Chapter 13

355 27 1
                                    


Continue...

Ward's Pov

Nasasaktan ako tuwing nakikita kong umiiyak si angee.Talagang mahal na mahal niya si gayle sana ako nalang minahal mo para hindi kana nasasaktan ng ganyan.

Iniuwi ko na siya sa bahay.Nakatulog ito dahil sa labis na pag-iyak.Pinalitan ko siya ng damit dahil basang basa ito baka magkasakit pa siya pag di niya hinubad.

Pinagmasdan ko lang siya matulog."Sana ako nalang minahal mo.Ako nalang sana angee.Ako nalang mahalin mo" bulong ko dito hindi ko namalayan na may pumatak na luha sa mata ko.Agad ko itong pinunasan.

Kinumutan ko na ito at hinalikan  sa noo tsaka na ko lumabas ng kwarto.

Tinawagan ko si daddy kinamusta ko siya.Ok naman daw siya medyo nakakabawi nadin ang kumpanya.Mabuti naman kung ganon.Masaya ako para sakanya.

Naalimpungatan ako dahil naririnig kong humuhungol si angee agad ko itong pinuntahan sa kwarto niya.Hinawakan ko noo niya sobrang init nito.Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo para ipunas sakanya.Nakita ko ang panginginig niya ng katawan kaya kumuha pa ako ng makapal na kumot para ibalot sakanya.

Pero hindi parin yon sapat para mawala panginginig niya kukuha pa sana ako ng kumot ng bigla niya hawakan kamay ko "please dito kalang wag moko iiwan"

"Dito lang ako angee hindi kita iiwan"

Tinabihan ko na ito sa kama at niyakap para mawala panginginig nito.Effective naman dahil kumalma na katawan nito.Hindi ko namalayan na nakatulog na ko.

Nagising ako na nakayakap sakin si angee.Dahan dahan ko inalis pagkakayakap niya sakin.Lumabas ako ng kwarto para ipagluto siya ng lugaw.After ko magluto ay dinalhan ko ito sakanya sakto naman na gising na siya.

"Gising kana pala pinagluto kita ng lugaw kainin mo habang mainit pa para makainom ka ng gamot"

Hinawakan ko ulit noo niya kung mainit pa ito mabuti nalng at bumaba na lagnat niya.

"Ikaw ba nag-alaga sakin?" Tanong nito

"Ay hindi po yung multo ata" biro ko dito

Natawa ito sa biro ko "Salamat ward lagi ka anjan para sakin"

"Basta ikaw hindi ako magsasawa na alagaan ka.Hmm kainin mo na to para mainom muna gamot mo" sabi ko habang nakangiti.

******

Angee' s Pov

Habang hinihipan ni ward yung lugaw sa may kutsara napatitig ako dito sobrang ganda pala niya sa malapitan ang tangos ng ilong at yung labi.Napalunok ako ng wala sa oras ano ba tong iniisip ko ."okay kalang angee? May nararamdaman kaba?tanong nito

"Ah w-wala,ako na kaya ko na kumain mag-isa salamat ward"

"Sige ubusin mo yan.para makainom kana nito tapos magpahinga ka ulit wag kana muna pumasok.Maiwan na kita malilate na kasi ako bye"

"Sige ingat"

Nahiga ulit ako para magpahinga.Pero hindi ako makatulog ulit iniisip ko si gayle tinatawagan ko siya pero hindi parin niya sinasagot.Napabuntong hininga nalang ako.

Narinig kong may kumakatok sa pinto kaya lumabas ako para buksan.Baka si ward may nakalimutan siguro."may nakalimutan kaba?" Pero hindi si  ward ang nasa harap ko ngayon kungdi si gayle. "Gayle" mabilis na niyakap ko ito."halika pasok ka"

"May sakit ka daw" tanong nito habang hinawakan noo ko

"Medyo ok na ko ano pala ginagawa mo dito pano mo nalaman tong condo?"

"Sinabi sakin ni ward"

"Si ward" hindi ko alam pero bakit ansakit sa dibdib diba dapat masaya ako dahil nandito si gayle nag-aalala sakin.

"Ang daya mo alam moba yon?kahit ilang beses akong magalit sayo kahit ilang beses mokong saktan mahal padin kita angee"

"Gayle"

"Sobrang mahal kita kahit na nagmumukha akong tanga sa pagmamahal ko sayo hindi ko parin maiwasang hindi ka mahalin."

"Gayle im sorry sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo im sorry kung hindi kita naipaglaban im sorry kung kailangan mong magdusa dahil sakin"

"Shhh it's ok pinapatawad na kita angee"

Sakabilang banda..

Ward's Pov

Tama ba yong ginawa ko? Tama bang pinapunta ko si gayle sa bahay?Mahal ko si angee pero hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

"Anong ginagawa mo dito ward diba dapat inaalagaan mo si angee bakit andito ka at naglalasing" tanong ni kei sakin.Kasama ko silang dalawa ni khate ngayon dito.

"Andon naman si gayle sigurado akong aalagaan niya si angee"

"Sira kaba? Ikaw ang asawa dapat ikaw mag-alaga sakanya" sabi ni kahte

"Ako,nga ang asawa hindi naman ako ang mahal edi wala din"

"Ikaw ba mahal mo si angee ward?"

"Tinatanong paba yan una palang minahal ko na siya kei walang araw na hindi ko siya minahal.Pero kahit anong gawin ko si gayle parin ang hinahanap niya at mahal niya"

"Hay nako,wardo eh kung inamin mo kay angee yang nararamdaman mo edi malay mo may chance pa kayo"

"Alam mo tama ka khate sasabihin ko sakanya kung gano ko siya kamahal"

"Kaya tama na yan at puntahan mo na siya"

Hindi naman ako masyadong nakainom kaya hindi naman ako lasing.Tama si khate dapat aminin ko sakanya na mahal ko siya.

Pinark ko na saskyan ko at mabilis na tinungo elevator.May susi naman ako kaya hindi nako kumatok agad na binuksan ko ang pinto.Pero nagulat ako sa nakita ko.Dahil magkahalikan silang dalawa.Napaatras ako ng wala sa oras.Agad na tinungo ko ang nakaparadang sasakyan ko.Mabilis na minaneho ko ito hindi ko mapigilan pumatak mga luha ko.

Dahil sa bilis ng pagmamaneho ko hindi ko napansin ang isang malaking truck sa harapan ko.Malakas ang pagkakabunggo ko sa truck dahilan upang unti unting magdilim ang paningin ko.

******

Angee's Pov

Pinatawad na ako ni gayle.Pumunta siya dito hindi para ipagpatuloy ang aming relasyon kundi para tapusin na.Balak niyang  tapusin nalang sa ibang bansa ang pag-aaral niya.

"So pano? Friends?" Tanong nito

"Friends" sabi ko habang nankangiti sakanya

"Gayle can i have favor?can i kiss you one more time?"

"Hmm sige pero isa lang ah"

Dahan dahan kong nilapit mukha ko sakanya hanggang sa magkadikit ang aming mga labi.Mabilis lang ang halik na yon.Kinapa ko dibdib ko ang weird dahil normal lang ang tibok nito nung halikan ko si gayle.Dati tuwing hinahalikan ko siya bumibilis tibok ng puso ko.

"Thank you"

"Pano alagaan mo sarili mo ah"

"Yeah i will mag-iingat ka don sabihan moko pag nagkaboyfriend or girlfriend ka ah dapat mas maganda sakin ipapalit mo"

"Oo naman ahahahahaahah"

Isang mahigpit na yakap ang ginawad ko rito.

Continue...

I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now