9

1K 15 0
                                    

Tin's pov.

"Baby, who's the prettiest, me or your mommy?" Rinig kong malambing na tanong ni Danica kay Candy, ang gaga binubudol na naman yung bata.

"pwetty?" Inosenteng tanong nito

"yes, baby. Pretty, me or mommy?" Ulit pa nito, natahimik naman si Candy na akala mo ay nagiisip ng kung ano

"Mo—

"Oo baby ako nga, sabi ko na nga ba napakatalino talaga ng batang ito, ang galing galing, i'm so proud of you! Pakiss nga!" Napailing na lang ako rito

"hey, don't fool the child, baby don't listen to that witch? okay?" Clyde said trying to get Candy's attention who's now busy playing with her toys.

"ay na ko bebe gerl, mas lalong wag kang makikinig sa g*gong iya—

"wtf??! You really can't control what will comes out of that mout—

"hoy lalake! Kakasabi mo lang din ng watdapak, kapal ng mukha mong mag salit—

"Hoy kayong dalawa! hindi ba talaga kayo titigil sa walang katapusang bangayan na yan?! Kanina pa kayo murahan ng murahan, mahiya naman kayo nasa harap kayo ng bata, jusme! Candy come here, baby, let me get you out of here, the're so many monters here" I finally got to said, rinding rindi na ko sa bangayan nila.

magmula ng umuwi si Claude two days ago, hindi na natapos ang magdamag nilang bangayan, kung noon nakakakilig pa pwes ngayon hindi na! K*ngina ng mga 'to kala mo sila lang nakatira sa bahay, kahit madaling araw ba naman ng gabi nagkakalabugan parin sa sala.

"mommy, noysi mommy, ingay po" sumalubong sa'kin si Candy, agad ko itong kinarga at pumanik na kami paalis roon

rinig ko pa ang mahihina nilang ngiwian, di pa talaga titigil, oh.

"You're tired na baby? Let's sleep na?" Malambing na tanong ko rito habang hinahaplos ang malambot na buhok nito

"tayrd na candy, mommy, wan na po sleep" napangiti naman ako ng humikab na nga ito

"okay baby, we'll sleep na, wawa naman yan" ani ko rito at inihiga na siya sa kama, umupo naman ako sa upuang nasa tapat nito at marahang tinapik-tapik ang kamay nito upang makatulog siya.

mahigit tatlong araw naring nasa puder ko si Candy, sa three days na iyon wala parin kaming natanggap na tawag galing sa mga pulis o sa totoong pamilya ni Candy, at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako makakaramdam ng takot once na bawiin na siya sa'kin ng mga magulang niya.

alam kong nag aalala na ang mga magulang niya sa kanya, alam ko kung gaano kahirap mawalan ng anak kaya kahit pa napalapit na ang loob ko sa bata ay hindi ko parin naman nakakalimutang ipaalala sa sarili ko na may mga magulang si Candy na paniguradong nag-aalala narin at naghahanap sa kanya.

I need to send her back as soon as possible even tho I feel sad at the thought of being away from her.

ayokong mas lumalim pa ang loob ko para kay Candy, dahil paniguradong mas mahihirapan akong ibalik siya pag nagkataong mangyari iyon.

But I know that's the right thing to do.

She's not mine, I'm not her mom, she has her own family and.. that's not me.

dibale susulitin ko na lang ang mga panahong makakasama ko pa siya.

I admit it.. magmula ng dumating si Candy sa buhay ko walang araw na hindi ako naging masaya, tuwing nagigising ako ng umaga at ang napakacute na mukha nito ang nabubungaran ko, the way she called be mommy.. it all makes my heart fluttered.

"kailangan na kitang ibalik, natatakot ako na baka masaktan na naman ako kapag nanatili ka pa nang mas matagal sa tabi ko" alam kong mahimbing na itong natutulog

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon