6

1.4K 24 2
                                        

Chapter 6

"Baby, wake up" marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabon sa maganda niyang mukha

Nangunot naman ang noo nito na nagpangiti sa'kin.

"mama?" Natigilan ako sa binigkas nito..

s-siguro hinahanap niya lang ang mama niya?

tila may kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ang pagtawag nito ng mama.. g-ganto rin sana ang itatawag sa'kin ng anak ko k-kung.. kung andito lang siya

"b-baby it's morning already, you need to eat your breakfast na" pilit kong iniayos ang sarili

ngumiti naman ito at bumangon sa pagkakahiga, tumingin ito sa paligid at hindi ko mapigilang pisilin ang pisngi nito dahil mukha siyang nalilitong pusa.

"you're here at my house, after mong kumain ng breakfast we'll go na to the police station para mahanap na natin ang mommy mo, okay ba yun sayo?" Ang kaninang ngiti ko ay naglaho ng makitang kong yumuko ito

"baby, what's the problem?" Hinawakan ko ang maliit nitong kamay

"m-mama.. mama not looking for me, mama don't love Candy" natigilan ako sa sinabi nito

she's not looking for Candy?

"Baby, for sure, your mom is already looking for you, there's no mother who wouldn't not care for their child" naramdaman ko ang paggalaw ng balikat nito, umiiyak siya?

"b-but ayaw niya, Candy" naluluhang bigkas nito

hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kusa ko na lang niyakap ito.

"shh, don't cry, I'm sure your mom loves Candy, okay?" Pagpapatahan ko rito, hinaplos ko ang malambot nitong buhok

Nang bahagyang tumahan na ito ay pinunasan ko ang mga natuyong luha nito.

"i'm sure gutom ka na, let's eat your breakfast na?" Nagningning naman ang mga mata nito na siyang nagpangiti sa'kin

inalalayan ko itong tumayo, paglabas namin ng office ko ay may mga customer na ring kumakain at abala na sila jepoy sa pagseserve.

"Hi baby! I'm tita jacky, and they are the four Monsters— Aray!"

"Maka monster ka! Mas mukha ka pang monster samin oi!"

Napailing na lang ako sa kalokohan nila

"baby, they are kuya Jacky, kuya jepoy, ate Nica, and ate Charlotte you can also treat them as your friend if you want" pakilala ko sa kanilang apat na malalaki ang ngiting nakatingin kay Candy

"Prend? I want prend! Candy prend!" Natutuwa at nagtatatalon na wika nito

tuwang-tuwa naman iyong apat rito at halos malamog na yung bata sa panggigigil nila.

"tama na muna yan, Candy, come here, you need to eat na" tawag ko rito at lumapit naman siya, binuhat ko ito paupo sa upuan at ako naman ay umupo sa upuang katapat nito.

"Do you like milk? I prepared Bacon, hotdog, egg and breads, kumakain ka ba nito?" Tanong ko rito habang pinagsasandukan siya.

"Candy want hotdog!" Napangiti naman ako ng makita ang pagkasabik niya sa mga pagkain

Sinubuan ko ito at ako na rin ang nagpulot ng ilang mga kanin na nakalat nito.

"Is it yummy?" Pinunasan ko ang ilang gatas na naiwan sa labi nito.

"yummy!" natutuwa nitong wika

"eat ka muna" I said and gave her more hotdogs, she said it's her favorite.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon