24

1.4K 25 1
                                        

Ipinikit ko ang mga mata habang dinadama ang malamig na mag dampi ng tubig mula sa shower patungo sa aking balat.

k-kailangan ko nang makatakas rito.. p-paniguradong ilang sandali lang babalik narin ang demonyong iyon.

pinipigilan ko ang mapahikbi habang madiing kinukoskos ang bawat parte ng katawan.

lahat ng nahawakan.. l-lahat ng binaboy niya.

Pilit kong pinipigilan ang pagragasa ng mga luha sa aking mga mata. Walang mangyayari kung iiyak na lamang ako nang iiyak.

mas matutuwa lang siya habang nakikitang nagdudusa at nasasaktan ako. Gagawin ko ang lahat makaalis lang rito.

Paniguradong nag-aalala na sa akin ang pamilya ko.. i-im sorry.

nang matapos na akong maligo ay nagbihis narin agad ako ng makitang may t-shirt at pajamang nakatupi sa kama. Hindi ko alam kung kanino ito ngunit ito na muna ang susuutin ko.

Habang nagiisip ng paraan upang makatakas ay bigla na lamang bumukas ang pintuan at tila para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang taong pumasok at may dalang pagkain.

it's Cendra. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman ang babaeng 'to.

"k-kumain ka" hindi nito magawang makatingin sa akin.

puno ng galit ang puso ko ngayon. Akala ko ba mahal niya si Leo? Akala ko ba gusto niyang mawala na ako sa buhay nila? Ngayon bakit siya nakikipagsabwatan kay Leo?

"hayop ka. Sinasabi ko na nga bang may masama kayong balak" nagngi-ngitngit ang bagang na sambit ko rito.

"sinabihan na kitang magpakalayo-layo kana. You didn't listen to me. N-ngayon huwag mo akong sisihin kung b-bakit andito ka" wala sa sarili akong napasinghap sa sinambit nito.

"He raped me.. alam mo ba yon?" Sambit ko na agad nag pabaling ng mga mata nito sa akin.

Hindi ko maintindihan pero parang mukha itong gulat na gulat na akala mo walang alam sa nangyayari.

Iyon ang imposible. She's just like him. Pareho silang halang ang bituka.

dahil kung may natitira pa siyang konsensiya kahit konti ay paniguradong hindi siya makikipag sabwatan kay Leo sa pagkidnap sa akin at pag kulong rito.. at sa p-pangbababoy na ginawa niya sa'kin.

"K-kumain kana" kalaunay nag iwas rin agad ito ng tingin at tila nagkunwareng walang narinig bago dali-dali isinara ang kwarto pag labas niya.

"Let me go!" Pilit kong pinag hahampas ang pinto at umaasang naroon pa siya.

halos mamaaos na lamang ako sa kakasigaw ngunit wala na akong narinig pang kahit na anong kaluskos sa kabila.

babae rin siya.. papaano niya nagagawang makipagtulungan sa demonyong katulad ni Leo.. I know that she loves him. P-pero tangina naman. Napakababoy nila.

Hindi ko ginalaw ang pagkaing dinala ni Cendra, baka mamaya ay may kung ano pa silang nalagay roon at mangyari na naman ng nangyari kahapon.. hinding hindi ko na hahayaan pa.

Tiniis ko na lamang ang gutom at hindi ko alam kung ilang oras na akong paikot-ikot rito sa loob ng kwarto habang nagiisip nang paraan upang makatakas, mahigpit ang pagkakakandado ng pinto at closed window din ang mga bintana. Hayop ang demonyong iyon. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang planong pagkulong sa'kin dito.

akmang tatayo na sana nang aksidente kong matabig ang trey ng pagkain na dala-dala ni Cendra kanina.

nabasag ang plato at nagkalat ang mga laman nito.

akmang pupulutin ko na sana ang ilang piraso ng nabasag na plato ng tila may kung anong bagay akong naaninag sa nagkalat na sabaw.

akala ko'y piraso lamang ito sa nabasag na bowl ng mapagtantong susi ito.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon