Continue...
Nandito nako sa lugar kung saan sinabi ni resyel.Hinanap ko,kung andito ba talaga sila,pero wala akong nakita.Nababaliw na ata yung babaeng yon bakit pinag-aksayahan kopa ng oras.Paalis na sana ako ng biglang matanaw ko sila sa may cafe.Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero mukhang ansaya nila.Tinawagan ko si angee ilang segundo pa bago niya ito sagutin.
"Hello ward?"
"Hi nasa office kaba?"
"A-ah yeah nasa meeting lang ako why?"
"Ah wala naman"
Bumalik nako ng sasakyan baka kasi makita pa nila ako.Pero bakit siya nagsinungaling sakin kelan pa sila lumalabas.Di parin ako makapaniwala na magagawa sakin ni angee to.Umalis nako sa lugar na yon.Isang tawag ang natanggap ko mula kay resyel.
"ano naniniwala kana?" Sabi nito.Pero hindi ko siya sinagot bagkus ay binabaan ko lang ito.
*****
Nasa bahay lang ako inaantay na makauwi si angee.Nagpapasundo ito pero sinabi ko na masama pakiramdam ko.
Ilang oras pa ay dumating na ito.
"mahal ok kalang?nilalagnat kaba?"sabi nito sabay hawak sa noo ko
"Nope,masakit lang ulo ko"
"Gusto mo bang masahiin ko?"
"Di na medyo ok na ko.Ikaw tong pagod,magbihis kana para makapagpahinga ka" ngiting sabi ko.
"Sige bibihis lang ako tapos kain na tayo" tumango lang ako sakanya.
Ayokong pangunahan siya gusto ko na siya mismo magsabi sakin bakit nagkikita sila si gayle ng di sinasabi sakin.
After namin kumain ay nanuod lang kami ng movie.Pero wala sa isip ko ang pinapanuod ko.Kundi sa kanilang dalawa ni gayle.
Napansin ni angee pananhimik ko kaya tinanong niya ko kung ok lang daw ako.Sabi ko ok lang lang inaya na niya ako matulog.Pero sinabi ko mauna na siya dahil may work pa siya bukas.
"Sige sasamahan nalang kita muna manuod" sabi nito.Alam kong inaantok na talaga siya dahil pumupungay na mga mata nito.
"Sige na matulog na tayo mahal alam kong inaantok kana"
"Pero gusto mong tapusin to diba?"
"May ibang araw pa naman na pwede ko panuorin yan"
"Ok kaw bahala"
******
Nandito ako ngayon kay klio nagrarant.Nagagalit na nga to dahil pag malungkot lang ako tsaka ko siya pinupuntahan.Kaya para mawala tampo niya inaya ko siyang lumabas
Pumunta kami ng mall naglaro sa mga arcade parang bumalik lang kami sa pagkabata.
"Alam mo ward magtiwala kalang kay angge" sabi nito habang nagshoshoot ng bola sa ring
"May tiwala naman ako,pero kasi.."
"Pero kasi ano?"
"Alam mo yun bumalik kasi yung dating pinakamamahal niya paano kung magkabalikan sila pano kung hilingin niya na palayin ko na siya?para maipagpatuloy nila yung sa kanila hindi ko kakayanin na mawala si angee sakin"
"Masyado kang nega ward napapraning kana.Ikaw na mahal ni angge ngayon kaya magtiwala kalang sakanya"
"Oh eto magshoot ka para mawala stress mo at yang pagkapraning mo" sabi nito sabay hagis sa bola.Muntikan pako matamaan sa mukha.Walangya talaga tong babaeng to.
YOU ARE READING
I LOVE YOU MORE THAN ANYTHING
FanfictionFOR WANGGE FANS ONLY..Kung IBANG FANDOM KA AT DI MO GUSTO ANG STORY WAG MO NALANG BASAHIN. This is a work of fiction.Names,Characters, Places,and Incidents are either the product of the author's imagination. For entertainment purposes only and shoul...