Ward's Pov
Ngayon ang araw na magdinner kami sa mga gegante.Hindi ko alam pero kinakabahan ko.
"Ready kanaba? Anak?" Tanong ni dad sakin
"Yes dad" pilit na ngiting sabi ko
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ng mga gegante.Totoo ngang napakalaki ng bahay nila para na itong mansion.
"Kumpadre mabuti at nakapunta kayo" isang katangkarang lalake ang sumalubong samin ito na siguro ang ama ni angee kasama nito ang isang magandang babae kung di ako nagkakamali ito ang mommy niya
"Kumpadre salamat sa pag-imbita samin"
"Siya naba ang anak mo?"
"Ah oo siya ang aking anak si ward "
"Hi po tito at tita magandang gabi po sainyo" magalang na bati ko sakanila
"Aba hindi mo sinasabi na may maganda ka palang anak ahaha mukhang magkakasundo sila ni angee parehong maganda" birong sabi nito
"Iha wag kang mahiya ituring mo na parang bahay mo na din to"
"Ah salamat po "
Isang matandang lalake at babae ang lumitaw mula sa likuran.Parang ang strikto ng mga to bigla tuloy akong pinagpawisan ng malagkit.Relax kalang ward kaya mo yan
"Siya naba ang apo ng bestfriend ko fernando?"
"Don pakundo magandang gabi po,opo siya po ang aking anak "
"Malaki,ang pagkakahawig ng bestfriend ko sa anak mo tulad niya maganda rin ito.Siya nga pala herbert nasan na ang apo ko bakit wala pa siya dito?"
"Pababa na daw po siya papa.oh ayan na pala siya "
Nakita kong bumababa mula hagdan si angee ang ganda niya kahit simple lang ang suot nito.
"Ward? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sakin
"Magkakilala kayo?" Tanong ng lolo nito
"Kaklase ko po siya lo"
"Aba mukhang magkakilala na kayong dalawa so hindi na kayo mahihirapan na kilalanin pa ang isat-isa" sabi ni tito na daddy ni angee
"Teka wag niyong sabihin siya ang ipapakasal niyo sakin?" Tanong ni angee sa daddy niya
"Tama ka anak siya nga ang magiging asawa mo" sagot naman ng daddy niya
"What? Akala ko lalake ang pakakasalan ko? Seryoso ba kayo? Bakit hindi nalang si gayle ang pinili niyo gusto niyo din pala na babae makatuluyan ko "
"Ang mabuti pa doon na natin pag-usapan. kumain na muna tayo"
Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila.Napapasulyap,lang din ako,kay angee minsan na seryosong kumakain.
"Gusto kong madaliin na natin ang kasal" sabi ng lolo nito
"Pero lo masyado pa kaming bata at isa pa nag-aaral pa.kami pwede naman na after graduation nalang"
"Pwede niyo naman ipagpatuloy ang pag-aaral kahit kasal na kayo diba ward apo?
"H-ho? ah opo" kahit naman kumontra ako ipagpipilitan padin naman nila na ikasal kami agad.
Marami pa silang napag-usapan na hindi ko na maintindihan dahil about sa business lang naman.
"Iha mabuti pa ilibot mo muna si ward sa bahay natin" sabi ng mommy niya
"Yes mom dun lang muna po kami sa taas"
******
Dinala ako ni,angee sa kwarto niya grabe ang laki nito kumpara sa kwarto ko.
"So ok lang na ako magiging asawa mo? sabi ko habang minamasdan kabuuan ng kwarto niya.Di ito masyadong girly konti lang din mga gamit pero malinis at maayos tignan
"Ok lang medyo natuwa pa nga ako dahil ikaw lang pala ang ipapakasal sakin kinabahan talaga ako,akala ko kasi sa lalake ako mapupunta atleast alam kong pareho lang natin hindi gusto ang isat isa.So,may chance pa kami ni gayle na magkita at ipagpatuloy ang pag-iibigan namin.At ikaw naman pwede mo din gawin ang gusto mo basta magtulungan lang tayo ok ba yon?"
Napatingin ako sakanya.Hindi ko maintindihan sarili ko pero Unti unti akong lumapit na siya naman ikinaatras niya hanggang sa mapasandal nalang siya sa pader "anong ginagawa mo?" Tanong nito
"Pano kung sabihin kong ayaw ko makipagtulungan?Paano kung gusto kong pakasalan ka?" mahinang bulong ko ngunit alam kong dinig niya.
Napatingin ako sa may labi niya konting dipa nalang ang pagitan ng mukha namin pareho,nang bigla niya akong itulak sanhi para makawala siya.Napangisi ako dahil kita ko pamumula ng mukha niya.
"Nasisiraan kanaba wala akong gusto sayo at never ako magkakagusto sa isang tulad mo si gayle lang mamahalin ko"
"Hahahahaha chill babe wala din akong gusto sayo" natatawang sabi ko.Nasa pinto nako ng sabihin kong bumaba na din siya dahil baka hinahanap na kami.
"Oh iha halika ka muna dito gusto ka makausap nila don pakundo " tawag ni dad sakin
Ok naman sila kausap mababait naman silang lahat lalo na ang lola at mama ni angee.Ngayon ko lang nalaman na daddy's girl pala siya..
*****
"Anak thank you alam mo bang pumayag silang pahiramin tayo ng pera para ibangon muli ang kumpanya.At gusto din nila.mag-invest satin.Mabuti nalang nalang talaga at may kasunduan sila mama at si don pakundo dati kung hindi baka lahat ng to mawala satin.Hindi talaga tayo pinabayaan ng lola mo" nakangiting sabi nito
" mabuti naman po kung ganon masaya ako para sayo dad" pilit na ngiti ginawad ko at niyakap siya. Atsaka nagpaalam na din ako na aakyat na sa kwarto.
Naligo muna ako bago humiga sa kama.Naalala ko yung ginawa ko kanina sa kwarto ni angee.Yung mukha niya yung labi niyang mapula "hays wardo nahihibang kana" bulong ko sa sarili ko
Kinaumagahan maaga ako pumasok kasama ko sila kei at khate ngayon.Nandito kami sa may canteen nang mapansin ko ang isang grupo kasama yung babae na nakabangga ko nung isang araw si gayle ang girlfriend ni angee.
"Sinong tinitignan mo wardo" tanong ni kei sakin na sinundan naman ang kung saan ako nakatingin
"Balita ko sila daw yung GFAM ba yon sikat ata yan dito sa campus akala ko sa states lang merong ganyan meron din pala dito" sabi khate
Nakita ko si angee na lumapit sakanila tumabi siya kay gayle.Nakita ko din pano niya halikan ito.Hindi ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko.Umiwas nalang ako ng tingin sa dalawa.Hayaan ko nalang siguro dahil ilang week nalang naman ikakasal na kami.At sisiguraduhin ko na hindi na sila magkakasama pa.
"Hoy wardo lalim ng iniisip mo baka gusto mong ikwento yan" tanong ni kahte sakin
"Wala naman wag niyo nako pansinin puyat lang ako"
"Hirap ka padin ba sa pagtulog?" Tanong ni khate sakin
"Yeah siguro "
Continue...
YOU ARE READING
I LOVE YOU MORE THAN ANYTHING
FanfictionFOR WANGGE FANS ONLY..Kung IBANG FANDOM KA AT DI MO GUSTO ANG STORY WAG MO NALANG BASAHIN. This is a work of fiction.Names,Characters, Places,and Incidents are either the product of the author's imagination. For entertainment purposes only and shoul...