Chapter 4

317 28 4
                                    

Angee's Pov

Nandito ako ngayon sa safe place ko.Kung saan ako lang ang nakakaalam kahit isa sa mga kaibigan ko hindi alam to kahit pa ang girlfriend ko.Masama ang loob ko ngayon kay daddy dahil gusto niyang magpakasal ako sa hindi ko naman kilala.Ni hindi ko pa nga nakikita tapos bigla bigla ikakasal ako.

Flashback..

Nakita kong seryosong nag-uusap sila lolo at lola kasama si dad at mommy.Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.

"Hi lo,la mano po" magalang na bati ko sa dalawa

"Dad mom" sabay halik sa pisngi nila

"Ano pong meron bakit parang ang seryoso ng usapan niyo?" Tanong ko habang pinagmamasdan sila.Nakatinginan lang sila bago nagsalita si dad."siguro po aakyat na muna ako baka nga importante yang pinag-uusapan niyo"

"Take a seat iha may gusto kami sabihin sayo wag ka sana magagalit o mabibigla" sabi ni dad .Hindi ko alam pero parang kinabahan ko kung ano man yon.

"2weeks from now ikakasal kana anak"

Para akong nabingi sa narinig ko" ahaha dad nagjojoke ba kayo hindi pa naman ako nagpoprose kay gayle" natatawang sabi ko pero hindi man lang sila natawa seryoso padin ang mukha nila.Si mommy ay mukhang nag-aalala ang itsura

"Apo hindi si gayle ang papakasalan mo.Ako at ang bestfriend ko noon ay napagkasunduan namin na ang unang magiging apo namin ang magkakatuluyan.At ikaw lang ang nag-iisang apo namin."

"What?! Lolo matagal na yon iba na panahon ngayon bakit kailangan niyo pang sundin yang fix marriage na yan? Isa pa ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal"

"Iha matutunan mo rin siyang mahalin pag nagtagal" sabat ni dad

"Dad hindi niyo po naiintindihan si gayle lang mahal ko at siya lang ang gusto kong pakasalan."

"Tama na!Ang napagkasunduan ay napagkasunduan sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sakanya!" Galit na sabi ni lolo sakin

"Hindi lo kayo ang nakipagkasundo diba? Edi kayo,ang magpaksal sakanya!"

"ANGELICA JANE! Igalang mo ang lolo mo!" Sigaw ni daddy alam kong galit ito pag binanggit niya ng buo ang pangalan ko.Tinignan ko lang si mommy pero wala din siyang magawa

Mabilis na inakyat ko ang kwarto ko ayoko silang makausap galit ako sakanila.Umiyak lang ako ng umiyak.Iniisip ko paano na kami ni gayle kung ipapakasal nila ako sa taong hindi ko naman gusto.Isang katok ang nagmula sa pintuan

"Iha buksan moto mag-usap tayo" boses ni mommy ang narinig ko.Binuksan ko ito at pinapasok siya

"Mom kausapin mo sila ayokong magpakasal sa taong di ko naman mahal.Alam mong si gayle lang gusto ko diba siya nalang pakakasalan ko mayaman din naman pamilya nila diba" sabi ko habang yakap yakap ako ni mom

" i'm sorry anak wala din kami magawa ng daddy mo dahil ang lolo mo na mismo ang nagdesisyon.Tinry na namin kausapin sila pero hindi namin nabago ang desisyon nila"

******

Bumaba ako para mag-almusal.Ayoko sana sumabay sa kanila pero kagabi pako walang kain at nagugutom nadin ako kaya naupo nalang ako ng hindi kumikibo.

"Sa isang araw ay magkakaroon tayo ng isang dinner party para makilala mo ang iyong mapapangasawa" sabi ni lolo habang sumusubo ng pagkain.

"Busog nako aalis na po ako" sabi ko sabay tayo sa upuan ko Kahit wala pa naman akong kinain talaga.

Wala akong balak na pumasok ngayon kaya nagpasya muna akong pumunta sa lugar na ako lang mag-isa para makapag-isip

End of flashback..

Habang nakatanaw ako,sa tanawin biglang tumunog ang cp ko si gayle ang dami na pala niyang misscall sakin.Kinuha ko ito at sinagot

"Thank god sinagot mo din nag-aalala ako sayo kanina pa kita tinatawagan bakit hindi ka pumasok babe?"

"I-i'm sorry babe masama lang pakiramdam ko"pagsisinungaling ko dito

"Bakit hindi mo sinabi agad pupuntahan kita ngayon hintayin mo ko ah"

"No babe im okay na dont worry tawag mo lang pala magpapagaling sakin" biro ko dito

"Are you sure?baka ayaw mo lang akong makita?"

"Nope miss na miss na nga kita eh walang araw na di kita namimiss babe and mahal na mahal kita tandaan mo yan ah"

"I know mahal na mahal din kita babe.Sige na magpahinga ka lang muna jan ah ."

"Yes thank you i love you"

"I love you too"

After ko maibaba ang tawag pangalan ni ward ang nasa screen ko at tumatawag.Sinagot ko ito

"Hello angee? Are you ok? Di ka kasi pumasok may sakit kaba?Sorry kung napuyat kita kagabi" sunod sunod na tanong nito sakin na ikinatuwa ko

"Yeah i'm ok dont worry bukas ay papasok nako medyo napuyat Nga lang ako kaya di na nakapasok hahaha"

"Aw sorry talaga dont worry hindi na kita pupuyatin next time."

"Ano kaba ok lang nag-enjoy naman ako kausap ka kaya wag kana mag-alala ok"

Hindi ko alam pero parang gumaan ang loob ko nung nakausap ko siya.

*****

Kakauwi ko lang ng madatnan ko si daddy sa sala."hi dad" hindi magawang magalit sakanya dahil sobrang mahal ko si dad.

"Iha san kaba hindi ka raw pumasok sa school niyo nag-alala ako sayo" tanong ni mommy sakin

"Wala po ma sorry po kung pinag-alala ko kayo" sabi ko,sabay yakap sakanya

"Iha anak kung may magagawa lang kami ng mommy mo kaso kahit Kami walang.magawa kapag lolo mo na nagsabi hindi na yon mababago" sabi ni dad

"Naintindihan kopo dad pero sana bigyan niyo muna ako ng time ayokong saktan si gayle sobrang mahal ko siya"

Umakyat nako ng kwarto iniisip ko paano ko sasabihin kay gayle ang lahat.Kinuha ko ang cp ko at isa isang iniscroll ang laman ng gallery ko puro mga picture namin dalawa ni gayle ang nandon.Unti unti pumatak luha ko.

Kinabukasan inaya ko si gayle na lumabas at makipagdate sakin.Dahil wala naman pasok gusto ko ilaan sakanya ang mga araw na natitira ko habang hindi pa ako kinakasal.

Pumunta kami sa mga amusement park,kumain ng mga pagkain never pa namin natikman.Buong araw siya lang ang kasama ko.Kung pwede lang ayoko na matapos ang araw na to.

Naupo kami sa mga bakanteng upuan dito sa park Ang ganda dito lalo na pag gabi maraming mga turista ang dumarayo dito.

"Masaya kaba babe?"tanong ko sakanya

"Yeah best ever date thank you"

"Sana di na matapos ang araw na to no?"

"Bakit naman"

"Wala lang ang saya lang kasi yung tipong wala kang iniisip na problema yung masaya kalang kasama ang mahal mo" sabi ko habang nakatingin sa malayo

"Oo pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon masaya lagi " ngiting sabi nito

"Yeah i know minsan nakakatakot din maging masaya dahil minsan kapalit nito ay kalungkutan"

"Wait babe may problema kaba? Bakit ang seryoso mo ngayon?"

"Wala masaya lang talaga ako na kasama kita ngayon"

"Sigurado ka?" Tumango ako sakanya ng nakangiti

Malaya kong pinagmasdan ang maganda niyang mukha.Unti unti naglapat ang aming mga labi.Ilang sandali pa ay naputol ang aming halikan

"I love you gayle mahal na mahal kita kahit anong mangyare" nakangiting sabi ko

"Mahal na mahal din kita angee ko"



Continue....

I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now