Tin's pov.
"Danica! Antagal naman ng mga order!" Natataranta kong sigaw sa kusina, padami na ng padami ang mga costumer pero hindi parin nilalabas ang mga order.
"bes wait lang!!" Hinihingal itong lumabas sa kusina at iniabot sa akin ang isang malaking tray na puno ng mga order.
"Hayst! Kaloka ka, bakit ba kasi hindi ka pa kumuha ng mga crew dito sa coffee shop mo?? nahahagard ang beauty ko sa mga customers dai!" Histerikal na wika nito, napailing na lang ako
"Alam mo namang kakaumpisa pa lang ng business ko diba?" Napangiti ako habang inaalala kung paano ako onti-onting bumangon matapos ang mga nangyari six years ago.
[Flashback]
it's over. Tuluyan nang napawalang bisa ang kasal namin.
tinignan ko pa sa huling pagkakataon ang tahanang nagsilbing pahingahan, pundasiyon, at kasiyahan namin.
Ang naging saksi sa kung paano kami nag umpisa at sa kung panoo kami nagtapos.
I guess this is the last na ituturing ko 'tong tahanan ko.
naglakad na ako at akmang ilalagay na sana sa sasakyan ang mga maletang dala ko ng bigla akong makaramdam ng kakaibang kirot sa bandang tiyan ko.
"a-aray" para akong paulit-ulit na sinaksak roon, nabitawan ko ang mga dala ko at nanghihinang napaupo.
"Ansakit! Tulong!" hindi na ako matigil sa pagiyak sa sobrang sakit na nadarama
"Tin? What's happening?!" Natatarantang lumapit sa'kin si Claude at binuhat ako
"c-claude masakit.." nagmamadali ako nitong ipinasok sa sasakyan at agad pinaandar ito.
napatingin ako sa hita ko ng maramdaman ang basa roon
Halos manlumo ako ng makita ang pulang likidong tumutulo sa magkabilang kong hita
a-anong nangyayari? h-hindi..
"Fuck! tabi!" Halos hindi na magkamayaw si Claude sa pagpapatabi ng mga sasakyang nasa harapan namin at halos hindi ko na maramdaman ang sariling katawan.
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naalala ko ang huling salitang binigkas ni Leo bago kami tuluyang maghiwalay.
"I hope we won't see.. each other, again" ito na ba 'yon?
Hindi ko na ba ulit siya makikita?
Iminulat ko ang mga mata at agad na sumalubong sa'kin ang puting kisame.
bagamat nanghihina ay pinilit kong tumayo at tinignan ang buong paligid
nasa hospital ako? Anong nangyari?
"Tin" bigkas ng kakapasok lang na si Claude
malungkot ang matang tumingin ito sakin, b-bakit?
kasunod nitong pumasok sila mama at papa, kasama si kuya Gello at ang asawa nitong si ate gale, pati ang isang babaeng doctor.
"Anak, diyos ko, salamat naman at gising ka na!" Naiiyak na sambit ni mama at agad akong niyakap ng mahigpit
Naguguluhan kong tinignan sila papa, nag iwas lamang siya ng tingin kaya mas lumaki pa ang pagtataka sa isipan ko
"m-ma? Ano po bang nangyari?" Naramdaman ko ang marahang haplos nito sa pisnge ko habang naluluhang nakatingin sa'kin.
"Anak.. may sasabihin lang si doc ah? Please.. be strong honey" hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
My Obsessed Ex-Husband ( On Going )
Mystery / ThrillerLiving her life in misery, Celestine was left with no choice but to sign the divorce paper and finally let go of his husband who wants nothing but to get away from her. In the depth of mourning from losing her child, Celestine soon realized that she...
