Chapter 18

411 31 3
                                    

Ward's Pov

Kasama ko ngayon si cindy nagpumilit siyang sumama sakin sa palengke.

Gusto ko sanang iwasan siya pero hindi ko magawang ipagtabuyan nalang siya lalo na wala naman siyang ginawang masama

Pagnalaman to ni angge sigurado magagalit na naman yon.

Ayoko naman gisingin siya dahil sobrang himbing ng tulog niya.Nagpabili kasi si lola ng mga sariwang isda at karne

"Manong wala na poba tawad to?" Babayaran ko na sana ng biglang tumawad si cindy sa tindero

"Sige dahil maganda ka naman 80 nalang per kilo sayo"

"Ayan salamat manong ah" ngiting sabi niya

"Ahahahah marunong ka pala makipagtawaran sa palengke?"

"Oo naman kala mo sakin lagi kaya ako pumupunta ng palengke mahilig din ako tumawad pag alam kong mahal"

"Ah talaga? Di halata Ahaha"

"Ok naba tong pinamili natin?" Tanong nito

"Yep ok na to eto lang naman binilin ni lola eh"

"Ok tara na"

"Ako na magbitbit jan"

"Ako na isang plastic lang naman to tsaka madami kana dala"

"Ok"

"Ate ate bilhin niyo napo nito para makauwi napo ako" alok sakin nung bata na nagtitinda ng bulaklak

"Ah magkano ba yan?" Tanong ko sa bata

"50 nalang po itong dalawa"

"Sige oh eto sayo na sukli ah mag-ingat ka sa uuwian mo"

"Salamat po ate ang bait niyo"

"Eto sayo na to cindy"

"Ah?binibigay mo sakin to?"

"Yep ayaw mo ba?"

"Di naman salamat hehe first time ko kasi makareceived ng bulaklak at galing pa sa isang maganda tulad mo"

"Bakit hindi kaba binibigyan ng bulaklak boyfriend mo?"

"Wala akong boyfriend no"

"Edi girlfriend?

"Mas lalong wala"

"So you mean..."

"Yep tama ka NB/GSB nga ako"

"Sa ganda mong yan ahah imposibleng walang magkagusto sayo.Baka naman pihikan ka ahah"

"Marami naman nanliligaw kaya lang di sila pasok sa standard ko"

"So mataas pala standard mo ahaha sabagay dapat lang sa ganda at yaman mong yan "

"Ahah di naman"

"So pano tara na ?"

"Sige"

Malapit lang ang bayan kaya agad din kami nakarating.
Tinulungan ako magbuhat ni cindy sa mga pinamili namin.
Nakita ko si angee kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Good morning mahal" bati ko habang nakangiti

"Good morning mo mukha mo" sabi nito sabay walkout

"Teka galit kaba?" Tanong ko.Pero dire diretso lang siyang naglakad.

Ano na naman nangyari don minsan di ko na maintindihan mood niya mga babae nga naman tsk.Mabilis na sinundan ko ito.Nakita ko nilalagay niya ang mga rosas sa isang vase.

I LOVE YOU MORE THAN ANYTHINGWhere stories live. Discover now