilig ka pala manuod ng ganyan gusto mo bang gayahin natin sila" natatawang biro ko sakanya

"Bigla niyang kinuha ang unan malapit sakanya sabay hagis sa mukha ko "bastos ka talaga kahit kelan" sabay walk out papuntang cr

"Take your time ilabas mo yan masakit sa puson yan angee ahahahaha" ang cute niya talagang mapikon.

Naisip ko na baka patulugin na naman ako sa sahig kaya inunahan ko na siyang matulog sa kama bahala siya kung tatabi siya o hindi pero mas maganda kung tatabihan nalang niya ako hahaha.

*******

Kinaumagahan ramdam kong parang may mabigat sa braso ko.Nagmulat ako ng mapansin kong nakayakap si angge sakin habang nakaunan sa may braso ko.So hindi siya sa sahig natulog  natawa ako ng maisip kong tumabi talaga siya sakin.Mahimbing pa ang tulog nito kaya hindi na muna ako bumangon.Pinagmasdan ko ang mukha niya.At Hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya.Naramdaman kong magigising na ito kaya nagkunwari akong tulog pa.

Maya maya ay gumising na din ako."good morning" ngiting  bati ko sakanya.

Nag-order lang kami ng breakfast namin.Pagkadating ng foods ay kumain na kami pero busy naman siya sa pon niya.Lumayo pa ito dahil may tinawagan ito.Hindi ko dinig ang pinag-uusapan nila pero parang alam ko na kung sino kausap niya.Nawalan nalang tuloy ako ganang kumain.

Pumasok nako ng cr para maligo.Oo mahilig ako maligo bakit ba ahaha.

Natapos nako lahat lahat may kaponcall padin ito.Nilapitan ko ito at kinuha ang telepono at pinatay ang tawag

"Ano bang problema mo?" Tanong nito

"Angee please nandito tayo para mag-enjoy hindi para makipagkwentuhan lang sa pon.Ako nga kasama mo pero iba naman yang nasa isip mo.Hindi kanalang sana nagpakasal kung ganyan kalang din sakin."

"Bakit tingin mo ginusto ko to?Tingin mo gusto kong pakasalan ang isang tulad mo? Ni hindi nga kita mahal eh.Kung pwede lang talaga suwayin si lolo ginawa ko na!" Galit na sabi nito sabay labas ng pinto ng kwarto.

Inaamin ko nasaktan ako sa sinabi niyang yon.

Continue..


I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now